Nov 13, 2008

Paano Magsulat ang Nakainom ng Alak?

24 na lasing
Paano nga ba magsulat ang isang taong nakainom? Wala pa yata akong nababasang ganyang tanong. Bakit ko naman naisip yan? Wala lang, walang maisulat. Bakit naman wala akong maisulat? Dahil ako'y nakainom. Bakit naman ako nakainom? Kaarawan ng kasamahan namin sa trabaho. Sino naman ang kasamahan mong iyon? Isang lalaking kalbo. Bakit naman siya kalbo? WALANG BUHOK!


Ang taong nakainom, nagiging makulit, mahilig magtanong kahit na walang kwenta. Hindi titigil hanggat hindi nakukuntento. Walang pakialam sa iba basta masabi lang kung ano ang gusto. Pero hindi ako sigurado kung ganyan din ang taong nakainom kung nagsusulat siya. Hindi ko alam kung makulit nga ba sa pagsusulat ang taong nakainom. Hindi ko alam kung makulit nga ba sa pagsusulat ang taong nakainom. Hindi ko alam kung makulit nga ba sa pagsusulat ang taong nakainom. Sa tingin mo? Makulit nga ba sa pagsusulat ang taong nakainom? Hindi ko din masabi.

Mapapansin mo siguro sa mga sinusulat niya kung nakainom siya kapag tagalog ang sinusulat niya, tapos bigla niyang sisingitan ng english. Except me. Napapansin ko lang 'yun, pero para sa akin, hindi ako ganun. No way! Minsan naman, dumadami ang typographical error sa kanyang mga sinusulat, nagkabakalidtag ang ltera ng knayang mga snusiulat. Bhira lng ako magkmali sa mga letra ng bwat slitng gnanmit ko sa bwat pgsulsulat ko dito. Ilang beses ko kcng bbnbasa para hanpin kung may maling spilleng o may nwawalng letra.

Pero kung nakainom ka na, siguro hindi mo na magawang basahin ng ilang beses 'yung sinulat mo. Dahil kung gagawin mo 'yun, mas lalo ka lang mahihilo. Madadagdagan ang sakit ng ulo mo na dala ng epekto ng alak. Kaya kapag nahihilo ka na dahil sa ilang beses mong pagbasa ng sinulat mo, hindi mo mapapansin na maisusulat mo uli 'yung kanina mo pang nabanggit. Kaya dapat talaga, huwag mo na basahin ng paulit-ulit ang sinulat mo para lang hanapin ang mali, dahil kung gagawin mo'yun, mas lalo ka lang mahihilo. Madadagdagan ang sakit ng ulo mo na dala ng epekto ng alak.

Pero para sa mga mambabasa, mapapansin din nila kung nakainom ang nagsulat ng binabasa nila. Mapapansin nila na parang niloloko lang sila ng sumulat ng binabasa nila. Wala kasing kasaysayan ang mga pinagsusulat niya. Mahahalata nilang niloloko lang sila ng sumulat. Tulad ng ginagawa mo ngayon. Nahalata mo ba?

Kung nahalata mo na parang ganun nga ang klase ng sinulat ng binabasa mo, aakalain mong talagang niloloko ka ng may-akda. Pero kung babasahin mo ng ilang ulit, at pipiliting hanapin ang nakatagong mensahe sa likod ng mapagbirong sinulat, hindi lang ang sumulat ang nanloloko sa'yo kundi pati sarili mo, niloloko mo, malalaman mo na may ibig iparating ang taong sumulat ng ganun.

Ayaw lang ipahalata ng sumulat kung ano ang gusto niyang sabihin. Kung nakainom ka, lumalakas ang loob mong sabihin sa kaharap mo ang hindi mo masabi ng walang kasamang alak, pero iba sa pagsusulat (ayon sa aking eksperiyensiya), kabaligtaran. Magkukwento ka ng parang walang laman, parang pinagtitripan lang ang magbabasa, pero halos isinisigaw na niya kung ano 'yung kanina pang gustong sabihin. Hindi mo lang pansin.

At ako. Oo. Inaamin ko. Nakainom ako habang nagsusulat. Kaya ako, sa kasalukuyang panahong ito, ay isang Drunk Writer. Abangan ninyo na lang, kung kailan ako tatalon mula sa isang eroplano/helikapter upang lumipad, para matawag na Sky Diver. Kung naguguluhan ka sa mga sinasabi ko, isa lang ang ibig sabihin noon. Naa-ANING ka na! Praning!

...

Comments

24 comments to "Paano Magsulat ang Nakainom ng Alak?"

Anonymous said...
November 13, 2008 at 2:23 AM

Parang mas masarap yata magsulat pag naka inom, yung tama lang wag naman yung senglot na...baka pati yung magbabasa mahilo rin...LOLs

Tama lang yung mild ang amats, kasi parang nagiging spontaneous yung pagsusulat.....

Tapos parang mas maganda, habang nagsusulat ka, eh sumashot ka ng Gin Bulag......

Eto ang da bes, habang nagsusulat ka, sumashot ka ng Gin Bulag.... may kandong kang isang napaka ganda tapos seksing-seksi na GRO....huwaaaw !!!!

Masubikan nga.....tama na ba yung isang galon ng lambanog...LOLs

Vhonne said...
November 13, 2008 at 2:27 AM

@ahkong:

tama na sa akin ang alak... wag nang samahan ng GRO... matino po ako...

paperdoll said...
November 13, 2008 at 2:50 AM

haaay naku! bakit ba ganito? pagbinabasa co post mo na didisappoint aco. .lagi natatapos ng wala cong masabe? hehe


kung aco nakainom malamang hindi na aco makakasulat. . pota! pagnakainom aco tulog kagad acoe. . buti ka pa nagagawa mo. .

Anonymous said...
November 13, 2008 at 2:55 AM

Hahaha. At ikaw nga ang nag-iisang si Drunk Writer. Hehe,

Yummie said...
November 13, 2008 at 10:48 AM

nang dahil sa sinulat mo....
hahaha magagawa ko na sa nalalapit na araw ang kadugtong ng istorya ninyo ni Paranoia.

Salamat.. at di ka galit sa akin.

I love you kuya.

~YUMMYXDINGDING

Vhonne said...
November 13, 2008 at 12:24 PM

@manika:

pasensya at wala kang nalalaman kung ano ang nangyayari sa akin ngaun... ahaha.. malalaman mo din... sabi nga ni Big Brother (sa takdang panahon...)

@matahari:

oo na.. ako na nga... ahaha... ung gumagandang istorya nila ni paranoia... abangan nio n lang... ahaha...

@yummy:

bkt ako magagalit sau? natutuwa pa nga ako eh.. ndi lang ako.. maraming natuwa sa ginawa mo... mwuah...

Anonymous said...
November 13, 2008 at 2:58 PM

Jokes lang yung tungkol sa GRO....baka malaman ng labidabi ko maputulan ako ng kaligayahan...takut aku dun...LOLs

O sige, si pareng Johnnie Walker nalang ang isama natin....saka isang kalderong mainit-init na papaitan...tsalap-tsalap

Anonymous said...
November 13, 2008 at 4:31 PM

hmmm...
parang gusto kong malaman kung saan ka nalalasing..
sa alak ba
o sa
pag - i_ i_?..
yeeeheee!!! :)

Vhonne said...
November 13, 2008 at 7:29 PM

@ahkong:

hindi ko kilala si Johnny Walker... at sa kabayong pula lang ako sumasakay...

@eiyelle:

waaa... pareho... pero mas nakakalasing talaga ang pag-i_i_... nakakalunod pa... weeee... ahahaha

Anonymous said...
November 13, 2008 at 9:39 PM

basahin mo mga sinualt ni edgar allan poe. ganun magsulat ang taong nakainom. hehe. ;)

Vhonne said...
November 14, 2008 at 1:07 AM

@joshmarie:

salamat sa clue... cge... babasahin ko... pag wala na akong tama... pero malabo yatang mangyari un... ang lakas ng tama ko... tama sa puso... ahahaha...

Chyng said...
November 14, 2008 at 1:15 AM

really? well consider it a talent kung kaya mo magsulat pag nakainom! cheers!

Vhonne said...
November 14, 2008 at 2:41 AM

@chyng:

ganun? salamat naman.. may talent pala ako... pwede na bang iyan ang gawin kong talent pag sumali ako sa tv contest...? hehehe...

Anonymous said...
November 14, 2008 at 10:22 AM

wahahaha!
ang galing naman nito.
yung iba naman mas gumagana utak nila pag lasing.
parang yung papa ko.

hindi ko iyan itatry kasi kasi kasi baka bigla kong massulat mga sikreto ko sa buhay!

Maru said...
November 14, 2008 at 11:16 AM

ang pagka alam ko...pwede mo ko gahasain pag nakainom ng alak. yun ay kung mapapainom mo ko. nyehehe!

tsong... TAG kita ha?
http://www.maruism.com/2008/11/14/my-lemonade-award/

sana ok lang sau.

mwah!

Anonymous said...
November 14, 2008 at 11:35 AM

vhonee, kulang pa ata ang nainom mo =)

Anonymous said...
November 14, 2008 at 12:56 PM

naku.. mukhang di ka lng nakainom... may sapak k na rin.. naaaning-aning ka na.. hahahha..

dahan dahan lang bka may hangover ka pa..

Anonymous said...
November 14, 2008 at 3:09 PM

nung nagtatatrabaho ako sa publishing, mas masaya kaming magsulat kapag naka-inom, hahahaha - hindi ko lang alam kung tama yung grammar at punctuations nung mga articles namin, hahaha :) pero kapag tatay ko naman ang nakainom at sya ang magsulat? chong, english speaking sya kapag nakainom na e, edi english din sya magsulat!

Vhonne said...
November 14, 2008 at 4:25 PM

@eloiski:

ok nga un eh... nagkakalabasan ng sikreto... pero wag ung about sa krimen... delikado... mahuhuli...

@mamaru:

salamat po... pwede perahin n lng?

@angel:

ndi ko na kelangan ng maiinom para malasing... lasing na ako sa "KANYA"... ahahaha.. clueless kayo no?

@repah:

wag kang mag-alala... alam ko ang ginagawa ko... di ba nasa wordpress ako ngaun? lol

@ate kengkay:

masaya naman ang magsulat kapag nakainom... ahaha... pero ndi ako nagsusulat ng lasing.. nakainom lng po..

Anonymous said...
November 14, 2008 at 6:13 PM

talent yan... hindi ba dapat pag lasing, medyo nanlalabo ang mata, tas di mo maintindihan ang sinasabi at straight ang words mo dito. hehe

Vhonne said...
November 14, 2008 at 8:19 PM

@icka:

wow... dami naman nagsasabi na talent ko un... whew!... cguro nga... hindi kasi ako marunong kumanta, hindi ako marunong sumayaw... eto n lng ang pagyayamanin ko... ang magsulat habang umiinom... ahaha

joshmarie said...
July 26, 2009 at 1:51 AM

paano magsulat ang taong nakainom ng alak?

well, basahn mo lahat ng gnawa n edgar allan poe.

di sya nakakapagsulat ng hndi nakainom ng alak. naglalasing muna yun bago magsulat.

ako naman di ko kelangan malasing bago makapagsulat. kelangan ko munang magng malungkot bago makapagsulat. hehe. ayan lasing ako kaya ganito comment ko. heheh.

Vhonne said...
July 26, 2009 at 3:04 AM

yan n din ang sabi mo sa comment mo sa taas eh.. inulit mo lng.. dinagdagan pala.. ahaha...

Anonymous said...
May 9, 2013 at 3:16 PM

I do not even know how I stopped up right here, however I thought this submit
used to be great. I don't know who you are but certainly you are going to a well-known blogger when you aren't
already. Cheers!

Review my blog post :: click here

Post a Comment

Bago malasheng ng tuluyan... mag-iwan muna ng kumento...

 

Copyright 2008 All Rights Reserved Revolution Two Church theme by Brian Gardner Converted into Blogger Template by Bloganol dot com Customized by Vhonne DeVille