Nov 14, 2013

Top 10 Famous Pin-Ups of all Time!

0 na lasing
Top 10 Famous Pin-Ups of All Time
Post this on your site (Embed Code):
......

Basahin ang kabuuan nito...

Oct 3, 2013

Takbo! Bilis!

0 na lasing
 Di ka ba napapagod? 
Kanina ka pa kasi tumatakbo sa isipan ko. BOOM!

Hello sa lahat ng tambay sa mundo. Miss ko kayo. De joke lang. 

Mga bata, may lakad ba kayo sa Oct 13? Kung wala kang gagawin sa araw na yan, tara takbo tayo. Hindi sa luneta ha? Sa CEBU!!! Maya na muna ang date nyo ni hubby at ang girls shopping day, makisali muna tayo sa selebrasyon ng anibersaryo ng Gaisano Mall. Sige na.

Alam ko marami-rami din naman akong tagapagsubaybay na galing sa syudad ng Sugbu, kaya iniimbitahan ko kayo lahat. Kitakits tayo kasi tatakbo din ako.Marahil sa 5k lang ako kasi kulang na sa hangin, pero sure na pupunta ako.

Heto mga detalye:



Alalahin na kailangan mo kunin ang singlet mo bago mag Oct12.

Kitakits tapos inum pagkatapos,

......

Basahin ang kabuuan nito...

Sep 20, 2013

Instagram?

0 na lasing
Girl1:Tara bili tayo ng pagkain.

Girl2:Kakatapos lang nating kumain eh.

Girl1:Shunga, pipicturan ko lang at i-popost sa instagram!

Ay?  ......

Basahin ang kabuuan nito...

Sep 4, 2010

Kapatid na Birtuwal ang Bida

7 na lasing
Hindi ako nandito para magtanggal ng agiw sa blag na ito. Nandito ako para sa isang taong mahalaga sa akin. Nagbitaw ako sa kanya na salita na bubuksan ko ulit ang blag na ito para sa kanya. Pero hindi ko ito gagawin dahil lang sa salitang 'yun, dahil gusto ko din itong gawin para sa kanya. Para sa espesyal na araw na darating sa kanya. Para sa kapatid kong kakaiba. Sa kapatid kong hindi ko kadugo. Pero itinuturing na kapuso at kapamilya. Walang iba kundi siya. Ang magmamana ng blag entri na ito.

Nakilala ko siya noon dahil sa skullcandy. Trip ko 'yun pero hindi niya binigay sa'kin. (Joke lang) Nagsimula kaming mag-usap. Nasasabi ko sa kanya 'yung mga hindi ko masabi sa iba. Sinasabi ko sa kanya kung kailan ako masaya. Sinasabi ko kung kailan ako malungkot. Pero kahit hindi ko sabihin, minsan alam na niya. Nagmana siya kay Madam Auring.

Nakilala niya ako habang isa akong astronot. Nasubaybayan niya ako sa pagiging astronomer. At dahil sa kanya, nakabalik ako sa pagiging astronot. Dahil siya ang nagturo sa akin ng tamang bituin na magpapaningning ng aking naging madilim na pagtingin. Bituin na ngayon ay nasa akin. At dahil makasarili ako, akin lang 'yun. Kahit papaano naman, kahit hindi siya magkwento sa akin, may konting nalalaman din naman ako sa kanya bilang astronot at astronomer. Ang alam ko lang, pareho kaming may bituin. Nagmana kami kay Neil Armstrong.

Ang madalas naming pagkwentuhan ay ang ugali ng mga taong pinanganak sa ilalim ng sodyak na Libra. Marami kaming pinagkakasunduan. Maraming pinagkakaindintihan. Maraming bagay na kami lang ang nagkakaunawaan at sinasang-ayunan. Mga ugaling pagkakapareho kaya taas-noong ipinagmamalaki ang pagiging Libra. Nagmana siya kay Madam Rocha.

Mahilig siya sa potogtrapiya. Siya ang isa sa patunay na wala sa klase ng kamera ang ganda ng kinukuha. Madami siyang sabdyek na mapapahanga ka. Pangpropesyunal na kalidad. Mahilig siyang sumali sa mga paligsahan ng mga kuhang larawan. Pinipilit niya kaming iboto siya. Napipilitan naman kaming bumoto. 'Yun ang akala niya. Tagahanga niya kami kaya tagasuporta na din. Nagmana siya kay Philip Hyde. Hindi niyo 'yun kilala.

Minsan ko na din siyang nakasagupa. Nakipagtalo. Nakipagtalastasan at nakipagbalagtasan. Nakipagdebate sa kung ano at alin. Kahit gustong sang-ayunan ang parehong nalalaman, pilit pa ring lumalaban. At dahil doon, nalaman kong dalubhasa siya sa pagiging makata. Hindi lang halata. Pwedeng panglaban sa Fliptop (di-balahuraan bersyon). Nagmana siya kay... hindi kay Francisco "Balagtas" Baltazar. Kay Loonie at Dello.

Alam kong marami na ang may alam nito pero isama ko na din siyempre. Kung makikita mo o mababasa mga sinasabi nya sa pablik, katulad na lang ng sa plok, magugulantang ka. Maharot. Hindi makakausap ng matino. Magulo ang mundo. Magulo ang utak. Tawa ng tawa. Magaling mambalahura ng kasama. Minsan kahit hindi kilala. Pero subukan mong kausapin ng seryoso. Ng pribado. Tiyak makikinig siya. Magsasalita ng hindi mo inaasahan. Bawat linya ay may nilalaman. May kabuluhan. At may matututunan. Tumatatak sa isipan. Makikilala mo ang pinakaseryosong siya. Ate ko yan. Sarili niya yan. Bihira ang ganyan. Walang pinagmanahan.

Nag-iisa ka. Hindi pwedeng may katulad ka. Maraming pwedeng pirata pero hindi ka makokopya. Kahit bigyan kami ng isangdaang potokapi mo, mas kuntento na kami sa pagiging isa mo.
Hindi ko din kayang isipin kung madami ka talaga. Masakit sa ulo, magugunaw ang mundo.

Marami pa akong gustong sabihin pero hindi na kailangan. Dahil siguradong marami na ang nakakaalam. At kailangang dahan-dahan at marahan sa bawat sabihin dahil alam ko na ang isasagot mo sa'kin. Ang walang kamatayang....

"TSEEEEE!!!! BUSEEEEETTT!!!!"


Maligayang Kaarawan! Ate Arny!
......

Basahin ang kabuuan nito...

Aug 10, 2010

PLDT: Pag Lumayo, Dapat Tumino

6 na lasing
Heto na naman ako. Lagi na lang ganito. Sinusubukang bumalik. Pero lagi pa ring umaalis. Iniiwang nakabukas ang bahay at naghihintay ng bisitang tatambay. Walang makain kahit kamyas kaya nagkukusa na lang lumayas. At ano naman ang pwede kong isulat ngayon? Naubusan na nga ba ako ng mga kwento. Wala ng bang maisip ang kakapiranggot na karne sa loob ng bungo kong may lamat?



Ganito na lang. Dahil Agosto na ngayon, pag-usapan na lang natin ang tungkol pagmamahal pero pinaghihiwalay ng distansya. Anong koneksiyon ng Agosto? Kung usapang puso at pag-iibigan, Pebrero. Malayo ang Agosto sa Pebrero kaya malayong pag-iibigan. Oo na. Ang layo. Wala nga maisip di ga?

At dahil nga usapang malayo tayo ngayon, uumpisanan ko na. Bago pa malayo ang usapan at kung saan-saan pa mapunta. Maligaw pa. Heto na.

Ang milya ay hindi sukatan para malaman kung gaano kayo kalayo sa isa't isa. Sukatin ninyo ang pagmamahalan para malaman kung gaano kayo kalapit isa't isa. Pero paano nga ba ito susukatin? Hmm... Ruler? Metro? Medida? Kung hindi mo alam ang gagamitin, sige, huwag mo na lang sukatin. Sisihin mo pa ako kapag nabaliw ka.

Ang tunay na pagmamahal, hindi ibig sabihin na hindi na kayo pwedeng paglayuin. Ang tunay na pagmamahal, ay 'yung magkalayo man kayo, wala pa ring nagbabago sa nararamdaman ninyo. Parang ang bawat araw ay unang araw ng pagkakakilala ninyo. Laging sariwa. Kumbaga sa lumpia, 'yung hindi piniprito. 'Yung lumpiang sariwa. Mas maganda kung laging masaya at sariwa ang nararamdaman kahit malayo. Kaysa magkasama nga kayo, pero laging mainit ang ulo. At dahil nga sa init ng ulo at init ng pagtatalo, ang relasyon ninyo naman ay magiging lumpiang prito. Ang masama pa nito, baka masunog pa. Ang pait n'un!

Sabi nila, nababawasan ang pagmamahalan kung magkalayo na nauuwi sa paghahanap ng isa sa kawalan nung isa. Pero ang totoo, nawawalan lang sila ng tiwala. Kung buo ang tiwala at paniniwala mo sa kapareha, walang magbabago sa nararamdaman ninyo. Mas madadagdagan pa ang pagtingin mo sa kanya sa tuwing maaalala mo siya. Dahil ang pinakamahalaga at pinakamagandang bagay sa mundo ay hindi nakikita o nahahawakan. Ito 'yung sa puso mo'y mararamdaman.

Kaya para sa'yo: "Kahit may bukas na hindi kita kasama, may mga bagay na dapat kang maalala. Mas matapang ka kaysa sa iyong paniniwala, mas matatag ka kaysa sa iyong nakikita, mas matalino ka kaysa sa iyong inaakala. Pero sa lahat ng 'yan, ang pinakamahalaga, na kahit magkalayo pa tayong dalawa, nasaan ka man, lagi pa rin kitang kasama, ang kailangan lang, maniwala ka. Wag kang mag-alala, hindi ito tula, hindi ito katha na sa iyo'y magpapahanga." Mula sa akin.

......

Basahin ang kabuuan nito...

 

Copyright 2008 All Rights Reserved Revolution Two Church theme by Brian Gardner Converted into Blogger Template by Bloganol dot com Customized by Vhonne DeVille