Nov 8, 2009

Nobela Daw

6 na lasing
Bago ang lahat, damit, relo, selpon, sapatos at kung anu-ano pa, umpisahan muna natin ang entri na ito sa isang jowk. Ewan ko kung jowk ba itong matatawag o simpleng tanong na may malalim na sagot. Hehehe. Dami ko pang daldal eh pwede namang umpisahan na. Game! 1. 2. 3.


Tinanong ko ito sa ilang mga kaibigan ko, halos pare-pareho lang sila ng sagot. Kung ang motor, lalagyan mo ng saydkar, ano na ang tawag sa kanya? Maliwanag na traysikel ang sagot nila diyan. Tama ba o mali? Tama! Kaya nga sinabi ko ng maliwanag eh, anu ga naman are!. Hehehe. Eh paano kung alisin ko ulit ung saydkar? Ano na ngayon ang tawag? May sumagot na motor ulit. Baysikel. Motorsiklo. At single. Oo. Single. 'Yun ang tamang sagot. So? Anong jowk diyan? Kaya nga hindi ko alam kung matatawag na jowk eh, dadalae ka na naman eh! Pero hindi yan diyan nagtatapos.

Ang traysikel, pinagsamang motor at saydkar. Pwede tayong maging motor at saydkar naman ang kapareha natin. Vice-ganda este vice-versa. Kapag nawala ang saydkar sa motor na 'yun na minsang tinawag silang isang traysikel, magiging Single ang tawag sa kanya. Pwedeng maiwan ng motor ang naging kapareha niyang saydkar. Habang papalayo ng papalayo ang nakikita ng saydkar sa motor na minsang nakasama niya. Hindi siya pwedeng sumonod.

Ginagamit ang traysikel bilang transportasyon. Kaya ginagamit din ito para pagkakitaan. Kapag naghiwalay ang motor at saydkar, patay ang negosyo. Maaaring magkaroon sila ng ibang paraan para magamit ang bawat isa sa kanila, pero hindi kasing-husay at tatag kung magkasama sila. Pareho silang nababawasan ng silbi. Sa madaling salita. Kailangan nila ang isa't isa.

Ikaw? Alin ka sa dalawa? Pero alin man diyan, kakailangan mo ng kapareha.

'Yun ang intro? Masyado bang mahaba para sa isang intro? Huwag kang mag-alala, iiklian lang namin ang pinakanilalaman nito. Umpisahan na.

Sasabihin ninyong huli na ang ikukwento ko dito kapag nalaman ninyong tungkol sa bagyong nanalanta sa Pilipinas ang ikukwento ko. Pero may kakaiba sa kwentong ito. Hindi siya 'yung aktuwal na nangyari nung kasagsagan ng bagyo pero malaki ang pagkakatulad.

Noong wala pang bagyong dumadating, ang makikita mo sa paligid. Malinis. Matiwasay. Walang problema. Higit sa lahat, masaya. Dumating ang isang bagyo. Malakas na bagyo. Ondoy. Biglang pumasok sa noon ay matiwasay na lugar. Sa isang iglap lang, winasak ng bagyong ito ang lahat ng magagandang nakita mo. Napalitan ng baha at putik. Naubos ang kagamitan. Nasugatan. Maraming nasira. At may nawala. Pero may mga nanatiling matibay. Nakatayo. At nakipaglaban. Sa pagkakataong 'yun. Natalo ang bagyong Ondoy. At tuluyang umalis.

Dahil sa pananalantang 'yun ng bagyo, malaking pinsala ang naidulot. Pero pinilit nilang bumangon sa pagkakalugmok. Inayos ang dapat ayusin. Binuo ang dapat buuin. Ibalik ang dapat ibalik. Malapit na. Maaayos na din ang lahat. Ilang piraso na lang. At mabubuo na din.

Nang biglang isang na namang dagok ang dumating. Panibagong bagyo. Santi. Malapit ng mabuo ang nasira ng naunang bagyo pero hindi pa kasing-tatag noong unang wala pang bagyong dumarating. Tapos ito na naman ang isa. Tuluyang nabuwal ang binubuo nila. Panibagong pagkawasak. Parang wala ng gustong itira. Nilamon. Nagpupumiglas at gusto pa ring lumaban ng sinalanta. Pero sa pagpiglas na ginagawa, mas lalo lang silang nadadala ng baha. Sa pag-anod sa kanila, may nawala. Nabitawan ng hindi sinasadya. Pinilit habulin. Pinilit hanapin. Pero dahil sa malalang sitwasyon, nawala sa paningin.

Lumipas ang bagyo. Dumating ang liwanag. Pero para sa taong natira. Para sa taong natira pero walang natira sa kanya. Walang liwanag ang makikita sa mga mata niya. Nanghina. Nanlumo. Gustong mapalugmok. Hindi makapaniwalang hindi na niya hawak ang pinakaiingatan niya. Nakaluhod. Tumingin sa langit. Gustong manisi. Ibunton ang galit kahit kanino. Pero nang makapag-isip-isip. Bigla siyang tumayo. Nanumbalik ang lakas na muntik nang mawala. Kailangan niyang makuha kung ano ang nabitawan niya. Hahanapin niya ito kahit saan. Gagawin niya ang kahit ano para lang mahawakan niya ulit ito.

Hindi siya nagkamali. Muli niyang nakita ang inakala niyang wala na. Makukuha na niya. Isa na lang ang hinihintay. Iabot ang kamay nung gusto nyang kapitan. Sa oras na iabot nito ang kamay niya, maiaangat nila ang pareho sa pagkabagsak. Mula sa trahedya.

Alam kong medyo magulo ang kwentong ito. Pero hayaan ninyo na lang na magulo. Kesa lalo pang gumulo. :)

Comments

6 comments to "Nobela Daw"

Anonymous said...
November 8, 2009 at 6:12 PM

hanapin mo ang minsang naging sayo vhonne..at kung sakaling matagpuan mo sya..wag mo ng pakawalan..wag mo hayaang bumitaw na lang..

prayers will do..
walang sisihan mas masarap yan..

joyce kelmer said...
November 9, 2009 at 10:59 AM

hihi, ako naintindihan ko....
ganyan lang talaga ang buhay kapatid...


kaya mo yan!

TaM said...
November 10, 2009 at 1:53 PM

alak pa! ako ay magsisimulang sumubaybay sa iyong buhay dito sa uhhmm internet

LadyJamil said...
November 11, 2009 at 1:37 PM

may problem ba kuya Vhonne???

cyndirellaz said...
November 15, 2009 at 1:54 AM

ang lalim nito, grabe, di ko maarok. anyway tulad nga ng sinabi ni joyce, ganyan talaga ang buhay,kung trahedya naman sa buhay ang paguusapan, well cnu ba ang walang problema? cnu ba ang di nakakaranas ng trahedya? anoman ito, kailangan bumangon pa din tayo. mahirap na magpakalugmok.

Anonymous said...
November 24, 2009 at 12:06 PM

bangon lang nang bangon kaibigan.

- tenco

Post a Comment

Bago malasheng ng tuluyan... mag-iwan muna ng kumento...

 

Copyright 2008 All Rights Reserved Revolution Two Church theme by Brian Gardner Converted into Blogger Template by Bloganol dot com Customized by Vhonne DeVille