Walang magawa. Hindi ko magawa. Ang hirap gumawa. Anong gagawin ko? Wala. Sa ngayon, wala akong dapat gawin. Dahil sa bawat pagkilos ko, may kakaibang nangyayari. Gumugulo. Lumalabo. Nalilito. Nahihirapan. Kaya para hindi na lang lumala, maghihintay na lang muna at magtitiyaga. Aaminin kong tamad akong tao, pero ang desisyon kong ito ay hindi ugaling tamad. Naghihintay ako sa tamang oras at panahon para gawin ang nararapat. At pag dumating ang oras na 'yun, makikita ko ang mangyayari na dapat. At maging karapat-dapat. (Ang dami-dami ko yatang salitang inuulit-ulit sa talatang ito? Nagkakadoble-doble yata)
Ngayon, gusto ko muna pasalamatan ang lahat ng nakinig sa akin. Nagtiyagang makipag-usap. Nagtiis sa kwento at hinaing ko. Nagbigay ng payo. Nagpatibay at nagpalakas ng loob. Tumulong. Sa mga nagbigay ng komento sa entri kong Nobela Daw. Hindi ako sumasagot pero nagpapasalamat ako sa inyong lahat. Sa mga lagi kong binabalitaan ng minu-minutong nangyayari sa akin. Hindi ko na lang babanggitin ang mga pangalan ninyo. Ate Arnie, Ate Joshmarie, Joyce at Ella. Maraming salamat. Hayaan ninyo, hindi ko ilalagay ang mga pangalan ninyo dito. Promise!
Promise. Pangako. Sumpa man. 'Yan ang mga salitang binibitawan ng karamihan sa atin kapag nangangako tayo na gagawing bagay. Kapag sinabi natin ang mga salitang 'yan, kailangan nating tuparin kung ano man ang binitawan nating pangako. Pero ako. Minsan lang ako mangako at banggitin ang mga salitang 'yun. Promise, mamatay man ako.
Pero marami ang nagsasabi, kadalasan daw, ang pangako ng isang tao ay laging napapako at nababali. Mahilig mangako pero hindi naman natutupad o nagagawa. Dumating sa oras ko na nakapagbitaw ako ng matinding pangako. Pero iba ang ginawa ko sa pangako kong ito. Dahil sinasabi nilang baka mapako at mabali lang, ipinako ko na ang pangako ko, para hindi ito mabali.
Habang naghihintay ako ng tamang oras. Tulungan ninyo muna akong ibalik ang Batanggerong nakilala ninyo dito. Kung nasaan ka man Blue Blink, bigyan mo ako ng tapang. Tapang kabayo.
The Seven Star Hotels of the World
4 years ago
Comments
2 comments to "Pinky Promise"
November 24, 2009 at 6:47 PM
promise..kailangan ba talagang pang-hawakan un?ewan ko haha..pero minsan masarap kasi ung may pangakong binitawan,at pangakong pang-hahawakan un lang nakakatamad kung hanggang pangako na lang..
sino ka nga ba ulit vhonne? nyahaha
December 7, 2009 at 12:26 AM
shet di nga niya pinaalam yung mga taong yun! :)) yis! kasama ako! ngayon ko lang ito nabasa,... actually ngayun lang ako nagupdate sa bloghopping.. nabasa ko na din yung **nobela daw** grabeng feelings un...
Post a Comment
Bago malasheng ng tuluyan... mag-iwan muna ng kumento...