Ilang araw ba akong nawala dito? Huwag ninyo nang bilangin. Sarili ko ang tinatanong ko. Naging abala ko sa aking trabaho. At magiging abala pa sa susunod. Isiningit ko na lang ang pagsusulat ngayon para naman masabing nabubuhay pa ang blag kong ito.
Nabubuhay. Nabanggit ko na din lang ang salitang "buhay," dalawang buhay ng kakilala ko ang nawala. Ang isa, kapatid ng lola ko. Nagkaroon siya ng sakit na diabetes at tinamaan na din ng stroke noon. At nitong isang araw lang, isinugod sa ospital. At doon na din binawian ng buhay.
At ang isa pang buhay na nawala, pinakamamahal na ina ng kabarkada ko. Masakit ang mawalan ng isang ina dahil naranasan ko na iyon. Nawalan na din siya ng ama, matagal na panahon na. Pero mas masakit 'yung pangyayaring sa ibang paraan ang naging dahilan ng pagkamatay ng kanyang ina. Pinatay. Masyadong maselan ang bahagi ng kwentong ito kaya hindi ko na lang idedetalye.
Matagal na kaming hindi nagkakasama-sama ng buong barkada. At dahil nga sa nangyaring 'yun sa buhay ng kanyang ina, hindi pwedeng hindi kami makiramay sa taong naging kaibigan namin sa loob ng mahigit-kumulang walong taon. Si Noriel. Nagkakwentuhan. Kumustahan. Balitaan ng mga nangyari sa buhay namin.
Si Jefoi. Nagkukwento ng kanyang naging karanasan sa isang ahensya ng kung ano. Nakalimutan ko na kung ano 'yun. Basta tinawagan siya ng ahensyang 'yun para kunin ang pera niya. Dali-dali naman siyang nagpunta doon sa opisina ng ahensiyang 'yun. Pag-akyat niya ng 2nd floor, halos mapaiyak siya sa kanyang nakita. Walang tao sa lugar na iyon. Walang mga mesa sa loob. Tanging salamin at mga nagkalat lang na papel ang nandoon. Nanginig ang kalamnan at pinanghinaan ng loob. Bumaba siya upang makalanghap ng sariwang hangin at upang kumalma ang kalooban sa natuklasan. At nang sa palagay niya eh ok na siya, tinawagan niya ang taong nagpapunta sa kanya sa lugar na iyon.
"Anong nangyari? Paano ko makukuha 'yung pera? Wala namang katao-tao dito sa opisina ninyo!"
Bago pa siya tuluyang magalit at makapagmura, mabilis na humingi ng pasensya ang nasa kabilang linya...
"Pasensya na po. Umakyat po kayo ng 3rd floor, naglipat na po kasi kami."
Sa puntong iyon, nakaramdam ng kahihiyan ang kaibigan ko. Hindi lang sa nakausap, kundi maging sa sarili niya mismo.
Madami kaming napag-usapan. Masarap talaga makinig sa mga kwento ng mga taong matagal mo nang hindi nakakausap. Naipon ang mga kwento. Iilan na lang sa aming mga binata at dalaga. Halos lahat ay lumagay na sa tahimik. Ewan ko lang kung tahimik nga talaga ang naging lagay nila. Hehehe. Pero nakatikim din kami ng mga payo mula sa mga nakapag-asawa na.
"Alam ninyo ga na kapag nag-asawa kayo... sa simula lang 'yun mahirap..." Nakikinig kami habang sumasang-ayon ang iba nang dugtungan niya ng... "Pagtagal noon... pahirap ng pahirap!"
Kulang ang ilang oras ng kwentuhan. Pero kailangang tapusin pansamantala dahil may kanya-kanya kaming lakad at dapat gawin. Nagpaalam muna kami kay Noriel. Biglang may sinabi ang kaibigan naming namatayan...
"Minsan na nga lang tayo makumpleto, sa ganitong pagkakataon pa. Dalaw-dalaw lang kayo dito ha?"
Muli... Nakikiramay ako sa mga naiwan ng mga mahal sa buhay. Haaayyy Buhaaaayyy! Ganyan talaga ang buhay.
The Seven Star Hotels of the World
4 years ago
Comments
8 comments to "Buhay-buhay"
March 3, 2009 at 10:35 AM
condolence sau dude. :-[
March 3, 2009 at 1:55 PM
condolence! mahirap man tanggapin talagang nangyayari ang mga ganyang bagay.. napakahirap talaga...
March 4, 2009 at 2:45 AM
@Lawrence:
salamat sa pagbisita sa munti kong blog... nagulat ako dahil ikaw ang unang nag comment... hehehe... kasi... kapangalan mo ung kapatid ni noriel... anak ng namatay...
@cyndi:
naranasan ko na din ang mawalan ng ina... kaya alam ko kung gaano talaga kahirap... akala ko dati... hindi ko makakaya... pero dahil pala sa nangyaring un... sumama sa libing ang dating katuhan ni vhonne... at isinilang ang bagong vhonne... hehehe...
kapag may nawala.. may kapalit...
March 4, 2009 at 3:46 AM
naka relate ako...wala na din kasi akong magulang.
taga bulacan. sa manila ako nag college pero wala ako ni isang pinapunta sa bahay namin sa mga barkada ko kahit gustong gusto nila. bulok kasi yung bahay namin.
bago kasi mag graduate, namatay si ermat. hindi ko sinabi sa kanila. sinabi ko na lang nung graduation.
sinadya kong wag sabihin kasi alam kong magpipilit silang pumunta at ayoko na hindi ko nga sila pinapunta dati at sa malungkot na pagkakataon pa silang makakarating sa amin.
paminsan minsan pa rin kaming nagkikita hanggang ngayon...pero hindi pa rin sila nakakarating sa amin.
March 4, 2009 at 5:57 AM
MY DEepest condelency Po saU....
ganyan talaga ang buhay hirap lang nating to kay lord d natin alam kong kelan nya e2 kukunin :(
March 4, 2009 at 7:53 AM
@abe:
bakit naman ganun? bakit ndi mo sila hinayaang magpunta sa inyo? hindi mo naman cguro kinakahiya ung lugar nio?
@chuchay:
honga eh... ganyan talaga... una-una lang yan... hehehe...
March 7, 2009 at 9:46 AM
condelence to you...siguro may dahilan kaya ginawa ni God yun.
March 9, 2009 at 2:44 AM
@lakas-ng-loob:
tama... may dahilan talaga Siya... pero ung dahilan na yun... pero kadalasan... ndi natin alam kung anong dahilan un... pero alam natin na mabuti ang balak Niya kaya Niya ginawa un...
Post a Comment
Bago malasheng ng tuluyan... mag-iwan muna ng kumento...