Napansin kong walang naka-instol na Audio Driver sa kompyuter na ginagamit ko. Ako pa rin ang nag-instol dun. Bakit ba lagi na lang ako? Ako! Ako at ako. Eh hindi naman ako si Tolits! Kapag may nasira, ako ang tatawagin. Kapag may problema sa pi-si, ako ang hahanapin. Tsk! Trabaho ko ba ang ayusin ang mga iyon? Ay, isa nga pala akong IT sa pinapasukan ko. Tama pala, trabaho ko nga 'yun. Wala pala akong karapatan magreklamo.
Habang inaayos ko ang pi-si ng kasama ko, nag-isip-isip na lang ako. 'Yun lang naman ang pinakamasarap kong libangan eh. Ang mag-isip. Mahirap mag-isip kung walang pumapasok sa utak mo. Pero mas mahirap mag-isip kung wala ka naman talagang isip. 'Yun ang isipin mo.
Pangarap. Nag-isip na lang ako ng mga pangarap ko. Mga gusto kong mangyari sa buhay ko. Medyo madami. Pero kaya ko pa naman sigurong isa-isahin. Gusto kong magkaroon ng malaking bahay. Para dun ko patitirahin ang pamilya ko. Gusto kong yumaman para hindi na ako mamroblema sa pera at para makabili ng malaking bahay. Gusto kong magkaroon ng sariling negosyo para dun ako yayaman para makabili ng malaking bahay. Gusto kong maka-ipon ng malaki para makapagsimula ng negosyo para dun ako yayaman at para makabili ng malaking bahay. Gusto kong magkaroon ng magandang trabaho na may maayos na kita para maka-ipon ako ng malaki, para makapagsimula ng negosyo, para dun ako yayaman at para makabili ng malaking bahay. Gusto kong tulungan ang mga kapatid ko na maging maayos ang kinabukasan. Gusto kong magkaroon ng magandang edukasyon ang mga pamangkin ko. At makabili ng malaking bahay.
(Biglang tutugtog ang kanta ng Kamikazee. Ambisyoso)
Libre lang mangarap
Walang hanggan na pag-hiling
Libre lang mangarap
Managinip ka habang gising
Walang hanggan na pag-hiling
Libre lang mangarap
Managinip ka habang gising
Madami pa akong gusto. Pero dahil nga sa pangarap lang ito, hindi tayo sigurado kung makukuha natin 'yung mga gusto natin. Ang pangarap ay limampung porsiyento na posibleng matupad, at limampung porsiyento naman ang hindi. Mababalewala lang ang pangarap mo kung hindi mo naman sasamahan ng pagsisikap. Pero kahit na nasa kalahati lamang ang posibilidad na matupad ito, isusugal ko ang kalahating iyon para magbakasakaling matupad. Hindi ako matatakot kung sakaling pumanig sa akin 'yun kalahati na negatibo dahil alam ko namang sinubukan kong abutin ang pangarap na iyon.
(Sa parteng ito naman, biglang tutugtog ang kanta ng Parokya ni Edgar. Ted Hannah)
Para 'kong tanga, di ko man lang naisip
Na ang pangarap ay maninitiling panaginip
Kung wala akong gawin upang makamtan ka
Paano ka tatama kung di ka tataya
Na ang pangarap ay maninitiling panaginip
Kung wala akong gawin upang makamtan ka
Paano ka tatama kung di ka tataya
Pero sa mga nabanggit kong pangarap, bakit hindi ko nabanggit ang tungkol sa aking leading lady? Wala ba akong pangarap para sa kanya? Wala nga, hindi siya kasama sa pangarap ko. Nabanggit ko kanina. 50% ang positibo at 50% ang negatibo. Huwag ninyong isipin na natatakot akong isugal ang leading lady ko. Dahil kahit isang porsiyento 'yan, isusugal ko pa rin. Pero wala akong dahilan para isama siya sa pangarap ko. Bakit?
Dahil ang leading lady na tinutukoy ko. Ay hindi na isang pangarap. Siya ang pinangarap ko noon, pero sumugal ako para makuha lang siya. Kahit hindi ako sigurado na manalo sa sugal kong iyon, inilaban ko ang lahat ng meron ako. Manalo lamang ako para sa kanya. Ayokong lalo lang siyang mawala na wala naman akong ginagawa. Ang leading lady ko ngayon, siya ang napanalunan ko sa pagsugal ko. Nasa akin na siya, kaya hindi na siya isang pangarap lang.
(Tuluy-tuloy lang ang kanta ng Ted Hannah ng Parokya ni Edgar)
At pa'no kung hindi ako naakit ng tadhana
Eh di sana ay hindi ako ang iyong sinisinta
'di kaya sayang naman kung 'di ko man lang susulitin
Ang alay na babae ng tadhana para sa kin
Eh di sana ay hindi ako ang iyong sinisinta
'di kaya sayang naman kung 'di ko man lang susulitin
Ang alay na babae ng tadhana para sa kin
Hindi siya kasama sa lahat ng pangarap ko. Dahil siya, si Loraine, Aning, Meann (isang babae lang 'yan) at kung anu-ano pang tawag sa kanya, ang magiging kasama ko. Magiging kasama ko para matupad ang lahat ng pangarap ko.
Mahirap pala ang magsulat ng seryoso, pero masarap naman sa pakiramdam kung mailalabas ito. Nagpapasalamat ako dahil sa kanya. Dahil dumating siya sa buhay ko. Ito ang post ko para sa araw na ito. Hindi ko na kailangang hintayin pa ang Araw ng mga Puso para sabihin ito sa kanya.
Comments
14 comments to "Libre Mangarap, Pero Kailangang Tumaya"
January 30, 2009 at 8:48 AM
WHEW.
take my hand, let's go reach for our stars! ^_^
mahal kita, para sakin araw araw eh valentines.
KASI IKAW EH!!
January 31, 2009 at 2:54 AM
wow! ang sweet nyong dalawa! sarap nyong pagbabatukan! hahaha. . joke lang ah? nainis aco kasi kinilig aco. . lol
grabe! ganyan pala magmahal ang isang batangero. . mukhang malaking napakadami nga ng pangarap mo, , napakadaming beses mong binanggit ang makaipon ng malaki at makabili ng malaking bahay. . hayup! kala co nagkamali aco sa pagbabasa at paulit ulit lang aco sa linyang un. . haha. .
eniweyz. . sana matupad mo nga un kasama ang dating pangarap mong irog na ngayon ay kapiling mo na. . wew! adbans na maligayang araw ng mga puso*n. . hehe
January 31, 2009 at 6:55 AM
kakatuwa...mukang si lorraine na unang nag-comment ang siya ring lorraine na binabanggit mo.
kung ano man ang mga pangarap mo, sabi nga sa pelikulang slumdog millionaire...it is written.
malay mo!
January 31, 2009 at 10:57 AM
@LORAINE:
samahan mo ako... mangarap tayo... hehehe...
@MP:
ndi mo na kami kelangan pang batukan... kami na ang gagawa nun para sa isa't isa... ahahaha... batukan... masyado bang obvious ang pangarap ko? lol... salamat sa maagang pagbati para sa araw ng mga puso... ung puso mo? kanino tumitibok? lol
@abe:
tama ang iyong hinala... ung unang nagpost ng comment dito... siya ang tinutukoy ko... hehehe... correction lang po... LORAINE...single R... ndi po LORRAINE... baka kasi akalain ng kaibigan kong si LORRAINE.. eh sya ang tinutukoy ko.. ahaha
January 31, 2009 at 2:11 PM
huwaw! ang swit nga haha. tamang tama at malapit na din ang mga araw ng puso..
dude add kita sa blogroll ko uh, okie lang naman siguro yun diba? hahaha
February 1, 2009 at 5:37 AM
@kheed:
salamat po... ikinararangal ko pong mapabilang sa inyong blogroll... bilang ganti... diringgin ko ang payo ng aking mga magulang... este... bilang ganti... ilalagay ko din po kayo sa blogroll ko... salamat po ulit
February 3, 2009 at 12:11 AM
ay naku, nilalangam ako sa repinadong asukal di ne. Makisan pala ang mister ko para lumaganap ang labs. But no making, magtatarbaho pa iyon eh. hehehe
February 3, 2009 at 5:01 AM
@ate mahalia:
wahaha...kiss but no making... ahaha... ituloy nio na po... wag lng kiss... joke lng po... musta na po?
February 5, 2009 at 3:18 PM
AWWW nakhu naman baka naman lalanggamin tayo d2 dahil sa sobwang sweet nyO
as iN super duper kilig akOo sa iNyO HEHE
February 5, 2009 at 5:53 PM
@chuchay:
ahaha... nadagdagan na naman ba ang pinakilig namin? wahaha... masyado ng lumalaki ang ulo ko... natutuwa ako dahil may mga tulad nio na nagtyatyaga sa kwento ko... hehehe... hinay-hinay lang... baka lumaki ang ulo ko at yumabang bigla... (kahit matagal n akong mayabang...)
February 7, 2009 at 1:18 PM
@Vhonne
amm walang masama sa pag yayabang basta hindi sobra at dapat katotohanan lahat..hmm ang sweet nyo nmn nilalagyan nyo ata ng asukal ung iniinom nyo weh..lol...
uy dahandahan sa pag inom ng asukal..este ng alak na may asukal(meron banun?)
HMmm advance happy Happy Valentines pla sa inyong lahat especyaly sa love of mylife ko Evangilene...luv u ma..
February 7, 2009 at 6:07 PM
@bad_mj97:
tama... ganun na nga... hehehe.. ayos lng magyabang kung meron k nmn ipagyayabang... kung magyayabang ka lang ng puro hanging kayabangan... wag ka ng lng magyabang... ayoko sa salitang mayabang... bihira ko lng banggiting ang salitang mayabang.. baka kc maging mayabang din ako kung puro kayabangan ang sasabihin ko... ang yabang naman...
hehehe.. advance happy valentines sa ating lahat..
September 21, 2012 at 11:10 AM
Salamat sa post. Medyo nawawalan na ako ng pag-asa para sa isang pangarap. Pero susubukan ko ulit... baka sakali magkatotoo na. :)
September 22, 2012 at 12:27 AM
salamat po sa pagdaan... matagal ko na itong naisulat... at masasabi ko... kalahati na sa naisulat ko dyan ang nasa akin na ngaun... :D malayo pa ung malaking bahay... hahaha... tiis tiis lang...
Post a Comment
Bago malasheng ng tuluyan... mag-iwan muna ng kumento...