Apdeyt? Eh paano ba ako makakaapdeyt kung wala namang aydeyang tumatakbo sa utak ko ngayon? Habang nakatutok kasi ako sa kompyuter na ito, sinasabayan ko ng panonood ng PGT. Patay Gutom Tayo. Ay mali. Pilipinas Got Talent pala. Tapusin ko na lang muna ang panonood para maging maayos ang takbo ng utak ko pagbalik ko sa blag na ito. BRB.
Bak! Ang bilis ko 'no? Gusto ko muna magpasalamat sa kaibigan nating Choknat. Oo. 'Yung nabibili sa suking tindahan. Binigyan niya kasi ako ng choknat, este ng badge. 'Yung nakikita ninyo sa taas na larawan, 'yun 'yun. May malaking istar pa na kasama. Parang logo ng Pilipinas Got Talent, may istar din. Salamat po.
Galing ni Jovit Baldovino. Hindi ko sinasabi ito dahil kababayan ko siya. Magaling lang talaga siya. Hindi lang mga tao ang nagsitayuan n'ung kumanta siya, pati mga balahibo. 'Yung tipong parang nakuryente. Oo. Kuryente.
At dahil sa kuryente, may nagtext. Hindi pala, may nagpribadong mensahe sa pulork. Humingi kasi ako ng topic sa kanya. Kay Ate Arnie. At ito nga, kuryente ang naisipan niyang ibigay. Ganda ng topic. Nakuryente siguro siya kaya ito ang unang pumasok sa pilipit niyang utak.
Medyo wala pang pumapasok sa utak ko tungkol sa kuryente. Iniisip ko lang kung saan nagmula ang kuryente. Naiisip ko din 'yung sinabi dati ng ating Tagapaglikha. "Let there be light." Tapos may mga taong taga-Meralco ang sasagot nang "Maghintay po tayo hanggang bukas. Mayroon po kasi tayong rotating brownout."
Malaki ang naitutulong ng kuryente sa pang-araw-araw nating pamumuhay. Pero kailangan din nating mag-ingat sa paggamit nito. Naalala ko nung nasa elementarya pa lang ako. Mayroon akong iskulmeyt na nagsaksak ng kutsilyo sa isang awtlet sa loob ng silid-aralan. Bakit siya may dalang kutsilyo? Katatapos lang kasi nila magbungkal at magtanim ng mga halaman sa hardin. Buti na lang tumalsik siya at hindi hinigop ng kuryente. Ipinaliwanag ng guro namin na may dalawang epekto o aksiyon ang mangyayari kapag kasalukuyan kang nakukuryente. Ang isa ay nanghahatak at ang isa naman ay nagtataboy. Siguro 'yun ang tinatawag na positibo at negatibong kuryente. Mula noon, tinawag namin siyang Superman. Pero pinagsabihan pa rin siya ng aming guro. Ano'ng nangyari sa kanya? Ayun, grounded muna siya sa bahay.
Kung ang kuryente ay may positibo at negatibo. Ang pag-ibig, mayroon din ba? (Si Ate Arnie ulit ang nagsingit ng usapang love dito ha?) Siguro meron din. May pagmamahal na pinipilit mong makuha at makamit habang meron din namang pagmamahal na kailangan mong iwasan at layuan.
Ang kuryente ay ang organisadong kidlat. Hindi tulad ng kidlat, kalat-kalat. Hiwa-hiwalay. Delikado. Ang kuryente ay may maayos na lalagyan at naipapamahagi ng maayos para sa mga nangangailangan nito. At tulad ng pag-ibig, kailangang maging organisado din tayo. Huwag nating hayaang maging tulad ng isang kidlat ang ating nararamdaman. Na iba't iba ang tinatamaan. Dahil sa bawat natatamaan, sila ang nasasaktan.
Naniniwala tayo sa kuryente pero hindi natin maipaliwanag kung saan ito nanggagaling. Naniniwala tayo dahil patuloy ang pagdating ng bill sa mga bahay natin pero hindi natin alam kung paano ito dumadaloy sa mga wayrs. Tulad din ng pag-ibig, naniniwala tayong mayroon nga nito. Pero kapag tinanong tayo kung bakit natin mahal ang isang tao, wala tayong klarong maisagot. Basta ang alam natin, may nararamdaman tayong pagmamahal.
Hindi natin alam kung saan mismo nanggagaling ang pagmamahal pero alam nating ito ang nagbibigay ng liwanag sa buhay natin tulad ng liwanag na naibibigay ng kuryente.
Salamat sa kuryente, nakapag-apdeyt ako ng blag ko. Salamat din kay Ate Arnie, nakuryente siya. At nabuo ang PAGCOR. PAG-ibig at CORyente. CORny na.
The Seven Star Hotels of the World
4 years ago
Comments
7 comments to "PAGCOR"
May 2, 2010 at 2:02 PM
uyy, ur welcome. :)
sabi ng ate ko, ngayon daw pag nakuryente tumatalsik na ang makukuryente. hmm..
May 2, 2010 at 2:06 PM
@choknat...
dalawa kasi ang nangyayari kapag nakukuryente... ung isa.. .hinihigop ka kaya ndi ka agad makaalis.. ung isa naman... tatalsik ka talaga...
kaya nga minsan... kapag nakakapanood tayo ng pelikula or palabas sa telebisyon na nakukuryente... minsan nasasabi natin na... "ang tanga naman nun... ayaw bumitaw sa kuryente..."
pero sa totoo, hindi nya mabitawan dahil nga hinihigop siya... hehehe... hindi ko pa natatry... pero ayaw ko subukan... (lol)
May 3, 2010 at 7:14 PM
indi ko alam kung pumasok ung mahabang comment ko ngrrrrrrrrr..!
basta ayun di ko na uulitin..alamo na ha!ha!ha!
May 3, 2010 at 7:16 PM
ang pagkakaroon ng kuryente sa buhay ng tao ay tulad ng pag-kakaroon ng isang MINAMAHAL o INIIBIG.. naks!..mas madami kang magagawa kung may kuryente ang buhay mo..pwede kang higupin at tuluyang manghina..
enjoy mo lang kung saka-sakaling makita mo ang kuryenteng un vhonne..
at tama ka nakuryente kasi ako hahahaha:D
Arny
May 3, 2010 at 8:30 PM
@ate arny
ang haba ng sinabi ko sa reply ko... ndi pala pumasok... ggrr... nakalimutan ko na tuloy...
ihanap mo na lang ako ng sinasabi mong kuryente ate arnie... hahaha
May 8, 2010 at 10:17 AM
hehehe ang kulet ng blog na to di ko tuloy alam sasabihin ko..basta babalik ako dito yun alng..^_^
May 8, 2010 at 10:21 AM
@superjaid
ay... thank you po... :D balik po kayo... may libreng painom po dito... tagay po... (lol) masaya dito... walang gagalaw sau dito... nyahaha...
Post a Comment
Bago malasheng ng tuluyan... mag-iwan muna ng kumento...