yhen: ano bang nilalaro mo?
yhen: bkit ba nakaka adik ang pi-es-pi? yun nga ang ipost mo sa susunod..
yhen: baka sakaling maintindihan ko kung bakit madming nahuhumaling sa psp
yhen: hehehe
vhonne: ahaha.. ndi naman po ako sa psp naaadik eh... depende sa laro... cge po.. ipost ko dito... sa nxt post...
yhen: hehehe cge aabangan ko yang post mo na yan ha..
yhen: hehehe sana makumbinsi mo ako
yhen: hahahha
'Yan ang mababasa ninyo sa cbox ko. Naipangako ko na tungkol sa pi-es-pi ang gagawin kong tema para sa isusulat ko. Kaya bilang pagtugon sa nabitawang salita, isusulat ko ngayon ang mga bagay-bagay na nalalaman kong deskripsiyon na nababagay para sa bagay na ilalagay ko dito. Sabagay... bagay. Bakit nga ba madaming nahuhumaling sa PSP? Ano bang meron sa gadget na ito? Isa din ako sa nahikayat na bumili ng mumunting teknolohiyang iyan. Bakit nga ba ako naakit ng isang bagay na pinapatakbo ng baterya.
Ang PSP. Nagustuhan ko ito dahil portabol. Siyempre, kaya nga tinawag ng PSP eh. Portable Playstation / Playstation Portable. Madaming pwedeng paggamitan ang bagay na ito. Kapag may kaaway ka, ibato mo sa kanya. Kapag may nakausling pako at wala kang martilyo, pwede mo itong ipampukpok. At kapag may nakasalubong na holdaper, ibigay mo lang 'yun, pwede ka ng umalis. Kapaki-pakinabang di ba? Pero sa mga nabanggit ko, wala pa akong nasusubukan. Nasa sa inyo na lang 'yun kung gusto nio malaman kung epektibo.
Ang PSP, pwede mong dalhin kahit saan. Kasya sa bulsa. Kung hindi kasya sa bulsa mo, ihampas mo muna sa pader, at kapag durug-durog na, magkakasya na siguro 'yun. Pwede mo itong dalhin kapag may pupuntahan ka. Pwede din sa simabahan at sa eskwelahan. Huwag mo lang doon bubuksan. Sa mga lakad ng tropa, bitbitin mo si PSP. Kapag may swimming kayo, dalhin mo si PSP. Magdala ka lang ng mahabang charger para kapag nasa gitna ka ng dagat habang naglalangoy at biglang naglowbat, maicharge mo kaagad. Siyanga pala, hindi pa waterproof 'yung PSP sa ngayon.
Ang mga dahilan kung bakit ako bumili ng PSP. Dahil sa mga kanta at tugtog. Mahilig ako sa musika. Lalo na 'yung mga acapellas na walang liriko at instrumental na walang tugtog. Masarap mag-soundtrip. Mahilig din ako manood ng mga pelikula. Hindi mo na kelangan tumakbo sa sinehan. O kaya bibili ng payreted dibidi at manghiram ng dibidi pleyer. Pwede ka makapanood ng paborito mong pelikula sa PSP. Kahit sampung beses mo ulit-ulitin 'yung pelikula ng sunud-sunod. Kung 'yun ang trip mo eh. Katulad naman ng mga kaibigan ko, halos pare-pareho sila ng mga pinapanood. Porno!
Laro. Sadyang ginawa ang PSP dahil sa mga laro. Madaming magagandang laro ang pwede mong paglibangan sa pi-es-pi. Kung ako ang tatanungin kung anong laro ang nagustuhan ko, irerekomenda ko ang Tekken: Dark Resurrection, lahat ng Need for Speed na laro at ang isa sa kinahumalingan ko dahil sa ganda ng istorya: ang Final Fantasy VII: Crisis Core. Kung wala ka pang mga laro na nakalagay sa memoristik mo, kumuha ka muna ng tali. Itali mo sa pi-es-pi mo at hilahin. Para ka ng may laruang kotse o laruang alagang aso.
Hindi lang 'yun. Maaari ka ding gumamit ng internet kung sakaling may masagap kang waypay/wipi (sabi ng iba) /wi-fi sa inyong area. Pwede kang mag-chat. Mag-Friendster. At magbasa ng blag tungkol sa pi-es-pi. Pwede mo ding ilagay ang mga piktyur na iniingatan/mahalaga sa'yo. Ilagay mo ang larawan ng asawa/boypren/gelpren/anak/barkada/kaaway at kung sinu-sino at kung anu-ano pa. Pwede mo din gamitin bilang kamera ang pi-es-pi mo. Kailangan mo lang bumili ng kamera na ikinakabit sa port ng pi-es-pi mo. Isaksak mo lang ang kamera na 'yun at pwede ka nang magpotosyut kahit saan.
Bakit nauso ito sa mga Pinoy? Dahil nauso din ang ISO. Ano naman ang ISO? Hindi ito organisasyon para sa standard (International Organization for Standardization). Hindi ko din alam ang kahulugan nun, pero ang ISO ay klase ng file na naglalaman ng laro o pelikula. Kapag meron kang ganun, pwede mo itong iseyb sa memoristik at mapagana sa pi-es-pi mo. Depende sa bersyon ng PSP. Kung hindi nauso ang nabanggit kong ISO, pangmayaman na lang ang pi-es-pi. Dahil kelangan mong bumili ng tinatawag na UMD, hindi 'yung dance group na kinabibilangan ni Wowee de Guzman (Universal Motion Dancer), para makapanood ng pelikula at makapaglaro ng iba't ibang klaseng laro.
Sa madaling salita, marami kang magagawa dahil sa maliit na bagay na 'yun. Photos. Musics. Videos. Games. Internert. Pero tulad ng ibang gadget na lumabas, dumarating din ang panahong nalalaos ito. Pagsasawaan mo din ang magkaroon nito.
Ikaw? Gusto mo din bumili? Pag-isipan mo muna. Kung may mga bagay na mas kailangang unahin. Mga bagay na mas mahalaga. 'Yun muna ang pagtuunan mo ng pansin. Tandaan natin na hindi natin kailangan ng PSP. PSP ang may kailangan sa atin. Kaya nating mabuhay ng wala 'yun, pero ang pi-es-pi, hindi mabubuhay ng wala ang tao.
The Seven Star Hotels of the World
3 years ago
Comments
16 comments to "Pi-Es-Pi Post: Rekwested"
January 15, 2009 at 12:44 AM
Nice post,very informative.
Hmm, uunahin ko munang bumili ng bagong cellphone kasi malapit ng magreach ang expiration nung sakin.
i want a psp right now pero hindi ko naman talaga xa kailangan.
aabangan ko na lang yung waterproof at shock-proof psp, sana noh?hehe
January 15, 2009 at 1:12 AM
at ano ang sabi ni bob ong? "ayoko masanay sa mga bagay na pwede namang wala sa buhay ko" oha oha! saan ka pa? pero magkano ba yan? astig!
January 15, 2009 at 1:17 AM
@akina:
dapat ung psp... pwede na lagyan ng sim card... para pwede na ipangtawag at text... para ndi mo n kelangan bumili ng cp... cppsp na lang... ahaha... CellPhonePlayStationPortable
@cyndirellaz:
honga... naalala ko bigla ung cnabi nya.. ahaha.. kasi.. si bob ong.. ndi nagseselfone... ehehe...
January 15, 2009 at 2:05 PM
ah ganun pala yun... hehe.. pero naguguluhan pa rin ako...
balak ko kasing bumili ng either psp o ipod touch. di ko pa rin alam if ano bibilhin ko...
January 15, 2009 at 2:07 PM
pero mukang maganda nga yang psp na yan. ang problema ko lang jan very bulky. masyadong malaki ang ookupahin nito s amaliit kong bag... haha. at isa pa parng di bagay sa personality ko nagbibitbit ng psp.
pero oo gusto ko rin ng ganyan. lalo na ngayon na mejo convinced ako sa review mo ng psp. hehe!
isip isip...
January 15, 2009 at 2:12 PM
ayan pumasok dina ng post ko sa wakas... haha
January 15, 2009 at 4:21 PM
@yhen:
kung ikukumpara nio ang IPOD sa PSP... mas masarap manood ng movie sa psp dahil malaki ang LCD... mas maliit lng ng konti ang ipod... pareho lng sila pagdating sa musics... sa games naman.. laman na naman ang PSP... esep-esep... hehehe
January 15, 2009 at 4:43 PM
hmmmm oo nga ano... ang problema ko kc sa psp, parang propesyonal na ako tapos may hawak pa rin akong ganun... hehe! ang laki ng problema ano? haha!
January 15, 2009 at 4:45 PM
ahaha... wag mong intindihin ang sasabihin ng iba... ndi naman pambata or non-professional ang psp eh... ung boss ko... ung manager... at ung supervisor... gumagamit din nun... dati.. may time na kami pa ang magkakalaban... ahaha...
January 15, 2009 at 5:34 PM
hindi ako mahilig sa psp at kung anek anek na gadget. galit ako sa psp alam mo ba yun? hehehehehe. secret kung bakit. ;) hello sayo vhonne!
January 15, 2009 at 6:24 PM
@josh:
hmm... galit ka sa PSP.. dahil ipinagpalit ka ng BF mo dun? wahaha...
January 16, 2009 at 2:45 AM
mag kokoment ako pero di ko alam kung ano ang sasabihin ko...
naka old 6600 lang ako, wala akong ipod, di ako mahilig sa gadgets kaya wala akong pi-es-pi
kaya ang koment ko? hindi naman no comment...
hindi lang ako maka relate hehehe
January 16, 2009 at 4:16 AM
@abe:
ok lang yan... ok lng po un... kanya-kanyang trip lng... saka by request yang post n yan.. hehe... kay ate yhen... balak nya yata bumili...
January 16, 2009 at 10:41 AM
pag bumili ba ako nyan.. mayaman na rin ba ako... hehehhee???
January 16, 2009 at 6:19 PM
pag nagkita tayo nanakawin ko yan sayo. hahaha hindi ko na kailangan bumili... tapos pag nagkita ulit tayo makikita mo ulit ganun pa rin sha pero sasabihin ko akin yun kasi may mga pics naman ako dun hahaha.
o_O bat ang daldal ko?
January 16, 2009 at 6:34 PM
@repah:
pweeedeeehh... ehehe...
@LORAINE:
ndi mo na kelangan nakawin... kung ano ang pag-aari ko.. pag-aari mo n din... hehehe... basta jan nio ako patutulugin sa inyo...
Post a Comment
Bago malasheng ng tuluyan... mag-iwan muna ng kumento...