Pabago-bago ng oras ng pasok. Kung anu-anong iskedyul ang ibinibigay. At kung alin-alin ang pinapagawa. Hindi tulad ng dati, ginagawa ko lang tambayan ang opisina. Papasok kung kailan ko gusto at uuwi kung kailan ko din magustuhan. Nitong nakaraang araw, binigyan ako ng isang matinding responsibilidad. Ako ang mangangalaga sa mga bagong pasok na empleyado. Hindi na ako makakatulog ng maayos sa opisina. (Baka mabasa ng amo ko ito, nagbibiro lang ako.)
Pero pansamantala lang naman 'yun, dahil ayoko talagang tanggapin. Kapag nakahanap na sila ng karapat-dapat na maging superbaysor, pwede na akong bumalik sa dating takbo ng buhay ko. Ayoko magkaroon ng gawaing pwedeng magpagulo sa isip ko. Ayokong magkamali na kapag inayos mo ay isa din palang kamalian.
Pero kagabi lang. Hindi pala. Kaninang madaling-araw. Nalaman kong maraming simpleng pagkakamali ang itinama ng isa pang pagkakamali. Mahigit ilang buwan na akong hindi nakakakain sa isang kilalang tapsilugan dito sa lugar namin. Nung maaalala ko, may kinunan akong larawan sa kainang iyon. Simpleng pagkakamali sa ispeling. Nakatuwaan ko lang kunan ng larawan at ipakita sa mga kasama ko. At ito ang larawang iyon.
Kaninang madaling-araw nga. Doon ulit kami kumain makalipas ang ilang buwan. Napansin ko na pinalitan na nila ang ispeling ng bagay na iyon. Pero hindi pa rin siya nakawala sa mapanghusgang mata ng mga taong tulad ko. Kinunan ko na naman ng larawan. At heto na nga kung ano 'yun.
Kahit simpleng bagay, alam nating hindi maiiwasan ang pagkakamali. Pero mas maganda sana kung sa pagkakamaling 'yun, maitama natin ng maayos. Ang isang mali ay hindi pwedeng itama ng isa pang mali dahil mas lalong magiging malala ang resulta. Sa kahit anong desisyon natin, kailangan nating pag-isipan ng mabuti kahit maging simple man ito o kumplikado. At dahil nga sa ayokong magkaroon ng madaming mali na makikita ng madaming mata, napagdesisyunan kong huwag humawak ng mabigat na responsibilidad.
Sa totoo lang, pinaganda ko lang ang gusto kong sabihin dito. Gumagawa lang ako ng ibang dahilan. Dahil ang totoong dahilan, tinatamad lang ako. Hehehe.
Kung mabasa man ito ng may kinauukulan, nais kong ibigay ang tamang ispeling. "HOT SOWS"
The Seven Star Hotels of the World
4 years ago
Comments
8 comments to "Wow Mali!"
February 24, 2009 at 8:38 PM
WAHAHAHA. hat sows. XD parang si terry lang wahhhahahaha.. HI SIR VHONNE BISOR! wahaha.
February 24, 2009 at 9:07 PM
@Loraine:
hoy!... behave...
February 25, 2009 at 10:45 PM
wahahahahahaha..medio kadire ang unang pic..pro kakatawa nmn ung pnlit itama na spelling!hehehe
February 26, 2009 at 4:37 AM
@jaja:
ung daga sa unang pic.. un yata ung ginamit dun sa hot sauce kaya masarap... o kaya.... dun gagamitin ung hot sauce... pang-ulam ung daga...
February 26, 2009 at 3:49 PM
hot sews!
February 27, 2009 at 7:33 AM
@bioniclugaw:
pero ok naman ung hotsauce nila... talagang tutulo ang sipon sa sobrang anghan...
March 12, 2009 at 7:02 AM
LOL..nakakatuwa naman ung mga pictures.LOL
April 9, 2009 at 11:36 AM
@joyz:
hehehe... madami pang mas nakakatuwa dun sa pinagkakainan naming un... pati ung mga serbidora... ahaha... ang kukulit eh... ang hilig magsigawan...
Post a Comment
Bago malasheng ng tuluyan... mag-iwan muna ng kumento...