Whew! Malayo na naman ang aking kamalayan. Wala na namang maisip, pero hindi na ako nagtatae ha? Ganito ba talaga ang tumatanda? Bumabagal ang pagtakbo ng isip? Nag-rolbak na naman ang gasolina, makabili nga. Nang bumilis-bilis naman ang pagtakbo ng utak ko.
Gusto kong magsulat kanina, pero wala talaga ako maisip. Kaya namasyal na lang ako sa mga blag at 'dun na lang ako nakisawsaw sa mga usapan nila. Napadaan ako sa blag ni Yummy, natuwa naman ako sa mga pinagsusulat niya. Kasi tagalog, kung ingles 'yun, problema na naman. Dadalawang piraso na lang ang tisyu sa harapan ko. Kukulangin kung duguin ang ilong ko.
Napansin kong may nakapaskil na numero ng selpon at ilang mga I.D. sa way-em. Kinuha ko ang numero at tineks. Wala nga kasi akong magawa eh kaya napagtripan ko na lang mag-teks. Pagpasok ko ulit sa dito blag ko, may nag-iwan ng mensahe sa Shot Box ko.
"sorry di po ako nakapagreply hehe umandar kasi topak ko di ako nagload ng cellphone ko hehehe, at ngayon ko lang siya na-charge hehehe sorry po talaga."
Siya pala 'yung tineks ko. Hehehe. Onlayn naman siya kaya inad ko na lang sa way-em ko. Nabasa ko sa status message n'ya. Inlab daw yata siya? Wenk. 'Yun pala, inlab sa kanta. Isa sa kanta ng Apoy ni Reka. Alam nyo 'yun? Kartun 'yun. Kung hindi nyo alam, wala akong magagawa.
Tagal 'din naming nag-usap. Kung anu-anong tapik. Bigla na lang napadpad sa usapang hiwalayan. Nyeh!? Kala ko inlab tapos breyk-aps ang pag-uusapan? Tapos parang sobrang galit na galit si Yummy dun sa eks niya. Hindi ko na pinatagal ang ganung usapan, kasi... naaapektuhan na ako. May naaalala kasi ako. LOL.
Ilang sandali pa, may nag pi-em sa'kin. Galing sa Y! Messenger Pingbox ko. Abah! May silbi din pala itong pingbaks na ito ah. Kapag nag-iwan sila ng mensahe sa pingbaks na 'yun, mababasa ko naman sa way-em ko. Nakilala ko tuloy itong si Loraine. Ipinasa niya sa'kin 'yung blag niya. Tapos, ipinakita ko naman kay Yummy na kausap ko pa rin sa way-em. Napansin ko kasi na pareho sila ng domeyn. Rakista 'yung domeyn.
Magkaibigan pala itong dalawang ito. Galing naman. Lumalaki at lumiliit ang mundo ng blogosperyo. Lumalaki dahil dumadami ng dumadami ang mga blagers at lumiliit dahil halos lahat ay nagkakakila-kilala dahil din sa pagbablag.
Sabi ko na sa inyo eh, wala akong maisulat. Hayan, maikli lang ngayon para sa araw na ito. Hehehe. Saka na lang ulit ako magsusulat ng mala-nobelang istorya.
Sa mga gusto ako makausap sa way-em, ilagay ko na ang way-em ay-di ko dito. [vhonne12]. Pero tangina, walang murahan ha!? Peace!
...
The Seven Star Hotels of the World
3 years ago
Comments
12 comments to "Shot and Chat!"
October 25, 2008 at 9:52 PM
aba naman at talagang chikadoro ka ha. hahahaha!
hala salamat naman at may pakinabang sayo yang pingbox. nagha-hang ang pc ko diyan kaya tinanggal ko.
October 25, 2008 at 9:54 PM
onga noh? at habang tumatagay ka, gawin mong pulutan si GREENMANGOES. hehehe. pwede bang pulutan ang mangga? :)
October 25, 2008 at 9:54 PM
ahaha... walang magawa eh... kaya nakipagchat na lang ako... ahaha...
naging busy ka yata nitong nakaraang mga araw?
October 25, 2008 at 9:56 PM
@joshmarie:
mangga? awts... try nio mangga saka ang gin... amf... problema daw sa tyan aabutin nio... ahaha...
October 26, 2008 at 1:07 AM
haha. . nangangarir ka lang ata eh:D mabisita nga rin ung dalawa:D
mangga noh? tapos chaser mo kape ni joshmarie:D
October 26, 2008 at 2:13 AM
chaser kape ni joshmarie? waaa... walang malalasing... ehehe...
sabagay.. mas ok un... walang malalasing at makakaiwan ng selfone...
sino nga ba nakaiwan ng selfon sa inuman.... paperdoll?
October 26, 2008 at 4:55 AM
chismax ba to?
lol
oo kilala ko si reka..
idol ko din yun..
di ba yun yung taga abscbn na gerlfren dati ni bernan palangka?
nakidaan at nakibasa lang
kosaout:]
October 26, 2008 at 12:19 PM
langya ka kosa... lasheng ka yata?... hindi si reka paralisado ang tinutukoy ko...
nasa gi-em-ey na siya... si ange-reka dera cluz...
October 26, 2008 at 1:43 PM
korni hahaha. joke. kamusta naman yon? special mention pa ako sa blog na to, naks. XD
October 26, 2008 at 1:50 PM
xempre... panghatak din sa tao un eh... kung makikita nila pangalan mo.. tapos malalaman nila na maganda ka... edi dami papasok sa blog ko.. lol...
oist... taga-batangas k din pala eh... ?
October 26, 2008 at 2:42 PM
hahaha.
Nagulat ako sa nabasa ko LOL XD.
Well well well salamat sa special mention hahaha. Pati si Loraine din pala ay nakalink ex mo na rin hahaha.
Kaya pala napadpad si Paper Doll sa blog ko hahahaha. Yeah I like speaking tagalog with english cause I am not good in speaking those two. Hahaha. In short, bano ako sa pure english ganun din naman sa tagalog kaya naiilib ako sa puristang pananagalog mo dito sa blog mo hehehe.
October 26, 2008 at 5:41 PM
meron pa rin namang salitang ingles na hindi ko maitagalog... dahil kung itatagalog ko... nag-iiba ang kahulugan... lol... baka hindi maintindihan ng mambabasa...
Post a Comment
Bago malasheng ng tuluyan... mag-iwan muna ng kumento...