Batanggero. Ano nga ba ang Batanggero? Hmm... Maraming pwedeng idikit na kahulugan sa salitang ito. Pero lahat ng kahulugan nito... may meaning... (malamang). At bawat kahulugan... merong kang matututunan... (sana lang).
Isa-isahin nating ang mga naisip kong kahulugan para buuin ko ang salitang ito:
Bata: Sa edad kong ito (beinte dos anyos [22]), maituturing pa ba akong bata? Kung ang edad ang pagbabasehan, talagang hindi na ako bata. Pero kung sa mga pinaggagagawa at mga pinagsasasabi ko, malamang, isa nga akong bata.
Batanguenio: Dahil isa akong Batanguenio at ipinagmamalaki ko ito, syempre dapat nakadikit sa ipapangalan ko dito kung saan ako nagmula. Ako ay isang tubong Lipeño sa lalawigan ng Batangas. At sa lugar na ito, marami ang magbabarik (manginginom ng alak) na wala ng ginawa kundi ang lumaklak ng lumaklak.
Tanggero: At dahil madami ang magbabarik sa lugar na kinalakhan ko, natuto akong humawak ng baso sa mga inuman sessions ng mga kaibigan, kabarkada, katropa, katrabaho at kung anong "ka-" na pwedeng isama para magkasiyahan. At syempre, tuwing may inuman, nandyan ang tanggero na laging tumatagay sa bawat pag-ikot ng baso ng mga kainuman. Isa din akong tanggero, na sa bawat pagdating ng baso sa harap ako, dali-dali akong tumatanggi.
At sa bawat inuman at kasiyahan, hindi mawawala ang kwentuhan at kung anu-anong pwedeng pag-usapan under the sun (nice rhyme).
Katulad sa inuman, ang blag (blog) na ito ay magdadala sa inyo ng sakit ng ulo, sakit ng tiyan, sakit sa puso at kung anu-anong sakit pa ('wag naman po). Sari-saring kwentuhan, asaran at kulitan na magdadala sa'yo sa walang hanggang kasiyahan (saan 'un?).
Kaya't umpisahan na po natin ang lasingan. Magsaya sa bawat tagay at sumabay sa bawat kampay. Tumawa ng walang humpay at uminom hanggang mamatay (toinkz! joke lang po)
The Seven Star Hotels of the World
4 years ago
Comments
12 comments to "Ang Batanggero: Panimula"
August 4, 2008 at 4:00 PM
wow galing naman. :) aku wulang kwenta panimula ku. LOL.
August 4, 2008 at 6:03 PM
lol... ganyan lng talaga ako pag nagsisimula na maglaro ang utak ko... kung anu-ano naiisip... ehehe...
thanks sa pagdalaw... nkita ko na Gummy Baby mo... ganda ng layout...
August 5, 2008 at 12:24 AM
maganda b? nde pa aus maxado e, nde ku pa maedit. gusto ku eung signature mu. panu b tanggalin ang time ng post?
October 5, 2008 at 5:14 PM
http://batanguenoblogger.ning.com/
October 5, 2008 at 6:06 PM
thanks itot for the link...
June 16, 2009 at 3:03 PM
Hi!
We would like to invite you to join our Blogging contest sponsored by Electrolux, a global leader in home appliances, for a chance to win a frontload washer worth P55,000. All you need to do is write about the brand's latest frontload washer by June 30, 2009. Subject of the blog is “How will an Electrolux Frontload washer complement your passion for clothes?” The blog should be no more than 300 words and should be posted on a site where visits can be counted.
Send the link of your site with the posted blog to downloadafrontload@electrolux.com.
P.S. If a washer isn't something you need, keep in mind that you can blog for someone who can't and donate the washer to an orphanage or charity =)
September 24, 2009 at 7:38 AM
hi..patagay naman..haha ayos!
eli po, mula s blographics..per taymer lang dito. dumadaan at nakikibasa.
salamatz!
March 4, 2010 at 12:06 AM
@eliment:
nice blog... graphic artist din ako... gusto yang blog mo.. hehehe...
March 8, 2010 at 10:00 PM
Dropped by.
March 8, 2010 at 10:05 PM
@chichirya:
thanks po... ingat lang po dito sa blog na ito... baka madampot kau ng mga lasing dito... pulutang chichirya... hehehe.. peace...
March 1, 2013 at 3:42 PM
I’m imρresseԁ, I must say. Seldom do Ι enсounter a blog that’ѕ both еquаlly eduсative
and amusing, and let me tell уou, you've hit the nail on the head. The issue is something that not enough folks are speaking intelligently about. I'm very
hapρу thаt Ι came aсrоss thiѕ in mу search for
ѕomethіng relаting to thіs.
Alѕo visit my ρage - buy mini Thins with ephedra
March 2, 2013 at 9:39 AM
Ηi, I do belіeve thіs is а great web
site. I ѕtumbledupon іt ;) I mаy reѵisit yet agaіn since і hаve book-marked іt.
Mоney and fгeeԁom іs the grеatest way tο change, may yοu be rich and continue to help
otheгs.
Feel free to visit my web site - marma6a.com
Post a Comment
Bago malasheng ng tuluyan... mag-iwan muna ng kumento...