Basahin ninyo na lang ang munting gawa ko na pinamagatang... wala din titulo 'yan eh. Pero pansamantala, Ang Ibon at Ang Puno na lang muna.
Isang maliit na ibon na mataas ang lipad
Isang ibong dumapo sa punong malapad
Isang ibong nagpasalamat sa sangang inilahad
Isang ibong umaawit, tuwang walang katulad
Isang magandang puno na sa ibo'y lumingap
Isang punong di namalayan ang isang ibong nangangarap
Isang punong nagising sa kantang hinahanap
Isang punong nagalak at ang ibo'y tinanggap
Ngunit itong puno'y hindi maunawaan
Ng ibong nag-akalang hindi siya kailangan
Ngunit itong ibo'y hindi nag-alinlangan
Na puno'y tulungan at hindi iiwanan
Ngunit itong puno'y nananatiling nakatindig
Sa lupa'y nakatayo at hindi humihilig
Ngunit itong ibo'y puno ng ligalig
Sa kanyang mga awit at puso'y pumipintig
Sa awit ng ibon na puno ng hapis
Puno'y nakinig at puso'y naghinagpis
At nagsabi sa ibon na huwag nang umalis
Kaya't itong ibo'y ngumiting kay tamis
Iyan ang kwento ng ibong nangarap
Sa puso ng puno na kanyang hinahanap
Ngayon itong ibo'y tuwa'y naging ganap
At ang nadarama'y walang kasing-sarap
Hindi ko na ipapaliwanag ang mga nakasulat sa itaas. Kayo na ang bahalang magbigay ng kahulugan kung naintindihan ninyo. Isa yan sa labistori ko. Kung hindi ninyo naman masyado naintindihan, ayos lang, 'wag ninyo lang isiping kung ano 'yung ibong tinutukoy ko. Hulsam po tayo, bawal bastos.
**Optapik: Pasalamatan ko lang ang ating kainumang si SweetLady sa pagbigay sa akin ng panibagong award. Isa na namang kadenang award kung saan pinagdudugtung-dugtong ang mga blagers sa mundo ng sayber.
May ruls pa ang nasabing award na ito. Idikit ang pangalan ng taong nagMAHAL sa'yo ('yung nagbigay ng award sa'yo). Ilathala sa blag mo. Igawad ang nasabing award sa pitong taong MAHAL mo. At ipaalam sa kinauukulan mga taong ginawadan ng award na sila ay nakatanggap nito.
Kaya ginagawadan ko ng award sina: Loraine, Lorraine, Yummy, Jojitah, Mai, Joshmarie at si Jaja. Puro babae ang pinili ko, usapang MAHAL yata yan.
...
Comments
19 comments to "Ang Ibon at Ang Puno"
November 3, 2008 at 6:42 AM
Ayus a! Ang kulet ng mga rhyming words. May talent ka Vhonne (baka lumaki ulo) hahaha.
November 3, 2008 at 11:53 AM
[Simula na ba ng Balagtasan, kasi tapos na ang Halloween?]
Bow ako! Napakamakata!
Hanggang ngayon ba ang ibo'y hindi pa rin pinaalis ng punong malapad? Masaya pa rin ba siyang naninirahan doon?
November 3, 2008 at 12:08 PM
@monique:
hindi ko yan talent.. skill ko yan... ahaha... nagyayabang n ako ngaun... bwahahaha....
@RJ:
nakow... matagal ng panahon yang ibon at puno na yan... sa dami ng bagyong dumaan... bumigay si puno... bumulagta... kaya itong ibon ay naghanap ng ibang masisilungan... lol
November 4, 2008 at 12:24 AM
naks... pag may skill nga naman oo... hehe.. thanks sa award po.. :)
November 4, 2008 at 9:15 AM
yumayabang n ako ngaun Mai... ahaha... nailalabas ko n kc ung mga naitatago ko... lol
November 4, 2008 at 9:49 AM
I love you salamat na naman sa award hehehe.
November 4, 2008 at 11:13 AM
walang anuman yummy... pasok n ikaw.. malalate ka pa.. ahaha ... mwuah...
November 4, 2008 at 4:18 PM
ahlabu..labu..labu..this much rn..vhonne..muwaahhhhhhh!!!!i mishu p!san k p..dba?!hehehehe
November 4, 2008 at 5:13 PM
at tagalog pa talaga ang iyong tula! yan ang gusto kong mabasa talaga e, yung mga tulang tagalog kasi minsan na lang sya magpakita. ituloy mo yan at i share mo pa
November 4, 2008 at 5:39 PM
salamat bella flores... ahaha...
ate kengkay... gumagawa din ako ng english.. pero mas type ko tagalog... mas nailalabas ung feelings.. ahaha...
salamat sa pagbabasa... sana naintindihan nio... lol
November 5, 2008 at 1:50 AM
wow.. haba ng comment.. pero ok na din... mula kay sosyalera-slash-leyn... ;)
November 5, 2008 at 10:29 AM
cool.... galing..!!!!!
-Alex C.
-a.k.a. "bataNgsasG"
November 5, 2008 at 12:30 PM
salamat.... ;)
November 5, 2008 at 7:37 PM
huwaw!talentado ka din pala. hehe. teka tama bayung nakiat ko me warad ako. hehe.
November 5, 2008 at 7:51 PM
kung talentado ako.. ikaw naman ay tarantada? natataranta ka ba habang nag cocomment ka? nagkarambol-rambol na ung mga letra mo... lol...
pero salamat ulit sa inyo... ;)
November 6, 2008 at 9:00 AM
naks, galing mo pala magsulat ng tula ah...at pansin ko, sakto pa ang mga salita sa bwat dulo ng linya. astig! :)
November 6, 2008 at 9:45 AM
salamat edelweiza... dala lang yan ng pagkakataong may inspirasyon pa... ahaha...
November 7, 2008 at 2:00 PM
weee..sweet! at happy ending talaga..nice nice nice! :)
November 7, 2008 at 2:55 PM
ahaha... happy ending ung tula... ndi sa totoong buhay... hehehe
Post a Comment
Bago malasheng ng tuluyan... mag-iwan muna ng kumento...