Oras na para bumalik. Gusto ko ulit magsulat. Pero nasasayang ang oras ko sa pag-iisip kung anong isusulat. Madami ding pinagkakaabalahan. Sana magtuluy-tuloy na 'yung isang pinagkakaabalahan ko. Huwag lang masyadong madaliin. Ayos lang na gumugol ng mahabang oras basta alam mo namang may magandang resulta ang mapapala mo. Kaysa nagmamadali ka dahil ayaw mong mag-aksaya ng oras, pero pagdating mo sa dulo, kabiguan ang makukuha mo. Mas nasayang lang ang oras mo.
Kung oras ang pag-uusapan, wala 'yang bayad. At wala ding katumbas na kahit anumang halaga. Hindi mo pag-aari ang oras, pero pwede mo itong gamitin. Hindi mo maiipon ang oras, pero pwede mo naman itong gugulin. Pero sa oras na mawala ito, hindi mo na maibabalik pa. Mas mahalaga ang oras kaysa sa pera o anumang bagay. Dahil kapag nawala 'yung mga bagay na iyon, pwede mo pang makuha, pero ang oras, hindi na. Kaya kailangan nating pahalagahan ang oras. Matuto nating gamitin ito sa tama.
Depende na lang kung mabuti kayong magkaibigan ni Michael J. Fox at pahiramin ka ng kanyang kotse para makabalik sa nakaraan. O kaya kakampi ka sa mga masasamang loob na nakalaban ni Shaider para makapag Time Space Warp... ngayon din! Pero bukod doon, hindi na natin maibabalik ang oras.
Konti lang ang oras na pwedeng gamitin para sa lahat ng bagay o gawain. Pero sapat lang ang oras na 'yun para gawin ang mas mahahalagang bagay o dapat gawin. Kadalasan kasi, hingi tayo ng hingi ng maraming oras. Gusto natin at kinakailangan natin ang marami at mahabang oras. Pero ang ginagawa natin, hindi natin ginagamit nang tama. Kaya mas nasayang lang ang mahabang oras na 'yon. Kapag mayroon na tayong mahaba-habang oras, walang magawa. Nakakatamad. Nag-iisip tayo ng pwedeng gawin para lang patayin ang mahabang oras na 'yon. Pero hindi natin alam, unti-unti din tayong pinapatay ng oras.
Ang buhay natin ay nangangailangan ng matinding pasensya. Lahat ng hindi mo maabot, makukuha mo. Lahat ng pangarap mo, matutupad. Lahat ng wala sa'yo pwedeng mapasaiyo. Ang kailangan lang natin ay pasensya. Huwag tayong mainip. Hindi lahat ng bagay nakukuha sa madalian. Hintayin natin ang tamang oras, gamitin ng tama at nararapat.
Sabi nga ng iba, ang oras ay parang isang dakot ng buhangin. Kapag hinigpitan mo ang pagkakadakot sa mga 'yun, bibilis ang pag-agos ng mga buhangin sa'yong mga daliri at mawawala na sa kamay mo.
Pero isa lang ang tanging dahilan kung bakit mayroon tayong oras. Mayroon tayong oras para hindi mangyari ang lahat ng bagay ng sabay-sabay.
***************************************************
-_- : Bay, bilhin mo na itong relo ko. Bagong-bago.
^_^ : Aanhin ko pa ga ang relo, sa araw pa lang eh alam ko na kung anong oras. Kapag tirik ang araw, alas-dose na 'yun. Kapag pababa pakanluran ang araw, hapon na 'yon.
-_- : Eh pa'no kung umuulan, walang araw nun?
^_^ : Ay sisilong ka! Ika'y mababasa.
-_- : Paano naman kapag gabi?
^_^ : Ay bakit ga magrerelo pa pag gabi na. Ay tutulog na eh.
****************************
-_- : 'Tol, anong oras na ba?
^_^ : Oras na para bumili ka ng sarili mong relo!
The Seven Star Hotels of the World
4 years ago
Comments
9 comments to "Ano'ng Oras Na?"
September 21, 2009 at 10:50 AM
haha narinig ko na yang joke na yun ni batman, aanhin pa nga naman ang oras sa gabi kung matutulog ka na ahehehehe..
tama ka dyan vhonne, dapat lahat tayo matututong gumamit ng tamang oras para wala tayong pagsisihan at masabi natin sa dulo na sana pwedeng ibalik ang oras..
September 23, 2009 at 7:36 PM
'Ang buhay natin ay nangangailangan ng matinding pasensya. Lahat ng hindi mo maabot, makukuha mo. Lahat ng pangarap mo, matutupad. Lahat ng wala sa'yo pwedeng mapasaiyo. Ang kailangan lang natin ay pasensya. Huwag tayong mainip. Hindi lahat ng bagay nakukuha sa madalian. Hintayin natin ang tamang oras, gamitin ng tama at nararapat.' so true... naniniwala ako sa linya mong ito.
September 24, 2009 at 12:04 AM
@kheed:
hahaha... mismo... dun ko nga nakuha sa batman jokes un... galing talaga ng batanguenio noh? ahahaha...
gusto ko nga magsuot ng dalawang relo.. kaliwa't kanan.... para marami akong oras... hehehe
@taympers:
hehe... ganun naman talaga dapat di ba? pero kahit sabihin natin o marinig yang mga ganyang linya... madalas pa rin nating nakakalimutang isagawa... dahil na din sa bilis ng oras... :)
September 24, 2009 at 7:37 AM
marami ang nagsasabi na kulang ang oras nila. siguro yun ay dahil sa gusto nilang matapos yong gawain na higit pa sa lawak ng oras ng isang araw.
sa mga taong walang magawa naman o kaya'y may hinihintay, ang oras ay sadyang napakatagal. pero anupaman ang tingin natin sa oras..kulang man o napakahaba...isa lang ang masasabi ko, laging may oras para sa panibagong pag-asa.
September 24, 2009 at 5:52 PM
@eliment:
uu nga... at sana lang... ung darating na oras na un... ung sinasabi nating panibagong pag-asa.. alam nila kung paano gagamitin... kesa maghintay na naman ng panibagong oras... hehehe
September 25, 2009 at 10:58 AM
time is one of the most powerful thing in the world. without it lahat na ng bagay mawawala sa organisasyon... ;-)
October 31, 2009 at 5:57 PM
time space warp... now na! ehe, ngayon din!
November 11, 2009 at 2:11 PM
huwag tignan ang relo kung mayhihintay ka bagkus sabayan mo ng makabuluhang bagay hanggang dumating ang hinihintay mo...dahil kung may hinihintay ka at wala kang ibang gagawin talagang mabagala ang oras para sayo...
June 19, 2010 at 11:03 AM
thanks..
Post a Comment
Bago malasheng ng tuluyan... mag-iwan muna ng kumento...