'Yan ang naisip ko habang dumaan kami kanina sa isang kilalang paspud malapit sa pinapasukan ko para maghapunan. Pagka-order namin ng kakainin namin, napansin ko 'yung manager nila. Aba! Kilala ko 'yun ah. Kaklase ko nung greyd wan at nung hayskul ako.
Bigla na lang nag flashback sa'kin ang pangyayari nung nasa elementarya pa kami.
Siyanga pala, isa siyang babae. Katatapos lang ng reses namin, nasa loob na kami lahat ng silid-aralan. Habang nasa kalagitnaan ng klase, bigla na lang may vioce over na ewan kung saan nanggaling.
"Ang BAHO!"
Siyempre, ang Pinoy nga naman, may kakaibang sakit. Kapag may isang nag-react, kung ano naramdaman nung isa, nararamdaman din nung isa, kung ano 'yung naaamoy nung isa, naaamoy na din ng iba. Pero 'yung amoy na 'yun, talagang naamoy ng lahat.
Buti na lang andyan si Mam.
"Huwag kayong maingay. Tumahimik kayo.", saway ng butihin naming guro sabay ang pagdedma sa kung anong naaamoy.
Akala ko tuluyan na nang hindi pinansin ni Mam 'yung nangyayari sa paligid niya. Nang bigla na lang niyang sinabi sa aming lahat na...
"Class, tayo muna tayong lahat. Magdasal muna tayo."
Eh di nagtayuan nga kami para magdasal. Bigla na lang napako ang tingin naming lahat sa isang tao. Siya lang kasi ang kaisa-isang tao na ayaw tumayo. Nung napansin na niya na pinagtitinginan na siya ng lahat ng tao sa loob ng silid na 'yun, no choice siya. Eto na, tumayo na siya, nang biglang sumigaw 'yung katabi niyang lalaki.
"Ma'am! Si Angel, TUMAE!"
Bigla na lang akong tinapik ng kasama ko.
"'Tol, kain na tayo, crush mo yata 'yung manager eh. Kanina ka pa nakatingin dun ah."
At ito lang ang nasabi ko sa kasama ko.
"TAE KA!"
.
Comments
4 comments to "I Remember the Day"
October 2, 2008 at 5:34 AM
oi salamat sa pagdaan!
teka, mahilig ka din sa TAE???
i'm referring to the expression lang naman hehehe
October 2, 2008 at 1:51 PM
lahat kami dito sa lugar namin.. mahilig sa tae... in expression... lol...
kahit kumakain... bukang-bibig pa rin ang tae, tae at TAE!
salamat sa pagdalaw... maalamat na lethalverses... talentado ka bossing... hehehe
October 3, 2008 at 1:06 AM
bakit nga ba naging expression yang tae na yan, huh? anyway, lahat yata tayo ng ganyang kwento nung elementary.. ako din may klasmayt na nagiwan din ng baho nya sa eskwela, at ang masaklap pa nito, bagong estudyante sya na galing merika! ano kaya gagawin ko kapag nakita ko sya ulit? hehe
October 3, 2008 at 1:33 AM
ganun siguro talga sa iskul na pinanggalingan niya... hindi uso ang magpunta ng banyo... wala nang alisan sa pwesto... ahaha...
batiin mo naman siya kung sakali magkita kayo... habang nakatakip ang kamay mo sa ilong at bibig mo... ahaha.. joke lng.. bad ko naman... hehehe
Post a Comment
Bago malasheng ng tuluyan... mag-iwan muna ng kumento...