Aug 18, 2008

Masamang Biro

0 na lasing
Paano ba ang masamang biro? Hmm... sa tingin ko kung tungkol sa buhay ng isang tao ang gagawin biro, eh talagang hindi maganda.

Tulad ng ganitong biro:

Anak: Nay! Nay! Si kuya... nagbigti sa banyo...

Ina: Huh? Ano'ng nangyari?

(sabay takbo ng mabilis patungong banyo...)

Ina: Lintik kang bata ka! Wala naman eh! 'Wag kang magbibiro n ganyan, hindi magandan biro 'yan!

Anak: Hehehe... Joke lang po... Hindi po siya nagbigti sa banyo... Sa k'warto po...

(Hinimatay ang Ina...)
......

Basahin ang kabuuan nito...

Aug 15, 2008

Eman by Parokya ni Edgar

0 na lasing

Eman - Parokya ni Edgar


Eman, Ewan
lasing nanaman ang puso't isipan
..
kapag may problema nandyan
lang si eman
maasahan lalo na pag may
inuman, kapag kay bigat na
ng suliranin mo sa buhay
sagot niya'y sa bote ng alak
na lamang idaan
..
Eman, Ewan
lasing nanaman, ang puso't isipan
..
sa araw-araw parating may toma
sa lungkot at ligaya hirap man o sa ginhawa
sa gitna ng gulo at ng pagkabigo ay karamay
sa pagistambay at sa pag lasap ng tagumpay
..
Eman, Ewan
lasing nanaman, ang puso't isipan
..
Ngunit ngayon!
siya naman ang may problema
sa kakainom ang atay nya
ay may tama na! (oh no)
ang aking payo
dito sa kaibigan ko
iwanan ang alak kumain
nalang tayo..
..
Eman, Ewan
nagising na ang
kanyang diwa't isipan
Eman, Ewan
sa inuman nandyan
namumulutan na lamang
......

Basahin ang kabuuan nito...

Aug 11, 2008

Mang-iinggit Lang Po!

0 na lasing
Post ko lang 'yung PSP na nabili ko... lolz!

Ang Harap

at Ang Likod
......

Basahin ang kabuuan nito...

Aug 10, 2008

Inuman Words

1 na lasing
Pamilyar ka ba sa mga salitang:

"Tara, shot na 'yan!"

"Oy, patak mo?!"

"'Yung sukli, yosi ha!"

"Hoy tanga! Shot mo na yan!"


"Ako na naman?"

"Sabihin mo kung ayaw mo na! Uwi ka na"

"Ngayon na nga lang nagkasama-sama eh!"

"Tara, bili pa tayo!"

Sabay kanya-kanyang trip, tirahan, barahan, gaguhan, pikunan at yabangan. Masama man para sa iba, masayang alaala naman...

"Para sa tunay na barkada at habang buhay na tropa!!"
......

Basahin ang kabuuan nito...

Hindi Ako Marunong!

0 na lasing
Lahat ba ng problema mo ikaw mismo ang gumagawa ng solusyon? O humihingi ka pa ng tulong sa iba? Hmm... depende siguro noh?

Pero talagang may mga tao na ayaw magpatulong. At dahil sa ugali n'yang 'yun, medyo naiinis siya sa mga taong hingi ng hingi ng tulong sa iba.

Tulad na lang ng pangyayaring ito, basahin nio na lang:

===============================

(Sa swimming pool...)

Boy 1: Tulooong! Tuloong! Hindi ako marunong lumangoy! Tulong!

Boy 2: Eh ano naman ngayon? Eh ako nga hindi marunong piano... Sinisigaw ko ba? Masyado kayong umaasa sa iba. ......

Basahin ang kabuuan nito...

Dan Torres

0 na lasing
Isa ka bang TNT sa ibang bansa? (TNT = Tago Ng Tago, Takbo Ng Takbo). Ingat lang, baka magaya kayo dito kay Dan Torres na taga Bicol, isang TNT sa USA.

Basahin ang isang araw na pangyayari kay Dan Torres sa mapang-aping lupain ng Amerika.

(sa grocery store...)

Grocery Cashier: Visa or Master?

Dan: (kinabahan) Hanap Visa ko!

(nagmamadali sakay ng car, but he needs gas...)

Gas boy: Pay first!

Dan: (nerbiyos) Patay, PAPERS ko daw!

(Tumakbo siya sa phone booh to call home...)

Phone Operator: AT&T, can I help you?

Dan: (namutla) Alam na TNT ako!

(Labas siya ng booth...)

American: Are you done?

Dan: (pawisan) Name ko, alam nila?

American: Tourist?

Dan: Apelyido rin?

American: Be cool!

Dan: Pati probinsya ko?

Hinimatay si Dan...
......

Basahin ang kabuuan nito...

Aug 9, 2008

Game Show

0 na lasing
Kung isa kang host ng isang Game Show, at ganito ang mga sagot ng contestants mo, ano ang magiging reaksyion mo?

Basahin n'yo na lang ang mga sumusunod na "Tanong-Sagot Portion":

======================================

Host: Ano sa Ingles ang “hinlalaki”?
Contestant: Thumbmark

Host: Ano ang ginagamitng mga swimmers para bumilis ang kanilang paglanggoy?
Contestant: Fast Shoes

Host: Kung si Superman ay may Lois Lane, ano naman ang kay Robinhood?

Contestant: Pana.

Host: Anong “S” ang inuupuan pag nakasakay sa kabayo?
Contestant: Silya

Host: Ano ang karaniwang hugis ng manibela?
Contestant: Triangular

Host: Hindi ito boob, hindi ito tube, pero tinatawag ng iba na boob tube. Ano ito?
Contestant: Bra

Host: Kelan ang Pasko sa Davao?
Contestant: PASS…

Host: Anong tawag sa isdang hindi bilasa?
Contestant: tuyo

Host: Ilan ang legs ng cartoon character na si Spiderman?
Contestant: Eight

Host: Ano ang nationality ng sanggol na may amang Filipino Catholic at Protestanteng Ina?
Contestant: American

Host: Merong four seasons: winter, spring, summer, at fall. kelan nahuhulog ang mga dahon?
Contestant: sa storm

Host: Anong bukol ang makikita sa leeg ng mga lalaki?
Contestant: Kiss mark

Host: ano ang kulay ng orange juice kapag nilagay sa blue na baso?
Contestant: …Violet

Host: anong malambot na bahagi sa ulo ng sanggol?
Contestant: batok

Host: magbigay ng bagay na ipini-pin sadamit?
Contestant: Hairpin

Host: Ano ang nagpapaalat sa itlog na maalat?
Contestant: Puti

Host: ano ang tawag sa mga needle-like projections na nakasabit sa ceiling ng mga caves?
Contestant: Ice pick

Host: ano ang tawag sa plastic bag na lalagyan ng basura?
Contestant: plastic bag na nilalagyan ng basura.

Host: anong C ang paboritong kainin ng mga rabbit?
Contestant: Cacamber

Host: ang urine ay liquid: TRUE OR FALSE
Contestant: False

Host: anong ang system n g MAth na gumagamit ng symbols instead of numbers?
Contestant: ummm…China?

Host: anong ginawa ni MOses sa Red Sea?
Contestant: Stop

Host: what is the capital of the Philippines?
Contestant: P

Host: anong klaseng sapatos ang ginagamit ng mga basketbolista?
Contestant: adidas

Host: sino ang pumatay kay David?
Contestant: Goliath

host: ano ang tawag sa taong walang suot sa paa?
Contestant: Slipperless

Host: kung ang bulag ay blind ano naman ang english ng pipi?
Contestant: **Walang salita**

Host: anong sea creature ang kalahating kabayo at kalahating isda?
Contestant: syokoy

Host: ano ang nasa gitna ng donut?
Contestant: palaman

Host: ang salad dressing ba ay damit
Contestant: (sandaling nagisip) YES!

Host: Anong klaseng sasakyan ang inaayos sa hangar?
Contestant: sirang sasakyan

Host: ano ang nilalagay sa sewing machine?
Contestant: lagari?

Host: ilan taon meron sa leap year?
Contestant: 365

Host: anong hayop ang di-nakakakita sa sa araw ngunit nakakakita sa dilim?
Contestant: flashlight

Host: Ano ang tawag sa laro kung saan ang dalawang team ang naghihilahan sa isang lubid?
Contestant: tumbang-preso

Host: kung manicure sa kamay, ano ang sa paa?
Contestant: kuko

Host: ano ang isunusuot ng mg boksingero sa ulo nila bilang proteksyon?
Contestant: Sumbrero

Host: ano ang tawag sa laman sa loob ng buto: marrow or muscle?
Contestant: karne

Host: para saa ang anti-dandruff shampoo?
Contestant: kuto

Host: anong englis ng ampalaya?
Contestant: asparagus

Host: ilang metro mayroon sa 300 meters?
Contestant: 300

Host: anong sasakyan ang gamit sa “tour de france”?
Contestant: Kalesa

Host: ano ang kasunod ng kidlat?
Contestant: sunog

Host: saan matatagpuan ang Quebec?
Contestant: afghanistan

Host: tinuturo ang G-clef sa anong “M” na subject?
Contestant: Mathematics

Host: ano ang halaman na tumitiklop kapag ito’y nahawakan?
Contestant: Hiya-hiya

Host: ano ang itlog na ayon sa iba, nakakapagpatigas ng tuhod?
Contestant: TAMA!

Host: ano ang isinusuot ng taong walang buhok?
Contestant: Kalbo

Host: anong zip ang ginagamit sa pagbukas ng pantalon?
Contestant: pagbukas ng bag

Host: anong “D” ang first word sa stanza ng JIngle bells?
Contestant: dyingel?

Host: anong “H” ang tawag sa taong nagiisa?
Contestant: home alone

Host: Sa anong bansa nakatira ang mga Hindu?
Contestant: hindunesia

Host: kungang ubo ay sa bibig, ano naman ang sa ilong?
Contestant: Vicks

Host: ano ang kulay ng strawberry?
Contestant: ube

Host: anong klaseng animal ang Afghan Hound?
Contestant: Afghanistan

Host: sinong American president ang nagkapolyo noong 1920’s
Contestant: Apolinario Mabini..
......

Basahin ang kabuuan nito...

Disclaimer


Hindi lahat ng mga nasusulat at larawan sa blag (blog) na ito ay sinasabi kong nanggaling sa akin. Hindi ko inaangkin na sa akin nagmula ang ibang kwento, jokes at kung anu-ano pa na mababasa n'yo mula dito. Karamihan sa mga nilalaman nito ay galing sa mga kwento, mensahe sa text ng kaibigan, kapamilya, kapuso at kabarkada. Sa internet tulad ng forums, blogs at kung anu-ano pang websayt na pangkomunidad.

Ang bawat nilalaman ng blog na ito ay para magkatuwaan lamang. Ang mga impormasyon, kwento, jokes at mga larawan sa ilalim ng Batanggero ay hindi namin inaangkin at ginamit lamang upan magbigay-saya para sa mga taong naghahanap ng ligaya. Hindi namin inaalisan ng karapatan ang mga taong nasa likod ng mga nailathala dito bagkus ay humihingi ng pahintulot upang maghatid ng saya para sa ating mga kababayan at kaibigan.

Hindi lahat ng nasusulat dito ay pawang totoo at walang kadalasang partikular na tao at pangyayari ang naganap na maaaring maihalintulad sa mga bawat pangyayari sa totoong buhay. Hindi po namin pananagutan ang mga bagay na maaring katulad ng buhay n'yo sa mga kwento sa loob nito.

Maaari n'yong ipagbigay-alam dito kung napansin n'yong sa inyo nanggaling ang ibang nilalaman ng blog na ito upang bigyan ng kredito. Maaari din naming alisin ang nasabing nilalaman kung hindi n'yo nagustuhan ang pagkakalagay nito dito.
......

Basahin ang kabuuan nito...

Aug 3, 2008

Kambal Kasi

0 na lasing
May kapatid na kambal... Sina John at Jun... Sa kasawiang palad namatay ang asawa ni John kasabay naman nito ay ang pagkawala ng bangka ni Jun...

Isang araw bumisita si Jun sa lugar ng kanyang kapatid ng meron siyang nasalubong na ale... Napagkamalan siyang siya si John, sabi ng ale:

ALE: John nakikiramay ako...

Akala ni Jun na ang tinutukoy ng ale ay ang kanyang bangka...

Kaya...

JUN: Maraming salamat po.

ALE: Ano ba ang dahilan ng pagkawala nya?

JUN: Araw-araw ko kasi siyang ginagamit kaya kinakalawang na ang bandang ibaba nya...

ALE: Ngak!!

JUN: Minsan din marami kaming gumagamit sa kanya.

ALE: Naku po!!!

JUN: Minsan din tatlo kaming sabay na gumagamit.

ALE: Waaaa!!!

JUN: Cguro ang dahilan talaga ng pagkawala nya ay noong pinahiram ko sa kumpare ko at pagkatapos nyang gamitin ay doon naman sa kanyang mga tauhan.

ALE: Urggg!! (hinimatay)
......

Basahin ang kabuuan nito...

Resbak ng Babae

0 na lasing
Girl's Side

Kaming mga babae na naman ang nakita. Lalake, agrabyado. Lalake, kinakawawa. Lalake, hindi maintindihan. Hmmp, parang masyado yatang nagisa ang mga kabaro ko.

Tungkol sa pagiging patas sa ngalan ng pag-ibig, kami naman ang laging talo a, hindi kayo. Kami ang laging lugi, kami ang laging nawawalan at iniiwan.

Kapag ngumiti ka na ng konti, nag-ayos ng konti pagkakamalan ka nang malandi. Hindi pangseryosohang relasyon. Marinig lang nila na malakas kang magsalita, palengkera ka na. T.O. kagad sa kanila iyon. Mahilig silang tumingin sa mga babaeng sexy manamit, kulang nalang makita na kaluluwa. Pero kapag babaeng seryosohin at gustong ligawan dapat disente, dapat mala-anghel ang mukha, dapat mukhang inosente. Tapos kami pa raw ang mahilig mamili? Parang baliktad yata?

Ok, ayan nanliligaw na si lalake. Dapat pakipot ka para suyuin ka, para habulin ka pa lalo. Kapag hindi ka naman nagpakipot "easy to get" naman ang tingin sa iyo. Hindi ka na seseryosohin. Sino bang may sabing magpaalila kayo, di naman namin hawak ang buhay niyo. Natural lang na magtiis kayo, may gusto kayo sa amin eh. Kapag nakuha niyo na iyon wala na lahat ng mga paghihirap niyo, babaliktad na ang sitwasyon kami naman ang mamromroblema. Para lang kayong may gustong bilhin na bagay. Upang mabili ito kailangan munang magsakripisyo, magtipid, magtiis. Pag nabili na at napagsawaan, wala na, balewala na. Diyan ka na sa tabi-tabi. Tawagan nalang kita pag trip ko o kaya'y pag may gusto akong ipagawa sa iyo.

Ano pa ba? E di sinagot mo na diba. Utang na loob pa natin yun. Dahil naghirap daw sila sa panliligaw dapat masuklian natin iyon ng higit pa. Sa umpisa kailangan malambing ka, maayos at laging magsisilbi sa kanya. Ayaw daw nilang humawak ng relasyon, pero kapag ikaw naman ang nagmando, aba, masasakal naman. Sasabihin pa sa iyo "demanding" ka. Meron ka pang maririnig na "I think we need space" at kung anu-ano pang ek-ek. Sino rin may sabing di dapat kami magpakabait, maging devoted at faithful? Kapag kami ang sumaway niyang mga iyan, iba na ang tingin sa amin. Malandi na kami, haliparot, pakawala, makikay at kung anu-ano pang mga bansag ang itatawag sa amin. Kapag kayo gumawa noon, ok lang. Lalake kayo eh, macho kayo pag ginawa niyo iyon. Kaya kami. Walang magawa. Magpapakaburo at magpapakamadre na lang. Kapag nagloko na kayo ano pa bang magagawa namin? Eh di iiyak na lang. Wala namang ibang magagawa eh.

Tungkol naman sa tinatawag niyong pagdedemand namin. Hindi kami nagdedemand! Karapatan lang namin iyon. Karapatan namin na lambingin niyo kami, icheck at ipakita sa amin na mahal niyo kami.

Hindi rin ibig sabihin na mas sincere kayo sa amin. Seryoso rin naman kami ah. At ang maturity wala yan sa edad. Mas maaga nga kaming magmature sa inyo. Ang isang 19 year old na lalake eh, isip 15 pa yun. It follows iyan sa lahat ng age group. Mas mataas pa nga kung minsan ang pagbawas ng level of maturity. Kayo na ang mag-math. Pati yung pag-iyak namin pinupuntirya niyo. Kesyo drama daw. Diba kapag umiyak ka nagbuhos ka ng emosyon diyan. Ano tingin niyo sa amin mga artista?!


Alam niyo iyon? Yun bang kulang nalang ay lumuha ka na ng dugo, pero hindi ka pa rin papansinin. Sasabihan ka pang tigilan na ang pagdadrama. Hindi nila kami maintindihan kapag nagseselos kami.Bakit naman kami magseselos kung wala kaming nakikita? Mas iba kaming magmahal. Mas masarap.

Kapag natapos na ang lambingan, eh di siyempre iwanan blues na. Kami pa raw ang nagsawa, kami pa raw ang nagtritrip lang. Sino ba ang lumalayas kapag may nakita nang bago, sino ba ang mayabang, sino ba ang nagmamalaki? Kami ba? Kami ang walang choice. Kasi ang babae pag sinabing "break na tayo" lambingin lang iyan ng konti balikan blues na iyan. Kapag ang lalake ang umayaw, pucha, bahala ka diyan. Kahit mag-tambling ka pa sa harap niya. Wa-epek. Umiyak ka ng bato. Wa-epek. Tsk, tsk, tsk. Tapos sila pa raw ang kawawa.

Post-break up, mahal pa ng babae si lalaki. Sasamantalahin ni lalaki. Magpapagawa ng kung anu-ano. Naaalala ka lang kapag may kailangan sa iyo. Kapag pumangit ka after the break up, magpapasalamat sila na iniwan ka nila. Kapag gumanda ka naman, ipagkakalat nila sa buong sangkatauhan na naging girlfriend ka niya. Sala sa init sala sa lamig talaga.

Ano ba namang buhay to? Ang hirap ding maging babae ano. Kala nila laging sila nalang. Lagi rin kaming naiiwan sa ere. In-love din kami.


Basahin ang Usapan ng Lalaki dito. ......

Basahin ang kabuuan nito...

Usapang Lalake

1 na lasing
Boy's Side

*gabe. usapang lalake*

*sindi ng yosi*

*hithit*

*buga*

Musta na, pare? Ako, okay lang. Eto. Nagmumuni-muni. Nag-iisip. Minsan talaga may mga bagay na hindi ko maintindihan. Ewan ko ba.

*hinga ng malalim*

Bakit ba ganun pare, ilang beses ko na pinag-aralan pero lagi na lang lumalabas na parang kahit 'sang anggulo mo tingnan, hindi nagiging patas para sa mga lalake ang ilang bagay pagdating sa pagmamahal.

*tingin sa stars*

Minsan naiisip ko, alam kaya ng mga babae ang hirap ng lalake na gumawa ng first move para magtapat ng pagmamahal? E yung hirap na dinadaanan sa panliligaw at pagsuyo sa mahal nya? Ang feeling ng masaktan pag nabasted? Malamang-lamang siguro, hindi ano. Wala naman yata silang alam sa mga paghihirap naten e. Ang alam lang ata nila e mamili, manakit, at magsaya. Tingin mo?

*tingin sa malayo*

Lagi naman ganun. Una pa lang, lalake na ang naghihirap. Hassle saten ang panliligaw pero bago pa yun, kung ano pang diskarte ang gagawin naten para masabi naten sa kanila na mahal natin sila. Alam kaya nila yun? Mahirap magsabi na mahal mo na yung babae, diba? Tapos liligawan pa naten. Patutunayan na mahal nga sila. Susuyuin to-the-max. Maghahatid sa bahay, tutulungan, sasabayan, palalamunin, pagtyatyagaan, lahat na. Kulang na lang e pagsilbihan mo nang walang sahod. At ano ang kapalit? Well, depende sa trip nila.

Oo tol, sa trip lang nila. Wala silang pake kesehodang mahal natin talaga sila. Basta ang alam nila, pag di nila tayo trip, isang malaking HINDE ang makukuha naten, kahit umiyak pa tayo ng dugo o lumuhod sa mga asing buu-buo. Para lang silang namimili ng damit na di man lang sinusukat bago ayawan. Kaya kahit mahal na mahal na mahal na mahal natin, sorry tayo. Hindi nila alam kung mahal mo sila. Kailangan mong maabot ang kanilang mga standards o uuwi ka lang na bad trip, iiling-iling, at minsan, luhaan.

Wala tayong magagawa, marami silang alibi. "Hindi pa 'ko ready eh..", "Sorry pero I think we should just be friends..", "Ha? Uhhmm.. nagpapatawa ka ba? Hahahaha.." "Better luck next time na lang muna, okay lang?", "Give me a decade. Pag-iisipan ko muna..", "Para lang kitang kapatid e..", yaddah yaddah. Isang malaking pagsasaklob ng langit at lupa 'yon para saten.

*kuha ng bote ng beer*

*lagok*

*lunok*

At hindi lang 'yon tol. Sa pre-relationship stage pa lang yon. Pag sinagot na nila tayo, satin pa rin ang hassle. Tayo daw ang mga lalake kaya tayo ang hahawak ng relasyon. Tayo ang aayos kung may gulo; tayo ang dapat magpapakabait; tayo ang magtatyaga; tayo ang magiging devoted at faithful; tayo, tayo tayo.

Sila? Ummm? Teka, isipin ko. Ayun. Sila ang magsasabi kung anong oras kayo dapat magmeet; sila ang magtetext ng mga mushy at kabalbalang texts; sila ang magdedemand sayo ng kung anu-ano; sila ang magbabawal; sila ang magsasabi kung kelan ka dapat mag-shave, kung kelan ka pwedeng tumawag sa bahay nila, kung kelan sila di dapat bad tripin dahil meron sila, at kung kelan ka korni. Ewan. Ganun ata talaga.

*kuha ng bote ngbeer*

*lagok*

*lunok*

Hindi pa yun tapos pare, dahil dapat tayo ang bahala kung ano ang magiging takbo ng relasyon. Pag maganda, edi okay. Pag may problema, kasalanan naten. Haay buhay. Minsan talaga kung tutuusin sakit sila ng ulo. Kaya lang mahal naten kaya di na natin iniintindi yun.

*hinga ng malalim*

Pero alam mo tol, feeling ko mas sincere pa tayo magmahal sa kanila. Alam mo yun, iba tayo magmahal e. Hindi lang parang laru-laro lang. Seryoso. At kung magmahal man tayo, lubus-lubusan. Mas mature. Hindi yung parang pambata lang gaya nila na kesyo magseselos-selos, iiyak-iyak, iina-inarte, dadradrama, at kung anu-ano pa. Hindi lang kababawan. Ka-mushyhan. Kababaihan. Iba tayo pag nagmahal.

*hinga ng malalim*

*tingin sa malayo ulit*

At ito pa ang pinakamasaklap.

*singhot*

Ang ending ng relasyon. Sa mga panahong 'to, either sawa na sila, hindi na tayo trip, may nahanap na silang better saten, o kaya they need f*cking space and time muna. Bad trip no? Wala na naman tayong choice. Sila ang masusunod.

At ano pa ang kasamang hassle don? Syempre wasak na ang imahe naten. Tayo ang lalabas na may kasalanan. Na playboy. Na nagpapaiyak.

*iiling*

Tayo siyempre ang mga antagonist at sila yung mga bidang inaapi at parang mga pusang iiyak-iyak. Ang ending: mag-ooffer sila ng "friendship" kuno matapos tayong pagsawaan, lahat ng gifts naten nasa kanila, sawi tayo sa pag-ibig, "player" na ang image naten, at higit sa lahat, mag-iisip kung papaano ipagpapatuloy ang buhay. Maiiwan tayong tulala, m ag-iisip kung saan nagkamali, mamomroblema sa pag-aadjust sa pagiging single, at di na naman makakatulog.

Haay buhay. Ang hirap maging lalake. Lagi ka na lang naiiwan sa ere. Ano? Hindi ka na nagsalita? In-love ka no?

Ako, kamusta? Eto. Yoyosi-yosi. Bubuntong-buntong hininga. Titingin-tingin sa bituin. Mumuni-muni. Lalagok-lagok ng alak.

Ang mga babae talaga, oo.


Basahin ang Resbak ng Babae dito. ......

Basahin ang kabuuan nito...

Cheese Burger!

0 na lasing
Paano ka ba malasing? Makulit ka ba? Kung oo, paano ka mangulit at sino ang madalas mong kinukulit?

May mga kaibigan kasi akong makulit lalo na kapag lasing. Madami silang hirit na mababasa niyo dito sa susunod na pag post ko. At isa sa mga iyon ay mababasa niyo ngayon:

Eksena:
Si Rainel, umuorder ng CheeseBurger sa isang Burger stand:

Rainel: Isa ngang Cheese Burger, 'yung walang cheese ha!

Crew: Sir, lahat po ng Cheese Burger ay may cheese.

Rainel: Gusto ko Cheese Burger na walang cheese!

Crew: Kung gusto niyo po, Burger na lang po orderin nio, para walang cheese.

Rainel: Eh ang gusto ko nga eh Cheese Burger basta walang cheese.

Crew: Hindi naman po pwede na walang cheese ang Cheese Burger Sir.

Rainel: OK! Ok. 'Yung Burger na lang.... Lagyan mo ng cheese.

Crew: !@#$%^&*()

====================

Ganyan ka ba kakulit?
......

Basahin ang kabuuan nito...

Aug 1, 2008

Amats by Parokya ni Edgar

0 na lasing

Amats - Parokya ni edgar



nung naginuman tayo
masaya ka masaya din ako
nung barkada ko at nang barkada mo
lagi na lang tayong tinutukso

(verse)
ilang bote lang ang lumipas
ang hirap mo nang makausap
mapungay na ang iyong mga mata
ang paligid ay maingay na

(pre-chorus)
tatlong beses mong ikinuwento
nung madapa ka jan sa may kanto
limang ulit kang nalito
kung ano ang pangalan ko

(chorus part 1)
pero biglang nawala ang amats ko
nung madulas ang dila mo
hindi makapaniwala ang teynga ko
nung biglang sabihin mo

(chorus part 2)
masarap ka palang kausap
buong maghapon o magdamag
alam mo ba ang sikreto ko
matagal na kitang gusto

(verse)
pagkatapos ng isang linggo
binantayan ko mga kilos mo
tinanong ko ang mga kabarkada mo
wala akong nakuha kahit ano

(pre-chorus)
tatlong beses kong pinagisipan
baka nagpapakipot ka lang
limang ulit kong sinabi sa sarili
ganyan talaga ang babae

(chorus part 1)
kayat biglang nawala ang duda ko
nadulas lang ang dila mo
hindi makapaniwala ang teynga ko
noong sinabi mo

(chorus part 2)
masarap ka palang kausap
buong maghapon o magdamag
alam mo ba ang sikreto ko
matagal na kitang gusto

(verse)
di ko na mapigilan
kailangan kong malaman
tinulungan kitang aminin
ang matagal mo nang inililihim

(pre-chorus)
tatlong beses mo akong minura
sa harap ng iyong barkada
limang beses na nabasag ang puso ko
nung sabihin mong ang kapal mo

(chorus part 1)
kaya biglang nawala ang amats ko
nakagat ko ang dila ko
hindi makapaniwala ang teynga ko
sa mga sinabi mo

(pre-chorus)
ang labo mo palang kausap
kapag may beer ka lang matapat
kahit maubos ang pera ko
maginuman na lang tayo

(chorus part 1)
sana magubos na ang pulutan
at tapos na ang mga kwentuhan
pag simot na ang laman ng bote ko
sanay mahal mo ulit ako
......

Basahin ang kabuuan nito...

Ang Lasing!

0 na lasing
Masarap uminom di ba? Lalo na kung nagkakasiyahan. At kung may problema naman, pwede idaan sa inuman para medyo mabawasan ang dinadala. Pero habang tumatagal ang inuman, napapansin mo na medyo umiikot na ang paligid mo. Hindi mo na alam kung sino ang kausap mo at hindi mo na alam kung ano ang pinag-uusapan niyo.

Pero ok lang 'yun kung sigurado ka naman sa sarili mo na hindi ka gumagawa ng kalokohan kapag lasing ka. Kung sa palagay mo na tulog ka lang kapag tuluyan ka ng nawala sa sarili mo, hindi ka mangangamba na makaperhuwisyo ng iba.

Pero kung sa kabila nito, ang mga kasama mo, na hindi naman mga lasing, ay sila pa ang gagawa ng kalokohan sa'yo. Tulad na lang ng isang kaibigan naming ito na itago na lang natin sa pangalang Alvin Tigas.

Pagmasdan ang larawan sa ibaba:

Before (mapera pa yan)

After (barya na lang natira)

GINTONG-ARAL: Huwag magtiwala sa kainuman, lalo na kung kaibigan (parang mali?).
......

Basahin ang kabuuan nito...

 

Copyright 2008 All Rights Reserved Revolution Two Church theme by Brian Gardner Converted into Blogger Template by Bloganol dot com Customized by Vhonne DeVille