Mahigit dalawang taon na ang nakalipas, na isang paring misyonaryo na galing sa Africa ang dumayo sa lugar nina Tatang Tanggero. Madaming nagawa at naituro ang paring misyonaryong ito na ikinatuwa naman ng mga naninirahan doon. Nang isang araw, matapos manganak ang misis ni Tatang Tanggero, sa pang-anim nilang anak, laking gulat at pagtataka ni Tatang dahil sa anim nilang anak, 'yung bunso lang daw ang maitim ang kulay. Halos lahat kasi ng anak niya ay kayumanggi, dahil pareho naman silang kayumanggi ng asawa niya.
Napaisip si Tatang. Wala namang ibang maitim na tao sa lugar nilang iyon o kahit sa kabilang ibayo. Iisang tao lang ang naisip niya na maaaring nakasalisi sa asawa niya. At iyon ang Afrikanong paring misyonaryo.
Dali-daling pinuntahan ni Tatang ang pari na kasalukuyang nagpapastol ng mga kambing sa likod ng kapilyang tinutuluyan ng pari. Medyo padabog na kinausap ni Tatang ang pari na ikinagulat naman nito.
Tatang Tanggero: Father! Alam ninyo ga kung ano'ng nangyari sa anak ko?
Father: Ah! Oo nga pala, nanganak na nga pala ang misis mo. Binabati kita!
(Sanay na ang paring magtagalog dahil sa tagal na din niyang paninilbihan sa lugar na iyon.)
Tatang Tanggero: Ay hindi iyon ang gusto kong malaman ninyo! Alam ga ninyo na halos lahat ng anak ko eh kulay kayumanggi? Eh bakit areng bunso namin eh kulay itim?
Father: Hmm...?
Tatang Tanggero: At alam ga din ninyo!? Kayo lang ang kaisa-isang "maitim" sa lugar na ito?!
(Pasigaw na si Tatang na nakikipag-usap sa pari, kaya madami ang nakapansin sa kanila. Pinagtitinginan na sila ng mga tao.)
Father: Alam mo Tatang, hindi natin alam ang plano ng Diyos. May mga ginagawa siya na hindi natin maunawaan. Pero lahat ng ginagawa niya ay may kabuluhan at may dahilan, na hindi pa natin alam sa ngayon.
Tatang Tanggero: ANO!?
Father: Bawat nilikha ng Diyos ay may kanya-kanyang layunin at kelangang gampanan sa mundong ito. Kailangan natin siyang maunawaan kahit hindi pa natin alam kung ano ang dahilan niya.
(At napansin ng pari ang grupo ng mga kambing, kaya ginawa niyang halimbawa.)
Father: Pagmasdan mo Tatang. Napapansin mo ba ang mga kambing na yan?
Tatang Tanggero: Opo.
Father: Lahat sila ay kulay puti, hindi ba? Maliban sa isang iyon. Kulay "brown" ang nag-iisang kambing na 'yun. Ganyan ang isang halimbawa na ginagawa ng ating Panginoon, hindi natin maipaliwanag sa ngayon, pero balang-araw, malalaman din natin. Nauunawaan mo ba ako?
(Dahan-dahang lumapit si Tatang at pabulong siyang sumagot. Kinausap niya ng mahinahon ang pari.)
Tatang Tanggero: Father, naiintindihan ko na po. Hindi ko na po babanggitin 'yung nangyari kung bakit naging maitim ang bunso namin. Basta Father, huwag ninyo na din pong babanggitin kung bakit "brown" 'yung isang kambing. Lasing lang ako nung mga panahong 'yun eh. Hindi ko talaga plano patulan 'yung ina ng kambing na 'yan.
The Seven Star Hotels of the World
4 years ago
Comments
0 comments to "Sinong Guilty?"
Post a Comment
Bago malasheng ng tuluyan... mag-iwan muna ng kumento...