Nov 10, 2008

Paano Gumawa ng Magandang Kwento?

28 na lasing
Sabi nila, ang mga manunulat ay may kanya-kanyang ritwal bago magsulat. Ang isang blagger ay isa din manunulat. Kaya inisip ko, ano nga ba ang ginagawa ko bago magsulat? 'Yung iba kasi, ayon sa nabasa kong libro, nakikipag-usap muna sa isda sa akwaryum. 'Yung iba naman, nagkukulong sa kwarto para walang makaistorbo. Meron din namang nagpupush-ups ng isangdaang beses bago magsulat. Hindi ka naniniwala? Ako din, inimbento ko lang kasi 'yan.


Ako, bago ako magsulat, lumalabas ako ng bahay. Naglalakad-lakad. Nag-iisip. Kusang gumagalaw ang paa patungo sa kung saan. Hindi makontrol ng utak ko ang patuloy na paglakad ng paa ko dahil abala ito sa pag-iisip ng ilang bagay. Sa paglalakad kong 'yun, dun ako nakakabuo ng istorya. Magagandang istorya na matatagpuan sa kalye, sa mga taong makikita mo at sa mga pangyayaring nasasaksihan mo.

Lahat 'yun ginagawan ko ng istorya sa utak ko. Buti na lang nag-upgrade na ako ng memory card para sa utak ko. Kung dati eh 256mb lang ang kapasidad ng memorya ko, ngayon, 1gig na! Kasyang-kasya ang mga istorya. Hindi lang basta istorya. Nandiyan ang mga problema ng lipunan na makikita mo, at nakakagawa ka din ng solusyon para sa mga problemang 'yun.

Habang naglalakad-lakad kasabay ng pag-iisip, hindi ko maiiwasan ang magutom. Tumitigil ako sa mga kainan na pwedeng makapagtawid ng gutom. Pero habang kumakain, patuloy pa rin sa pagtakbo ang isip ko. Parang may Notepad sa utak ko na sinusulat ang mga magagandang posibleng istorya at siyempre kailangang i-save 'yung mga nakasulat sa memorya ng utak.

Kapag nakabuo na ako ng isang istoryang napili ko, balik na ako sa bahay. Haharap sa kompyuter. Bubuksan ang MS Word o Notepad, o kaya diretso na sa blag. Ayos! Sisimulan ko ng tipahin ang aking kibord. Kukuhanin ang mga saved files sa memory ng utak.

Biglang may isang eror. Lagot. Hindi ko mabuksan ang kwentong nakalap ko sa memorya ko. At ang eror na lumabas...

"FILE CORRUPTED!"

Kaya wala akong magandang istorya. Ayoko nang gawin ang ganung nakasanayan ko. Nasasayang lang ang oras ko. Katulad mo, nasayang ang oras mo sa pagbabasa ng walang kwentang kwento kong ito.

...

Comments

28 comments to "Paano Gumawa ng Magandang Kwento?"

Anonymous said...
November 10, 2008 at 9:12 PM

ang lalim neto. -____-

hail thee batanggero! hahaha. the next best thing since bob ong!! haha lol.

Anonymous said...
November 11, 2008 at 12:21 AM

ewan. ndi ko alam kung anong sasabihin ko. In fairness, natuwa naman ako dito. Kaso lang, parang walang naabsorb utak ko dito eh. Hehehe. Anyway, just wana take this opportunity to say hi to Drunk Writer.

paperdoll said...
November 11, 2008 at 1:06 AM

punyeta! kala co may kinalaman ung kontrabida at bida! animalous!

well well well. . ang ritual co bago magsulat ay matulog. . 'yun ang totoo. .

at ikaw! mukhang kulang ka sa tulog!

Vhonne said...
November 11, 2008 at 1:23 AM

@loraine:
hmm... m92441

@matahari:
sabi ko na kc.. walang kwenta yang binabasa nio... at teka na pala.. naliligaw k yata ng blog? wala dito si Drunk Writer... ahaha

Vhonne said...
November 11, 2008 at 1:29 AM

@manika:
ndi n nga ako nakakatulog... ewan ko kung cno ang dahilan... ndi nmn ako umiinom ng kape para mapuyat... pero ayoko mawala ang kape sa tabi ko.. bwahahaha...

Anonymous said...
November 11, 2008 at 1:33 AM

kei lng yan vhonne. life goes on... :)

Vhonne said...
November 11, 2008 at 1:52 AM

@joshmarie:

ngaun lng ako nagsulat ng walang kwenta... (walang maniniwala)... babawi n lng ako nxt time... dami ko nakahandang kwento... naka save sa usb ko... wag lng mag corrupt file ulit... ahaha

Anonymous said...
November 11, 2008 at 4:21 PM

loko ka vhonne. sinayang mo yung ilang minuto ko dito sa INternet shop. P15 per hour pa naman dito sana sinabi mo na lang na wala kang maipopost ngayon.

hehe, joke. in fairness, ang lalim nito. so deep.

Yummie said...
November 11, 2008 at 5:28 PM

hahaha... may ganitong entry ahh LOL.
Ang masasabi ko lang mas magandang ikwento ang mga tunay na pangyayari ngunit di ko naman sinasabi na di maganda ang mga fiction hehehe.

Mas kinikilig ka, natutuwa at nararamdaman mo kung alam mong nangyayari sa tunay na buhay hehehehe.

Vhonne said...
November 11, 2008 at 5:31 PM

@angel:

ahaha... ok lng yan.. malay mo may mapulot kang oras sa pagbabasa nyan... ahaha... may aral yan... malalaman mo din... mukha lng wala...

Vhonne said...
November 11, 2008 at 5:34 PM

@yummy:

anong ibig mong sabihin? gusto mo magkwento ako? ahaha... naikwento mo na yata... waaaa... kahit hindi ko na ikwento... alam n nmn cguro nila... ahahaha... YUMMYYY!!!! mwuah.. salamat...

Anonymous said...
November 11, 2008 at 11:29 PM

haha,ayus parang kompyuter lang talaga ang utak mo huh

Vhonne said...
November 12, 2008 at 5:31 AM

@joyz:

salamat sa pagdaan sa munting blog ko... tama ka.. parang kompyuter lang ang utak ko.. kaso.. pentium 1 lng.. hehehe.. mwuah...

nano said...
November 12, 2008 at 4:25 PM

Padaan ulit Vhonne! haha..

Sandali nga, Ong din ba ang surname mo? Siguro Vhonne Ong ang tunay na pangalan mo noh? Kamag-anak mo ba o ikaw na mismo si Bob ong?haha.

Wala lang akong masabi, may masabi lang. haha. Nakakatuwa ang blog mo, ng mga akda mo. Tama si Loraine!(yehbah!)haha.

Vhonne said...
November 12, 2008 at 7:25 PM

@nano:

salamat sa muling pagdaan kaibigang nano... ndi po Ong ang surname ko... at lalong hindi Tot! wag nio nang banggitin pa... lol

wag nio po akong ikumpara sa isang taong may magandang pangalan... baka ako pa ang makasira... lol

wag din kau masyado humanga sa sulat ko... lumalaki ulo ko... weeee!

Anonymous said...
November 14, 2008 at 10:25 AM

basta kapag may ideyang pumasok sa utak ko, sulat agad!
baka kasi makalimutan agad.

Vhonne said...
November 14, 2008 at 4:44 PM

@eloiski:

dati.. may dala p akong pen at papel... kaso... napapa drawing lng ako at kung anu-anong kalokohan nagagawa ko.. ahaha...

mj,,.cute..,,hehehe said...
February 18, 2010 at 3:46 PM

...,hay iwan ko di nman kc aq manunulat eh ano!!!..,,peo pinapagawa kmi ng sariling kwento 5 pages pa..,,hhaayyyy!!!!...,,bahala na ng magsisimula na aqq..., peo bgo akng gising sna nasa tamang condition ang utak ko hehehehe....,,,

Anonymous said...
August 16, 2010 at 9:56 PM

wow...galing niyo ...napakamalikhain ng inyong mga pag iisip... kagilagilalas... anu ba dapat mga tandaan para makagawa ng isang magandang kwento?

Vhonne said...
August 16, 2010 at 10:51 PM

@anonymous:

salamat po... :D simple lang po ang isasagot ko sa tanong mo... magsulat ng totoong nararamdaman... :D

Anonymous said...
August 22, 2010 at 5:47 PM

Hindi ka ata marunong gumawa ng kwento? Ang paraan dyan para makagawa ng magandang kwento,alalahanin mo ung mga nakakatawang naganap sayo o sa iba saka ung mga TV commercials na sa tingin mo ay magandang pag kunan ng kwento. Sa paggawa mo, gamitin mo lahat ng natutunan mo lalo na ung nakakatawa o kaya'y mga matalinghagang mga pangyayari para masasabi ng mga tao na "Wow!ang galing!" Dapat rin magaling ka mag acting...

Anonymous said...
February 6, 2011 at 3:25 PM

kakatuwa nga po e;))
sa totoo lang, nagkaroon ako ng tamang idea. :) i enjoyed reading it :) hahahah

Jake Laguador said...
April 8, 2012 at 10:20 PM

Matulog lang din ang katapat kong ritwal..parang si paperdoll...

raya malaya said...
July 23, 2012 at 10:26 AM

magdala kasi ng sariling papel at ballpen kung ma-corrupt man sa iyong memory nasa utak kahit papano may bak up ka sa external memory mo.

lara said...
March 1, 2013 at 7:07 PM

hayz..yan din po ang problema ko..rami kong naiisip na ideya pero kapag isusulat kona..nahihirapan ako kung paano gagawa ng eksena lage nalang TEMA ang naiisip ko :D pero hopefully soon i can make my own story..

lara said...
March 1, 2013 at 7:26 PM

:D

benjie said...
March 15, 2013 at 6:33 PM

sa 10 kwento ko eh 9.5 doon corny. ayos tong post na ito.

Unknown said...
January 16, 2015 at 4:34 AM

hanep ang galing kaya lang medyo nalito ang isip ko sa pagbasa nito pero ang galing talaga :)

Post a Comment

Bago malasheng ng tuluyan... mag-iwan muna ng kumento...

 

Copyright 2008 All Rights Reserved Revolution Two Church theme by Brian Gardner Converted into Blogger Template by Bloganol dot com Customized by Vhonne DeVille