Tumatakbo siya sa isang madilim at malawak na eskinita. (Malawak na eskinita?) Hinahabol ng isang kalalakihan. (Isa lang talaga?) Pagdating niya sa kanto, hindi niya malaman kung saan siya pwedeng lumiko. Pero mas pinili niyang sa kaliwa na lang lumiko. 'Yun lang kasi ang pagpipilian. (Eh? Kaliwa lang ang pagpipilian?) Patuloy pa rin siyang hinahabol ng kalalakihang ito. At sa hindi inaasahang pagkakaton, tama ang hinala niya. (Tama ang hinala pero hindi inaasahan?) Wala na siyang matatakbuhan. Mas minabuti na lang niyang magtago sa isang sulok ng bilog. (May sulok?) Nakita siyang nakatago ng humahabol sa kanya. Hindi pala siya nakita dahil nakatago nga pala. Kaya sumigaw na lang siya ng pabulong...
"Magsilabas ka na! Napapaligiran na kita!"
Hindi siya natakot pero lumabas pa rin siya at hinarap ang tinatakbuhan. Habang nakatalikod siya. Sinagot niya ang sigaw ng humababol sa kanya. Pero hindi na siya hinahabol dahil hindi na sila tumatakbo. "Hindi ako nasisindak sa'yo!" habang nanginginig ang mga tuhod. Naglabas ng isang armalayt ang kaaway mula sa kanyang bulsa. (Nagkasya?) Pinaputukan siya ng maraming beses. Natumba siya pero hindi siya tinamaan. Natumba siya sa kakailag sa mga bala.
At bago pa siya lapitan ng kaaway niya, bigla na lang may sumigaw. "CCCUUUUTTTTT!!!!!"
Mga artista pala sila at gumagawa ng isang eksena. Isa sa trabaho ko ang ganyan. Artista? Hindi artista pero artist. Direktor? Hindi din pero 'yung sinisigaw ng direktor. Cut? Oo. Isa sa ginagawa ko ang maggupit ng mga istikers. Istikerkat para sa sasakyan, sa salamin, at kung saan-saan pa. Medyo nakakalibang din ang ginagawa ko. Matapos mong magawa mula sa kompyuter ang desayn na gusto mo, idadaan mo naman sa makina para maging istikerkat na siya. Ang gaan na ng mga diskarte ngayon sa tulong ng makina.
Naaalala ko noon, sumusubok na din ako sa pagdesayn mula sa istikers para ikapit sa kung saan-saan gamit ang ordinaryong kater. Mula sa manu-manong drowing hanggang sa manu-manong paghiwa sa istiker, aabutin ng mahabang oras. Pero ngayon, ilang kliks lang sa kompyuter at ilang pindot sa makina, may istikerkat ka na.
At nabanggit ko na din lang ang paggupit. Gusto ko ng magpagupit ng buhok. Hinahabol na daw kasi ako ng gunting. Masyado na daw magulo at mahaba ang buhok ko. Dadalo kasi ako sa isang kasalan. Kasal. Gugupitin nito ang pagiging binata at dalaga pero magbubuklod naman para maging isang pamilya. Kailangan na ding putulin ang lahat ng nakakabit na bisyo at luho para hindi maging problema sa buhay mag-asawa. Para hindi maputol ang pagsasama.
Buti na lang at hindi ako ang ikakasal. Parang hindi pa kasi ako handa sa ganung bagay. Hindi kasi ako mahilig maglaro ng bahay-bahayan noong bata ako kaya hindi ko alam kung paano. Mas pinili ko ang paglalaro ng papel, gunting, bato. Pero alam ko din naman na hindi habambuhay ay kaya ko ang mag-isa.
Dahil ang isang tao, para ding gunting sa ibang aspeto. Tulad ng gunting, hindi ito makakagupit ng ayos kung wala ang kapares.
At sa mga oras na ito, napatitig ako sa pamangkin ko. May hawak na gunting at papel. Gumugupit. Ano sa palagay mo ang nararamdaman ko habang nakatingin sa kanya? Natutuwa? Hindi siguro. Dami niya kalat!
The Seven Star Hotels of the World
4 years ago
Comments
9 comments to "Gupit Gupit"
March 10, 2010 at 3:20 AM
haha...lab ur un entry kuya vhonne...alam moh may talent ka ren sa pagsusulat..napangiti moh akoh nang bongga...naka-smile pa ren akoh habang nag-rereply...disadvantage talagah nang nde cell este computer ang gamit koh eh ang bilis lumipad ang yutakz koh...niaantokz at nagugutomz akoh kuya vhonne...didt i juz see a pizza on ur entry...nang mabasa koh entry moh eh parang gustong lumipad nang yutakz koh...ewan ko bah...may moral lesson ang entry moh...anoh ang moral lesson??? ano nga bah? haha...lolz...sige kuya vhonne hanggang sa muli...sobrang effort tong reply koh kaya nemen maaliw kah at ma-touched...lolz...ingatz...Godbless! di
March 10, 2010 at 9:23 AM
nyahaha... ate dhi... dhi ka pa rin nagbabago... hehehe... nakakagutom ung pizza no? tara... bili tayo... libre mo ako... ikaw ang may bagong cp eh... hehehe...
March 10, 2010 at 11:03 AM
marunong akong sumigaw ng pabulong. hehe
March 10, 2010 at 11:04 AM
Hmmmmm di ko gets???hehehehe musta kuya Vhonne?
March 10, 2010 at 1:29 PM
sabi na yun yun e. nahulaan ko.. hehe.
mahalaga ang pag gugupit, kaya bata pa lang tayo tinuturuan tayo gumupit pra di tayo masaktan :P
March 10, 2010 at 3:53 PM
wahaha..oo nga naman..mag gupit ka rin samahan mo ang pamangkin mo para may katulong sya sa pag-kakalat..
astig!
March 10, 2010 at 7:52 PM
@choknat:
malakas ba ung pagsigaw mo? hehehe...
@bad_mj:
aling part ang ndi mo ma-gets? halos lahat kasi jan magulo.. nyahaha...
@chamcham:
pero dahan dahan sa paggupit ha? baka mas lalo ka masaktan... tulungan kita gumupit... ayiiee...
@ate arnie:
kanina... sticker cut machine na naman hawak ko.. tapos.. gunting at cutter.. tapos ngaun... ngaun mismo... nagka-cut ako ng calling cards... nyahahaha... puro gupit!...
March 11, 2010 at 4:23 PM
@vonsai ok
March 11, 2010 at 11:06 PM
@chamcham
haba ng reply ah... hehehe.. tara na.. gupit na tayo... ako hahawak ng gunting.. ikaw hahawak ng kamay ko... hehehe...
Post a Comment
Bago malasheng ng tuluyan... mag-iwan muna ng kumento...