Nov 6, 2008

Mentos: The Freshmaker

19 na lasing
Minsan, may mga pagkakataon tayong hindi inaasahang mangyari. Biglaan. Kadalasan hindi ka handa. Pero minsan, may mga pangyayaring na hindi nga natin inaasahan, pero sa maikling oras ng pag-iisip, Presto! may naisip kang solusyon.


Nangyari na rin sa'kin 'yung ganun. Akala mo, katapusan mo na. Katapusan na ng mundo. Mapapahiya ka na. Buti na lang, ginawa tayo ng nasa Itaas na may kasamang kapirasong karne sa ulo. 'Yung tinatawag nilang utak. Makakagawa tayo ng solusyon sa konting pag-iisip na sasamahan mo ng konting diskarte at sobrang kapal ng mukha.

Tambay ako noon sa isang ChatRoom. Batangas ChatRoom kung hindi ako nagkakamali. Madami akong nakilala at naging kaibigan dun. Pero hindi ko ugali ang dumalo sa tuwing may idadaos silang pagkikita-pagpapakilala na tinatawag na EB. Hindi Eat Bulaga kundi EyeBall.

May nakilala akong isang babae sa chat. Naikuwento niya na meron daw silang kompyutersyap dito sa Lipa. Nung malaman ko kung saan 'yung tinutukoy niya, Abah! malapit lang pala sa'min. Nilalakad ko lang 'yun. Kahit na ang totoo, kahit malayo ang isang lugar, talagang nilalakad ko din lang.

Hindi ko binabalak na makipagkita o makipagkilala ng personal sa kanya. Pero nung minsang mapadaan ako sa kanto malapit sa sinasabi niyang shop, sinubukan ko na ding dumaan. Pumasok ako. Umupo at nag-renta ng isang kompyuter. Doon ko na din ginawa 'yung ilang proyekto na dapat kong gawin. Nang matapos ko 'yung ginagawa ko, nagbukas lang ako ng imeyl ko kung may mga bagong mensahe. Ayos ang dami. Ang daming ispam. Kung ispam na de-lata 'yung mga 'yun pwede ko na ibenta saka pang-ulam. Matapos burahin ang mga basurang mensaheng 'yun, tumayo na ako para umuwi.

Tiningnan ko muna 'yung orasan para malaman ko kung nakailang oras ba ako at kung magkano ang dapat kong bayaran. Dalawang oras. Tuwenti pesos para sa isang oras. Kinapa ko ang bulsa ko. Anakngpitumputpitonglasing! Wala pala akong bulsa. At wala akong dalang walet. Hahaha. Ayos. Paano ang gagawin ko? Nakita ko, may kausap 'yung nagbabantay. Kung umeskapo na lang ako? Kaso baka mahalata. Mas lalong nakakahiya.

Wala na akong magagawa. Nilapitan ko 'yung nagbabantay na babae. "Excuse me. Ikaw ba si Che?" Sumagot naman siya. At tinanong kung sino nga ako. "Ako si vhonne. 'Yung kausap mo nung isang araw sa way-em?" Natuwa naman siya at kinausap niya ako. Kaya naisip ko, ito na ang pagkakataon ko.

"Magkano nga pala ang babayadan ko sa pagrenta ng kompyuter?" Agad kong naitanong sa kanya. Pagkasabi ng presyo, nagsabi na lang ako ng... "Utang muna ha?" Hindi ko alam ang magiging reaksiyon niya nung sabihin ko 'yun kaya nagulat ako nung sabihin niyang okey lang. Nakahinga ako ng maluwag.

Kaya nung kinabukasan, binayadan ko 'yung utang ko. Nagrenta ulit at pagkatapos, utang na naman. Hahaha. Abuso? Nahalata niya siguro 'yung araw-araw na ganung gawain ko. Kaya hindi na lang niya ako siningil. Libre na ang paggamit ko ng kompyuter at hindi lang 'yun, pakain pa ako. Ganun kakapal ang mukha ko dati.

Pero ngayon, hmm... Basta, iba na ako ngayon.

...

Comments

19 comments to "Mentos: The Freshmaker"

paperdoll said...
November 6, 2008 at 7:37 PM

hahaha! bilib din aco sakapal ng mukha mo. . sabagay. . hindi aco nagbabayad sa tricycle. . ikaw utang naman. . hehe. .

may ganyan din ang cloud9 ah. . ibelong!:P

Vhonne said...
November 6, 2008 at 7:45 PM

ahaha... pare-pareho lng tayo makakapal ang mukha... kaya nga tayo nabubuhay sa ngaun eh... kung mahihiya tayo... walang mangyayari sa atin.. hehehe

Anonymous said...
November 7, 2008 at 12:54 AM

parang magkakdikit ang bituka natin. haha. kakapost ko lang tungkol sa isang katangahan. haha

Anonymous said...
November 7, 2008 at 12:56 AM

onga noh? balibaligtad letter sa commnts ko. haha. nagmamadali kasi. hahaha. aw! pasensya na. isa yan sa mga bloopers sa buhay ko. salamty sa award vhonne.

Chyng said...
November 7, 2008 at 3:50 AM

ganun tlga pag malakas ang appeal. gamitin ang "ganda" in times like this! ;)

Vhonne said...
November 7, 2008 at 4:41 AM

parang ganun na nga kapatid na joshmarie... parang iisa ang nasa utak natin... hmm... ibig bang sabihin... baliw ka ding katulad namin? welcome to the club... lol

chyng... kung kau ang pag-uusapan... tama... gamitin ang ganda... pero.. wag nio ako isama... kapal lng ng mukha meron ako.. walang magandang karakas... ahaha...

RJ said...
November 7, 2008 at 6:31 AM

Ilang recent post na ang memory recall palagi.

Kumusta na ngayon si Che? Siya ba ang bagong "punong" dinapuan ng "ibong ligaw" dati? Siya na ba ang punong tinirhan ng ibon matapos mabuwal ang dating 'tahanan' dahil sa mga unos na dumaan?

Vhonne said...
November 7, 2008 at 12:39 PM

@rj:

ahaha... ndi siya... "pinsang-hilaw" ang turing nyan sakin... kaya ko nagagawa ang ganung paglalapastangan sa computer shop nila... ahaha...

dahil pinsan niya ang isa sa naging leading-lady ko dati... pero wag na... may asawa n un... ahaha...

Anonymous said...
November 7, 2008 at 1:12 PM

wiwit ka jan. hehe. di naman ako ibon. :)

Anonymous said...
November 7, 2008 at 2:38 PM

Naks... at may hirit pa na:

"Pero ngayon, hmm... Basta, iba na ako ngayon."

Defensive!

elflady0671 said...
November 7, 2008 at 2:46 PM

@joshmarie:

ibon lang ba ang pwedeng sipulan? di ba mga sexy na babae ang sinisipulan? hehehe... mwuah...

@angel:

talaga... iba na talaga ako ngaun... mabait n ako... ;)

Anonymous said...
November 7, 2008 at 2:50 PM

ayan na nga.. mali pala ang nakalog in... kaya pala ibang pangalan ang lumabas... whew...

arwen ang nagamit kong pangalan... ahaha...

nano said...
November 7, 2008 at 5:02 PM

haha!padaan lang vhonne, nakakaliw ang blog mo!^_^

Anonymous said...
November 7, 2008 at 5:13 PM

salamat nano sa pagka-aliw mo... sana ay bumalik ka... ehehe

Anonymous said...
November 7, 2008 at 5:13 PM

haha, hindi ko kaya yun. hehe. buti naman at nagbago ka na. haha. joke lang. :P

Anonymous said...
November 7, 2008 at 5:55 PM

syet! pare, ilang pages ka ba?
kasi kasi kasi ang kapal mo!
hahaha!

grabe di ko kinaya yan!

buti at nagbago ka na...


hahaha!

Vhonne said...
November 7, 2008 at 6:35 PM

salamat sa pagdaan... yoshke at eloiski...

kaya nio din un... pag binigyan kau ng ganung pagkakataon... ahaha

Anonymous said...
November 8, 2008 at 2:12 AM

EHEM. paepal. BILIB AKO SA KANYA. katangi tangi ang kanyang katangian! hahaha. kung tutuusin, katapangan at hindi kakapalan ang kanyang ginawa.

THINK DEEP. READ BETWEEN THE LINES.
thank you and keep on reading batanggero. XD

Vhonne said...
November 10, 2008 at 12:11 AM

ano kau ngaun? andito n ang tagapagtanggol ko... ahaha...

Post a Comment

Bago malasheng ng tuluyan... mag-iwan muna ng kumento...

 

Copyright 2008 All Rights Reserved Revolution Two Church theme by Brian Gardner Converted into Blogger Template by Bloganol dot com Customized by Vhonne DeVille