Nov 9, 2008

Biniktima Ako, Ngayon Kayo Naman

10 na lasing

Mula kay Sweetlady, binigyan na naman niya ako ng isang gawain. Ganito ang nagpapasakit sa ulo ko. Ayoko mag-isip eh (wala kasi akong isip), pero masubukan nga. Baka sakaling kaya ng kapiranggot kong utak. Awts! May dapat palang sunding rules, isa-isahin nga natin.

Una. Kailangan daw i-sulat ng blager rules na ito gaya ng ginagawa ko ngayon. Pangalawa. Kailangan simulan ng kada blager sa pagsusulat ng sampung katotohanan/fact sa kanilang sarili. Pangatlo. Kapag nakatanggap ka nito mula sa blager na meron nito, kailangan mo din magsulat ng sampung katotohanan sa sarili mo. Pang-apat. Kailangan mong pumili ng anim na tao, ilista ang pangalan. At Panglima. Huwag kalimutang mag-iwan ng komento sa ginawang post.

10 Facts:

1. Hindi ako umiinom ng kape, pero kape ang tawag ko sa "KANYA"

2. Labing-limang oras akong gumamit ng kompyuter

3. Dalawang oras sa pagbabasa ng libro at isang oras sa paglalaro ng PSP
(Ang natitirang oras, para sa pagtulog at sa ibang gawain)

4. Isa kada buwan lang ako magload ng selepono ko, 30 pesos lang
(Pero balak ko ng baguhin yan)

5. Mahilig ako sa seafoods, huwag lang isda

6. Pink ang kulay ng magiging yuniporm ko! Hindi pa ako nakakapagsuot ng kulay fenk

7. Mas gusto ko pang kainin ang isda, kaysa magsuot ng uniporme, na kulay fenk

8. Mahilig akong magdrowing pero mahina ako sa kumbinasyon ng kulay

9. Relihiyoso ako, pero hindi ako pumapasok ng simbahan
(Napapaso ako)

10. Pinagsasabay ko ang pakikinig ng kanta habang nagbabasa ng libro
(Kaya wala akong maintindihan sa binabasa ko)

Ngayon naman. Pagkakataon ko nang pahirapan ang ilan sa kainuman ko dito. Humanda na kayo Ronturon, Buraot, Kosa, Mai, Ate Maya at kay Jaja. Pasensyahan na lang, pinasakit nito ang ulo ko eh, dapat kayo din.
...

Comments

10 comments to "Biniktima Ako, Ngayon Kayo Naman"

Unknown said...
November 9, 2008 at 9:22 PM

anak ng tinapang hindi mabili! hahahaha.. mukang sasakit nga ulo ko! ampf!

cge gawin ko yan parekoy! hehe...

paperdoll said...
November 9, 2008 at 9:46 PM

wahaha. . gusto co rin ng seafoods at ayoco din ng isda! apir!

mukhang tapos na ang sumpa sa akin. . sana wala acong matanggap na ganyan. . lol

Vhonne said...
November 9, 2008 at 10:41 PM

@ronturon:
kala ko knina.. madali lng yan... wahaha... sumakit ulo ko...

@manika:
ndi ko talaga isinama name mo jan... cgurado kc ako... may magbibigay sau nyan... ayoko sakin manggaling... sanggang-dikit tayo eh... apir...

paperdoll said...
November 9, 2008 at 10:45 PM

ang magpasa sakin nyan sasabog bahay ihi! taena marami acong plano sa buhay co. .lol

apir!

Vhonne said...
November 9, 2008 at 11:15 PM

yan nga ang naisip ko kaya ndi kita idinawit eh... ahahaha... bwahahaha... takot ako sau... weeeee

Mai said...
November 10, 2008 at 4:21 AM

nandamay ka pa ha.. hehe.. sige lets see.. kung ako'y sipagin, hehe...

Anonymous said...
November 10, 2008 at 7:58 AM

taena.. kaali ako... mamaya ko na patulan to.. bisibihan..lolz

salamat by the way

Vhonne said...
November 10, 2008 at 10:39 AM

@mai at kosa:

kelangan niong sipagin sa paggawa nyan.. kasi may masamang mangyayari daw kung hindi nio yan gagawin... ahahaha...

JAJA NOBLE said...
November 10, 2008 at 2:45 PM

hmmm..daming facts yan ah..hehehheeh..hug kta..sbay kindat!

Vhonne said...
November 10, 2008 at 2:53 PM

pasensya na jaja... isinama kita sa sasakit ang ulo.. ahaha

Post a Comment

Bago malasheng ng tuluyan... mag-iwan muna ng kumento...

 

Copyright 2008 All Rights Reserved Revolution Two Church theme by Brian Gardner Converted into Blogger Template by Bloganol dot com Customized by Vhonne DeVille