Labor Day. Araw ng mga Manggagawa. Karamihan sa mga manggagawa ngayon ay walang pasok, pero meron pa ring ilan na may pasok. Wala akong pasok ngayon, pero may pasok kami. Magulo? Hehehe. May pasok kami sa opisina ngayon, pero ako, wala akong pasok. Kasi rest day ko. Marami din siguro ang manganganak ngayon.
Manggagawa. Kapag nabanggit ang manggagawa, ang unang pumapasok sa ating isipan ay mga magsasaka at karpintero. Parang sila na yata ang naging aykon ng salitang manggagawa. Pero dumako muna tayo sa karpintero. Ano ba ang mga kagamitan ng tipikal na karpintero? Martilyo, lagare, papel de liha. Papel de Liha!
Ano naman ang mapapala natin sa liha? Ano ang maiisip mo kapag binanggit ko ang liha at mga taong nananakit sa'yo? Kuhanin mo ang liha at ikiskis mo sa kaaway mo hanggang sa maubos ang balat niya. Mali! Hindi ganun. Kung may mga taong nanakit sa'yo, isipin mo lang na para silang mga liha. At ikaw naman ay ang kahoy. Pero huwag masyadong mag-isip ng sobra, huwag managarap na ikaw si Machete.
Ituring mong liha ang mga taong nagbibigay sa'yo ng mga sakit ng ulo at mga problema. Isipin mo na lang kung paano kiskisin ng liha ang kahoy. Masakit di ba? Lalo na kapag simula pa lang. Bibigyan ka nila ng matinding sakit sa bawat pagkiskis nila. Pero habang patuloy sila sa pagkiskis sa'yo, mapapansin mo, mas kikinis ka at kikinang. Kiskisin nila ng kiskisin at kikinis ng kikinis 'yon. Kikinis 'yon. Kiki ni Sion! este kikinis iyon.
Sa bawat problema na dala nila sa buhay mo, mas magiging maganda ang resulta para sa'yo. Basta lagi mo lang labanan ang bawat kirot na dala-dala nila sa'yo. Dahil kung isa kang mahina at marupok na kahoy, sa patuloy na pagkiskis ng liha, ninipis ka at mababali. Kaya dapat talaga, tigasan mo! Tigasan mo pa! Sobrang tigas!
Pero hindi pa doon natatapos ang lahat. Kung isa kang kahoy na kuminis na dahil sa mga ginawa ng lihang 'yon. Balikan mo ang liha at pagmasdan. Tingnan mo kung ano na siya ngayon. Titigan mo ang lihang nagpahirap sa'yo. Matatapos ang papel niya sa buhay mo at isa na siyang walang kwentang papel na handa ng itapon sa basurahan.
The Seven Star Hotels of the World
3 years ago
Comments
12 comments to "Papel de Liha"
May 1, 2009 at 7:04 PM
wow very deep naman to tol :)
pero talagang my aral ang post mo na2...at sapul na sapul ka sa mga sinasabi mO....
pero minsan ang kahinaan ng tao ay mas nangingibaw sa katigasan nG person hehe...
padaanz...
yngatz
♥pasaway♥
May 1, 2009 at 10:37 PM
awww..my gn2..my wisdom k rn pla..nyahahahahah..joke..kelan kau luwas ult?..hehehe
May 2, 2009 at 2:21 AM
ayos un ah...galing naman nun parekoy..napabilib moko dun...
May 2, 2009 at 6:59 AM
@kikay:
honga... cguro ung kahoy na un... napababad sa tubig ng sobra.. kaya lumambot... ang tubig naman na un... un naman cguro ang mga taong laging tumutulong sa atin... kaya ang kahoy... nadiding dependable sa tubig... aun... lumambot.. ahaha
@ate jaja!!!
wala akong wisdom... pinipilit kong ilabas.. pero wala talaga.. hehe... nasa laguna pa si loraine... ako naman.. bisi-bisihan... ikaw n lng kaya ang punta dito? hehehe..
@hari ng sablay:
salamat naman... natatapatan lng talaga minsan na makaisip ng magandang idea... hehehe
May 2, 2009 at 8:48 PM
Nice post. Blogrunning. XD
May 2, 2009 at 10:02 PM
correct ka dyan!! at yang mga liha na yan ay magiging useless pagkatapos!! so cheer up kung may mga problemang dumadating sa ating life ^^
May 3, 2009 at 7:58 PM
ang laman naman nun..
sa ngayon, madami din ang nagiging liha sa buhay ko, kelangan ko pa sigurong maging matigas, matigas na matigas, kelangan ko ding lumaban para sa dulo sila naman ng magiging basura..
May 4, 2009 at 6:16 PM
ah ano uli yun? di ko nagets... hehehe nwei nice thoughts...
May 7, 2009 at 9:39 AM
punta kayo sa blog ko at may libreng pagkain! barttolina.blogspot.com
salamat!
May 7, 2009 at 6:02 PM
@beaux:
thanks...
@cyndi:
tag-ulan pa... kapag nabasa ung mga liha... pwedeng ndi na pakinabangan... nyhahaha... wawa naman..
@kheed:
kelangan mo talagang tigasan... pilitin mo kahit anong sakit ang gawin ng liha... kikinis naman ng kikinis yon... kikinis yon at titibay yon... oo.. TITIBAY YON!...
@yhen:
ayan... nag-aala-liha ka na... ahaha...
@bart tolina:
sure... daanan ko din yan...
May 24, 2009 at 5:03 PM
kakatuwa to
Kiki ni Sion!
kikinis yon
February 19, 2011 at 2:11 PM
napadaan lang
nakakarelate naman ako di talaga maiiwasan ang mga taon tulad ng liha.maging matatag lang sa bawat problemang dumadating pasasaan bat magsasawa din sila sa kaka-kiskis ^^
Post a Comment
Bago malasheng ng tuluyan... mag-iwan muna ng kumento...