Nakareceived ako ng text galing sa mga kabarkada ko, nagyayayang mag-inuman, magkasiyahan. Mga kabarkada na nakilala nung hayskul kami. Bigla ko na-miss at naalala 'yung mga katuwaan, kwentuhan, asaran at kung anu-ano pa na ginagawa namin nung panahon na yun. At dun din ako natutong humawak ng baso na ang laman ay alak. At gaya nga ng sinasabi ng iba, pinakamasaya na ang hayskul layf!
Pero kung masaya ang pagiging hayskul, meron din namang hindi magandang nangyayari sa loob ng taon ng pagiging hayskul. May mga problema ding pinagdadaanan ang mga estudyante sa ganoong estado. Isa-isahin natin ang mga problemang 'yun. Hmm... sa katunayan, mayroong anim na pangunahing problema ang dinadanas na isang estudyante sa hayskul.
Umpisahan na natin.
Pang-anim (6) na problema, Allowance o 'yung tinatawag na baon - Aminin natin na hindi lahat sa atin eh maganda ang estado sa buhay. Marami sa atin ang dumaan sa hirap habang nag-aaral. At dahil sa kahirapang 'yun nagkakaproblema sa baon. Merong iba pa nga na halos ilang milya ang nilalakad dahil walang pamasahe makapasok lang sa iskul. 'Yung iba naman, nagbabaon na lang ng sandwich para nga naman hindi na kailangang gumastos.
Panglima (5) ay Assignments - Isa din ako sa nagkaproblema diyan. Hindi ko naman sinasabi na mahina ang kokote ko pagdating sa pag-aaral, ang kaso, hindi ko alam na meron palang takdang-aralin dahil tamad akong kumopya sa notebook ko lalo na kung dictation. Mabagal kaya ako magsulat tapos ang bilis namang magsalita ng teacher namin, tapos ingles pa! Pakshet! Kaya kinabukasan, hagilap ng kung kaninong notebook na makokopyahan. Ang problema, halos lahat walang assignments. Lagot kay Ma'am.
Pang-apat (4) sa listahan, Exams - Ayos, eksaminan na. Sakit sa ulo nito, wala na ngang maisagot mamadaliin ka pa ng teacher mo. Meron pang iba, sinisipa 'yung upuan mo mula sa likod at humihingi ng tulong. Buti 'yung iba nakapaghanda na, hindi naghanda dahil nag-aral kundi nakapaghanda na ng mga kodigo. Ayos lang kung Multiple Choice ang eksam, tangina, Fill in the blank na nga, wala pang pagpipilian.
Siyempre kung nagkaproblema sa Exams, diyan naman papasok ang pangatlong (3) problema, Grades - Hindi ka nakakagawa ng assignments, tapos bagsak pa sa eksam. Anong magiging resulta ng grado mo? Walang duda, Bagsak! Problema talaga 'yun tapos hindi mo alam kung paano mo ipapakita ang report card mo sa magulang mo. Nagagawan naman ng paraan kung minsan, kung mabait at maawain ang teacher mo. Paano na lang kung sobrang nakakatakot na titser na, nagmemenopos pa!
Iyon ang pangalawang (2) problema, Instructors/Teachers/Guro - Sila ang kaaway ng estudyante, student's enemy number one. Meron kasing titser na kahit anong gawin mo, naaasar sa'yo. Ewan ko nga ba, wala silang nakikitang maganda sa mga pinaggagawa mo, puro na lang masama. Meron pang ibabagsak ka na lang ng walang dahilan. Pagagalitan sa konting nagawang kasalanan. Hayz!
At heto na ang pangunahing (1) problema ng estudyante, PAPEL - Papel? Bakit papel? Kung mapapansin niyo, kapag oras ng quiz o surprise quiz. Magpapakuha ng wanhap o wamport na papel si titser. Dami estudyante ang kulbit sa kaliwan, kulbit sa kanan, sa likod at harap. Tapos maririnig mo 'yung mga katagang...
"Hoy! Pengeng papel!"
Kung mamalasin ka pa, lahat ng mahihingian mo wala din papel. Tapos may nakita kang may papel nga pero paglapit mo, ubos na! Hindi mo na alam ang gagawin mo, masisimula na ang quiz. Minsan nasubukan ko nang magsagot sa scratch paper. Iniisa-isa ko pa ang bawat libro ko nun at nagbabakasakaling may nakasipit na papel dun. Nakakatsamba naman, kahit may sulat ang harapan, basta malinis ang likod, papatusin na. May maipasa lang.
Marami pang problema ang nakukuha ng isang estudyante sa hayskul layf. Masyado lang marami para isa-isahin dito. Kayo na lang ang bahala mag-isip kung anu-ano ang mga 'yun.
The Seven Star Hotels of the World
3 years ago
Comments
4 comments to "Problema ng Hayskul Istudent"
October 3, 2008 at 1:00 AM
hay papel na yan - one fourth, one half lenghtwise o crosswise, one page, tapos bolpen din di ba? hiraman na walang solian, hehe. wala akong problema sa mga titser kasi sipsep ako e tapos parati akong may baong joks kapag exam kaya may plus points agad, hahaha.
October 3, 2008 at 1:35 AM
ahaha... ok yun ah.. may instant plus points...
ung sa bolpen problem na 'yan... nag-eeksam na.. tapos magtaTAE pa bolpen... damusak na sa papel at testpaper... wala ka pa mahiramang extra panulat... ahaha.. malas lang...
November 27, 2009 at 2:29 PM
mga walang kwenta ang mga pinagsasabi ninyo dahil mga rason lang yan ng mga tamad mag aral at walang pakinabang, inuuna pa ang mga luho, kasiyahan at mga trip. Kaya dapat lang kayong maparusahan mga non sensae ang mga pinagsasabi ninyo. Pasensya na sa mga salita preo yung ang totoo.
September 6, 2011 at 4:16 PM
tAmA ..!!
nUmbEr onE enEmy nq isAnq estUdyAntE ay anq tEachEr ..!!
ahaha ..
mqa pAepAL kC eEe ..!!
Post a Comment
Bago malasheng ng tuluyan... mag-iwan muna ng kumento...