Feb 14, 2009

Pares-pares (Part III)

11 na lasing
Kailangan ko pa ba ikwento ang naganap na deyt sa pagitan namin ni leading lady? Pwes! Hayaan ko na lang na siya ang magkwento. Hahaha. Pasalamatan ko lang ang mga taong tumulong at mga nakibalita kung anuman ang naganap. At dahil sa magandang kinalabasan, isang tula na naman ang aking nabuo. Malayo ang tulang ito sa istorya namin ng leading lady ko sa naganap na pagtatagpo na aming puso.



Pero ang tulang ito ay pagtatagpo ng bawat parte ng katawan na pandagdag na naman sa ating kaalaman. Kung hindi ninyo maintindihan, pasensyahan na lang. Ganun talaga ako magsulat, mahirap intindihin. Hehehe. Ang tulang ito ay pangatlong bersyon pero hindi naman rebisyon ng nauna kong dalawang tula. Kung interesado kayong basahin, basahin ninyo na. Kung hindi naman, basahin ninyo na lang muna 'yung naunang dalawang tula na may ganito ding pamagat.

Sa dalawang mata
Hanapan ng kasama
Dilang nag-iisa
Magandang kapareha

Dalawang beses tingnan
Ang bagay na nariyan
At saka mo sabihin
Ng isang beses lang

Sa ating dalawang tenga
Alin ang bagay sa kanya?
Isang bibig na ngumanganga
Sa kanya'y isasama

Para mas maganda
Pakinggan mo ng sobra
At kapag narinig na
Magsalita ng sapat na

Kung kamay na dalawa
Ang hahanapan ng kapareha
Mas magandang itugma
Ang nag-iisang sikmura

Kailangan mong gawin
Ng dobleng gawain
Upang malagyan natin
Ang tiyan ng pagkain

Dalawang parte sa utak
Kaliwa't kanan ang nakatatak
Isang pusong busilak
Ang ating itutulak

Dalawang beses pag-isipan
Ang nararamdaman
Pero isang tao lang
Ang dapat mahalin ng lubusan

Nakatutuwang isipin
Mga parte ng katawan natin
Dalawa ngang maituturing
May isa pa ring hahanapin

Isang patunay lang
Na katawan nati'y hindi kulang
Basta't alam mo lang
Kung paano ito malilinang

Ngayong alam mo na
Bawat parte ay mahalaga
Hanapan mo ng kapareha
Mas maganda ang resulta

Comments

11 comments to "Pares-pares (Part III)"

cyndirellaz said...
February 15, 2009 at 5:05 PM

bawat part ng katawan natin ay may may kanya kanyang kapareha. dahil ndi ito mag fu function ng maayos kung kulang sila. parang sa tao din yan ^^ we all have our special soulmates in our life, someone who will complete us ^^

Vhonne said...
February 15, 2009 at 5:31 PM

@cyndi:

nice naman...hehehe... at alam kong nakita mo na ung partner mo... ganun din naman ako..ahaha

PaJAY said...
February 16, 2009 at 1:05 AM

kala ko sa dulo may.."BILANG MALIIT ,NAGSASABI,WAG KANG MAG SINUNGALING"...paa tuhod..balikat ulo....lolz..

ayos to pre..pwedeng ipasa sa Deped tong tula mo..mas malalim at may sense..

wala pang tagay yan sigurado..mas malufeet siguro kung nakainom si BaTanggero?..lolz..

AYos!..

Vhonne said...
February 16, 2009 at 1:27 AM

@pajay:

ahaha... mismo... habang sinusulat ko yang tulang yan... laging sumisingit ung kantang yan... ahaha... "sampung mga daliri..." ahaha

kung ipapasa natin yan sa DepEd... dapat magsimula muna sila sa part 1... hehehe...

hindi ko muna kelangan uminom ng alak kapatid... medyo lasing pa ako sa pagmamahal.. wahahaha.. MAIS!

paperdoll said...
February 16, 2009 at 3:25 AM

oh batangero. . bilib naman aco sayo. . sayong pagiging makata. . sadyang nakakatulala. . hehe

tamang tula ka ngayon ah. . diba may english nyan. . pero mas naintindihan co to kasi tagalog. . lol. .bisita lang parekoy;)

ano kaya nangyare sa date nila:-?

Vhonne said...
February 16, 2009 at 10:11 AM

@papel:

salamat... tama... may english nga nyan... dun nabuo ung idea... naisip ko... bagay na gawing part 3 nung mga nagawa ko... hehehe...

gusto mo ba makibalita? basahin mo n lng dito... sa blog ng leading lady ko...

http://blogs.rakista.com/punkloraine

desza said...
February 16, 2009 at 11:41 PM

Ahem! ang in-lab nga naman, nagiging makata..hahaha!

Korek.. Ang bawat parte may kanya-kanyang gamit at importansya.. Ganunpaman, mas maganda ang nagiging resulta pag may katulong ito sa paggawa.

Ako kaya, kelan makakahanap ng kapareha? hihi^^,

Vhonne said...
February 17, 2009 at 12:32 AM

@desza:

anjan lang yan sa tabi-tabi... baka ndi mo lng napapansin... :D

♥ K.i.i.k.a.Y ♥ said...
February 17, 2009 at 1:28 AM

awww kakaibah talagah pag inlove my inspiration d bah ;) hehehe

ganda naman ng tula mo.....

hmmm....ano nga ba ang nangyari sa date nyo ng leading lady mo :).....


am sure it turns out gowd kaya ka nga inspired eh hehehe....

Anonymous said...
February 17, 2009 at 12:54 PM

astig... ang galing talaga ng creation ng God ano? we are God's masterpiece kaya we are created perfectly in His image...

nice poem!

Vhonne said...
February 17, 2009 at 4:34 PM

@chuchay:

http://blogs.rakista.com/punkloraine
bisitahin nio blog ni loraine... para alam nio kung ano ang nangyari... hehehe... salamat... lagi naman ako inspired eh.. ahaha...

@yhen:

honga eh... lahat talaga ng ginawa NIYA sa atin... may magagandang dahilan at kabuluhan... at may kanya-kanyang gawain...

Post a Comment

Bago malasheng ng tuluyan... mag-iwan muna ng kumento...

 

Copyright 2008 All Rights Reserved Revolution Two Church theme by Brian Gardner Converted into Blogger Template by Bloganol dot com Customized by Vhonne DeVille