Mahigit ilang buwan na din ang nakakaraan, hindi ko nasisilayan ang kagandahan ng pagsikat ng araw. Dahil sa oras ng trabaho ko, namimiss ko tuloy ang pagbangon ni Haring Pebo mula sa pagkakahiga. Papasok ako na papalubog na ang araw, at uuwi ako na sisikat pa lang siya.
Gusto kong makita ulit kung ano ang hitsura ng araw tuwing sumisikat. Gusto kong maramdaman 'yung sinag ng araw na may kasamang lamig ng bagong umaga. Gusto kong masilayan na unti-unting lumiliwanag ang paligid. Gusto kong kumain. Pero mamaya na lang, pagkatapos nito.
Magigising ako ng alas-dose ng tanghali o mas hapon pa. Papasok ako ng alas-singko ng hapon. Kadalasan, papalubog na ang araw kapag papasok ako. Uuwi naman ako ng alas-tres o alas-kwatro ng umaga. Madilim pa. Hindi pa makikita ang bakas ng liwanag para salubungin ang umaga. Pagkauwi, diretso pahinga na. Halos ganun palagi ang takbo ng araw ko. Kaya gusto ko naman minsang makita ang araw.
Bakit ba gustung-gusto ko makita ang araw? Ano'ng meron sa araw? Walang pakialamanan, tagal ko na ngang hindi nakikita kaya gusto ko. Medyo nakakasawa na din ang puro dilim ang nakikita sa paligid. Gustung-gusto nilang makakita ng buwan, pero nagsasawa na ako doon. Kulang na lang sa'kin ay mahabang pangil, medyo mahaba lang kasi 'yung pangil ko, pwede na akong tawaging bampira. Kung buntot at sungay naman, mas maganda, Devil.
Nitong isang araw lang, sinamahan kong mag-obertaym ang ibang kasamahan ko sa trabaho. Inabot na kami ng umaga. Nasa ikatlong palapag kami ng gusali. Sumilip ako sa bintana at inabangan ko ang pagsikat ng araw. Inabot na kami ng alas-sais ng umaga, hindi ko naaninag ang liwanag mula sa araw. Siguro tinatamad ang araw na bumangon dahil na din sa lamig ng panahon. Hindi ko siya nakita.
Binalak ko na lang umuwi para makapagpahinga. Habang naglalakad, may napansin akong lumiwanag mula sa likuran. Hedlayts pala. Nakauwi ako at nakatulog. Balik sa dating oras. Balik sa takbo ng araw. At dumating ang araw ng kahapon. Pumasok ng gabi na, at binabalak na samahan ang mga mag-oobertaym.
Sa haba ng oras na nailagi namin sa loob ng opisina, dumating ang oras para umuwi. Dire-diretso hanggang makauwi ng bahay. At napansin ko na sumisikat ang liwanag mula sa araw. Napatigil ako sa aking nakita. Napaisip. Hindi ako namangha o natuwa dahil sa nakita kong pagsikat ng araw. Mayroon lang akong naalala at napatawa.
Napagtanto ko na hindi ko nga pala makikita 'yung pagsikat ng araw kahit abangan ko pa siya. Dahil nung mga panahon na inaabangan ko iyon... sa KANLURAN pala ako nakaharap! Dahil sa tagal ko ng hindi namamalayan ang araw na iyon, nakalimutan ko na pala na sa SILANGAN nga pala ito sumisikat.
Ayoko na ulit makita ang pagsikat niya. Dahil sa kanya, nagmukha akong t*nga sa sarili ko.
The Seven Star Hotels of the World
3 years ago
Comments
14 comments to "Pagsikat ng Araw"
January 19, 2009 at 11:55 AM
buti ka pa yun lang araw ang problema mo na makita..ako naman e problema ko kung paano ko di makikita ang araw! hehehe..totoo yan kase araw-araw e nakikita ko sya
January 19, 2009 at 2:50 PM
ang sarap moh magkuwento ahh... naaliw akoh at napabasa... well mejo nakarelate nang slight... lately dehinz koh ren gano nakikita madalas ang araw.... actually itz more likely na nde kme nagkikita everyday nang araw... ayonz... pero minsan nasilayan koh syah... kc na-late akoh sa skul... naaliw akoh... ang ganda... sarap tlgah minsan gumising kah sa umaga tapos u pray to Him then tumingin ka lang sa paligid moh... tapoag mag-breathe... ang saya... marerealize moh ang simple lang nang buhay... naaaliw akoh sa umaga... siguro i'm a morning person... kc since maaga ang sched koh sa skul.. usually aalis eh nde pa sumisikat ang araw... tapos since madmeng dapat tapusin sa skul... don na akoh nag-sstay at sometimes nakakaalis na palubog na ang araw... or nde naman.... sometimes pag may work... same thing late na ren nakakauwi... mejo magkaiba ang shift naten why nde naten nakikita ang araw... ang sayah... ang usapang araw... 'un lang po... have a nice day... Godbless! -di
January 19, 2009 at 2:59 PM
@payatot:
kanya-kanya tayo ng problema... pero pare-parehong simple... hehehe...
@dhianz:
salamat naman at nag-enjoy ka... natuwa naman ako sa comment mo... sana lahat ng mga nagcocomment katulad mo... masarap kcng basahin...
ganda ng sound sa blog mo... 'yung Faithfully... hehehe
January 19, 2009 at 5:15 PM
ano nga bang meron sa araw? ang alam ko lang eh nagsisimbolo ito ng pag-asa. ;-)
January 19, 2009 at 8:24 PM
@yhen:
kapag may araw kang nakikita... ibig sabihin lng nun... swerte ka... dahil nabuhay ka na naman ng isa pang araw... at ipanalangin na sa kinabukasan... makita mo ulit ang araw... hehehe
January 19, 2009 at 8:37 PM
mas gusto ko ang pagsikat ng araw kesa sa pag lubog nito, sabi kasi nila malulungkot na tao lang ang may gusto ng sunset eh.. kamusta naman d2 sa hk? d mo makikita ang araw kasi naman ang tataas ng building.. ^^
January 19, 2009 at 9:23 PM
kapag hinahatid ako ng tatay ko papuntang sakayan gamit yung motor, merong mahabang daan kaming tinatahak tapos puro puno tapos kaunti lang yung mga sasakyan.. kitang kita mo yung araw tska yung mga mga clouds, eh mejo umaga pa nun kaya ang mejo malamig na mejo saktong init ang mararamdaman mo, tapos syempre nasa motor kaya malakas yung hangin, feel na feel ko ang morning air. hahaha. PERO HINDI AKO MORNING PERSON. :)) nasarapan lang ako nun.
ayun, nakarelate ako. lol.
January 19, 2009 at 10:00 PM
@cyndi:
akyat k n lng sa rooftop... ehehe.. baka sakaling masilayan mo ang araw... pero tago k pag may ibang tao.. baka akalain.. tatalon ka...
@LORAINE:
lagi ka naman nakakarelate sa mga kwento ko eh.. kasi.. iisa tayo... hehehe...
January 19, 2009 at 11:53 PM
wahaha ang kulit ahaha
parang di na alam kung anong direksyon ng araw, dahil sa trabaho, pahinga ka naman, relax
ang saya nito
January 20, 2009 at 2:57 AM
@jcgo16:
honga eh... maxadong focus sa trabaho... ndi ko na alam ang mga direksyon... hehehe
January 20, 2009 at 3:24 AM
patay tayo dyan iniligaw ka ng kagustuhan mong makita ang pagsikat ng haring araw!
teka hindi mo ba namimiss matulog ng gabi? o nasanaw ka nang mag lunch sa hatinggabi? haaaay kape pa nga!
January 20, 2009 at 7:28 AM
@abe:
namimiss kong matulog ng gabi... kaso.. pag natulog ako ng gabi... makakatulog din ako sa umaga... bale.. aabutin ng 24 hours tulog ko... hehehe
January 20, 2009 at 1:53 PM
tama ka jan vhonne... di lang swerte kundi ipinapahiwatig nito na dapat magpasalamat tayo sa diyos for giving us a new morning... naks...
i love sunset and sunrise...
January 21, 2009 at 12:58 AM
i love 'sang set at 'sang rice... hehehe...
gising na naman ako ngaung gabi... tsk tsk... pano ko makikita ang araw? lol
Post a Comment
Bago malasheng ng tuluyan... mag-iwan muna ng kumento...