Hindi ako makapag-isip ng maayos ngayon. Teka, kelan ga naman ako nag-isip ng ayos? Ibig kong sabihin, wala akong maisip ngayon kung ano'ng gagawin ko. Blangko ang utak ko ngayon. Kaya ganito ang sinusulat ko ngayon. Wala talaga akong aydiya.
Meron pa rin akong ubo at sipon hanggang ngayon. Lahat ng mga kakilala kong blager din eh may mga ganitong sakit din. Naisip ko tuloy, kahit wala ako maisip, na nakakahawa din pala ang ubo't sipon sa internet. 'Yung ibang blag na nadalaw ko, may mga sipon, nagkaroon na din ako bigla. 'Yun namang ibang dumalaw sa blag ko, nagkaroon na din daw. Langyang virus ito, hindi kayang alisin ng AVG o Kaspersky.
At hindi lang 'yun ang sakit ko. May mas malala pa. Nagtatae ako. May naganap na naman kasing inuman kagabi. Kaarawan ng isa sa katrabaho namin nung isang araw, pero kahapon lang sinelebrayt. Redhorse na naman. Sa tuwing iinom ako ng alak na 'yan, pasalamat na lang ako dahil puro sa tiyan ko napupunta at hindi sa ulo. Natural! Kung iinom ako na nakatiwarik, malamang sa ulo ko pumasok ang alak.
Kaso kapag tapos na ang inuman, hindi hang-over sa ulo ang problema ko. 'Yung tiyan ko! Kakalabas mo pa lang sa banyo, mapapatakbo ka na naman pabalik sa loob. Kaya siguro wala akong masyadong maisip, naitae ko na din yata 'yung ibang utak ko.
Saglit lang po. Banyo muna ulit.
...
The Seven Star Hotels of the World
4 years ago
Comments
4 comments to "MagTae ay 'di Biro, Maghapong Nakaupo"
October 22, 2008 at 12:37 AM
sana naman di na aco mahawa nyang pagtatae mo. . andami mo na nahawaan. . anlufet mu!
October 22, 2008 at 2:35 AM
nahawa lang din naman ako ah... :(
nagtext ang jyusa ng aming company... lahat daw yata samin tinamaan ng sakit... ahaha...
October 22, 2008 at 7:01 AM
patingin ng palad mo iho... ayaw? o cge pitaka nalang:] HULA ko...nasobrahan sa pulutan kaya ganyan.. yan ang napapala ng mga manginginom na ang tingin sa pulutan eh kanin lang...
October 22, 2008 at 10:37 AM
@kosa;
naku... hindi po ako matakaw sa pulutan... halos tatlong round ng baso saka lng ako kumukuha ng konting pulutan...
saka hindi ko talaga dinadamihan ang mamulutan dahil sayang naman kung isusuka ko lng... hehehe...
Post a Comment
Bago malasheng ng tuluyan... mag-iwan muna ng kumento...