Jan 24, 2009

Kawawang Puso

17 na lasing
Habang nakaratay sa kama, dahil sa ipinataw sa aking parusa. Na tinatawag nilang lagnat, wala akong ibang magawa kundi mag-isip. Mag-isip ng kung anu-ano para maglibang. Napatingin ako sa kisame. Sa tagal ng pagkakatingin ko doon, may biglang naglaro sa utak ko. Nagbabasketbol yata. Pero walang kinalaman ang kisame sa iniisip ko. Doon lang ako nakaharap kaya 'yun ang nakikita ko.


Naisip ko na malapit na ang Araw ng mga Puso, gumawa na lang kaya ako ng kwento para sa ganun klaseng tema. Kumuha lang ako ng tauhan. Isang babae at isang lalaki. Isang tipikal na pares na nagmamahalan. Pero may hindi magandang kinahantungan. Basahin ninyo na lang ang nasabing kwento dito.

Matagal ng magkatali ang mga puso ng mag-sweetheart na si Puso at Heart. At dahil sa nalalapit na Araw ng mga Puso, napusuan ni Puso na sorpresahin si Heart. Bumili siya ng tsokolateng korteng puso. Sinamahan na din niya ng lobong hugis heart. Kahit mumurahin ang binili niyang regalong hugis heart, galing naman ito sa kanyang puso. Gusto niya itong iregalo kay Heart ng buong puso.

Nang makita ni Puso si Heart na nakaupo sa upuang bato na hugis puso, dahan-dahan siyang lumapit kay Heart at itinago ang mga regalong hugis puso. Bumibilis ang tibok ng heart ni Puso sa pagkakataong 'yun. Tumayo si Heart upang salubungin ang itinitibok ng kanyang puso na si Puso. Biglang inilabas ni Puso ang mga hugis heart nyang sorpresa para kay Heart. Napatalon ang puso ni Heart sa sobrang tuwa sa ibinigay ni Puso.

Pagkaabot kay Heart ng mga regalong korteng puso, biglang pumutok ang lobong hugis heart. Sa pagkakagulat ni Heart, napasigaw siya ng "AY PUSO!!!" Napahakbang si Heart sa gulat at natapakan ang balat ng saging. Natumba si Heart at tumama ang ulo niya sa upuang hugis puso. Ikinagulat ni Puso ang nangyari. Nalaman niyang hindi na tumitibok ang puso ni Heart. Nanikip ang heart ni Puso. Napapisil siya sa dibdib na nasa tapat ng kanyang puso. Hindi makahinga si Puso. Bigla na lang natumba si Puso. Na-heart attack si Puso. Sa ganung sitwasyon, maraming mga walang puso ang hindi man lang naawa sa nangyari kina Heart.

Ang tanong... Bakit nakasali sa istorya ang balat ng saging?

Dahil saging lang ang may PUSO.

Comments

17 comments to "Kawawang Puso"

cyndirellaz said...
January 25, 2009 at 1:25 AM

pagaling ka na! kawawa naman si puso sa story, ano ba title nun?

Vhonne said...
January 25, 2009 at 1:41 AM

wala pa nga ako maisip ng title eh... hmm... cguro ung title n rin lng ng blog post ko.. ehehe...

Kawawang Puso

Anonymous said...
January 25, 2009 at 3:34 PM

ayos! :D

paperdoll said...
January 25, 2009 at 6:26 PM

wow! ibang klase ang nagagawa ng lagnat mo!

naloka aco sa kwento mo dude! isang malaking kamay na pumapalakpak para sayo! hahaha. .

paperdoll said...
January 25, 2009 at 6:27 PM

bakit nga ba nagkapuso ang saging?

Vhonne said...
January 25, 2009 at 11:22 PM

@hukombitay:
salamat ulit... dahil lagi kayong andito... tumataba ang aking puso...

@paperdoll:
ganyan talaga pag walang magawa... ahaha... sana naman ay nagustuhan mo... dahil nahihiya ako sau.. minsan k lng dumaan dito... wala ka pang mabasang bago... ahaha... dami nakakamiss sayo...

PaJAY said...
January 26, 2009 at 12:01 AM

lolz...

isang kwentong pang comedy show...

ayos dre!..

Vhonne said...
January 26, 2009 at 12:45 AM

@paJAY:

salamat naman po at nagustuhan nyo... lol... comedy ba? kala ko kc heavy drama ginawa ko... kc napapaiyak ako habang ginagawa ko ung storya... nakakaantig ng PUSO... hehehe

Dhianz said...
January 27, 2009 at 11:27 AM

langyaness... emote na emote pa naman akoh sa pagbabasa nung isang liham na post moh... haha.. natawa akoh... si berta tlgah oo... graveh naman... pero luv d' letter ha... gravehhh... d

eniweiz lemme comment on ur next post: nde na usapang araw.. usapang puso naman... wehe...

... *nagbasa*... haha... nice! kaw bah gumawa nang story nah yan... nakakaaliw ahh... magtatanong den sana akoh ba't may nakasamang saging... abah... saging lang ang may puso... lolz... pagkain yan.. puso nang saging.. hehe.. hirit lang...

sige.. daz all for now... ingatz vhonne... have a nice day... GODBLESS! -di

Dhianz said...
January 27, 2009 at 11:28 AM

hehe.. napansin koh lang may naiwang d after graveh koh... lolz.. 'la lang... pinansin koh lang... hwag na lang pansinin 'un... papansin lang... ang kuletz sige alis nah akoh.. peace out! =)

Vhonne said...
January 28, 2009 at 2:20 AM

@dhianz:

ahaha... naalis naman po ako sa comments nio... hehehe... ang kulit nio... baka magkadugo tayo.. parehong makulit.. lol

abe mulong caracas said...
January 28, 2009 at 4:34 AM

iyan ang tinatawag na hallucination (tama ba spelling?)

teka may tanong ako...nakapag sex ba sina heart at puso?

Vhonne said...
January 28, 2009 at 8:43 AM

@abe:

yun na nga po ang masaklap dun eh... ndi man lang sila nakatikim na tunay na ligaya... dahil nga sa maysakit sa heart itong si Puso... ndi niya nagawang sundutin ang Pu...so ni Heart...

Anonymous said...
February 3, 2009 at 2:37 PM

Hmmm ok rin ung story ni Berta kala Ko ba naman babae"Green Blooded Animal Pla"hehehe hmm astig ka pla kung magkasakit Bro tinablan ung PUSO ko sa nabasa kong 'to.

Shock my HEART nung nabasa ko na di natumitibok ung Puso ni Heart kawawa naman pla talaga si puso...

Vhonne said...
February 3, 2009 at 2:59 PM

@bad_mj97;

ahaha... nakakaawa talaga... dumudugo puso ko...

♥ K.i.i.k.a.Y ♥ said...
February 5, 2009 at 2:48 PM

awww wawa naman talaga si pusO :(

GALing mO namaN gumawa Ng stOrY :D

Vhonne said...
February 5, 2009 at 5:54 PM

@chuchay:

epekto po yan ng lagnat... hehehe...

Post a Comment

Bago malasheng ng tuluyan... mag-iwan muna ng kumento...

 

Copyright 2008 All Rights Reserved Revolution Two Church theme by Brian Gardner Converted into Blogger Template by Bloganol dot com Customized by Vhonne DeVille