Gusto ko muna magpasalamat kay charlly. Dami niyang sinabing maganda tungkol sa blag na ito. At dahil diyan, may nagteks, este ginanahan ulit akong magblag. Kaya heto, tumitipa na naman ng kibord at itutuloy ang laban. Laban!
Pakikipaglaban. Lahat ng tao dito sa mundo ay may kanya-kanyang labang kinakaharap. May madali at mahirap. Depende sa kakayahan at kagalingan. Pero dahil nga isa itong laban, naririyan ang pagkapanalo at pagkabigo. May nagpapatuloy at may sumusuko. Parang dito lang sa Showtime, habang pinapanood ko ngayon, ang daming magagaling na lumalaban.
At ikaw. Sigurado akong may laban ka ding pinagdadaanan ngayon. Tulad mo, tulad niya, tulad nila at tulad ko. At naiiyak na ako ngayon dahil sa Showtime na ito. (Tapusin ko muna bago ko ituloy ang pagsusulat, weekly finals eh. Hahaha) Geym na ulit. Usapang laban. Lahat tayo ay binigyan ng sariling laban. Ang tanong na lang doon, kaya ba natin ang laban na ibinigay sa atin?
Paano mo ipaglalaban ang isang bagay o tao kung iba naman ang ipinaglalaban niya? Ibang laban ang kinakaharap niya. Paano ka hahabol kung hindi naman siya humihinto? Patuloy pa rin sa paglayo. Paano mo siya susundan kung ibang daan naman ang tinatahak? Nakakaligaw. Paano mo siya hahawakan ng mabuti at mahigpit kung siya na mismo ang bumibitaw? Ayaw kumapit. At paano ka maghihintay kung hindi mo naman alam kung babalik siya? Walang kasiguraduhan. Paano ka lalaban?
Minsan na bang dumating sa buhay mo na naramdaman mo na ang pagsuko? Gusto mo ng tumigil. Gustong bitawan at iwanan ang lahat ng pinanghahawakan. Gustong ilagan ang mga isinasampal na katotohanan. Gustong magising sa bangungot. Minsan iniisip mong para lang kompyuter sistem ang lahat. Dadaan sa BSOD ang sistem mo. Subukan mong patayin ito pero sa muling pagbuhay nito ay babalik at babalik pa rin ang eror. (Sabi ni Itlog) Hindi mo magawang irepormat dahil madaming mahahalagang nakaseyb sa hardrayb mo.
Pero bawat laban at hamon ng buhay, kailangan mo talagang magpatuloy at lumaban. Kung maaga kang susuko, malinaw at maliwanag ang iyong pagkatalo, na pwedeng mauwi sa pagsisisi. Kung itutuloy mo ang nasimulang laban, matalo ka man sa huli, alam mo sa sarili mong ipinaglaban mo. Walang dapat pagsisihan. Sa ngayon, gusto kong lumaban. Pero sa ibang pamamaraan.
Anong gagawin ko ngayon? I Love Ann? Oh? Ay Laban!!!
The Seven Star Hotels of the World
4 years ago
Comments
8 comments to "I Love Ann? Ay Laban!"
December 5, 2009 at 4:30 PM
koya..anong nakakaiyak sa showtime? andami-daming nagteteks sakin..manood daw ako..nakakaiyak daw. :D anyways..nice post parekoy. :D
December 5, 2009 at 4:54 PM
@chicomachine:
hahaha... ung last performer kasi eh... nagkwento ng buhay nila... hahaha... aun... nag iyakan pati mga judges... pati kami... hahaha... sila ang nanalo... expected naman... galing din kc nila eh...
thanks :D
December 7, 2009 at 12:35 AM
acheche anung error un? di ko matandaan un :))
tama ka lahat may laban na pinagdadaanan.. parang laptop ko lang.. hindi pwdeng ireformat basta basta dahil maraming mahahalagang bagay ang nakasave dito.. pero dahil madalas na syang magbluescreen kinailangan ko ng gawan ng paraan, kaya ang ginawa kong solusyon ay mag-bak ap na lamang (lalim naman ng tagalog tsk, wala namang meaning XD) at pagkatapos pinag isipang maigi kung magpapalit ng OS, at naisipan kong mag-upgrade... walang files na nawala sakin, gumanda lang ang OS ko (W7, mayabang) walang nawala sakin, nacure ko pa ang bluescreen ko... anyways, di ko alam kung nakakarelate ka pa... kasi alam kong nasa phase ka pa ng pag iisip kung mgbaback-up ka pa ng files o derechong reformat na.
December 7, 2009 at 11:28 AM
@itlog: nung minsang nag-usap tayo sa plurk.. nabanggit mo sakin un... sabi mo... itulog ko lng.. pero parang pc system lng... kapag binuhay ko ulit.. andun pa rin ang error... hehehe...
tama ka... mas maganda kung may back up... pero parang gusto ko ding mag back-to-zero... gusto ko magsimula sa maayos na steps... pakiramdam ko talaga... kinakarma ako... ^_^
December 7, 2009 at 11:30 PM
naku love life ata ito? parang pinagdadaanan ko lang din yan dati pero sa awa ng Diyos ay nalagpasan ko naman at ayun, di na kailangan i- reformat, na virus man ay na recover naman lahat ng importante. kaya mo yan, anuman yan, give it some time.. basta wag kang susuko.
December 8, 2009 at 2:26 AM
@cyndirellaz: oi... musta? hehehe... nawala ka din ba sa blogosphere tulad ko? haha.. ngaun lng ako nagbabalik-loob ulit eh... ikaw.. alam ko maayos na ang kinalalagyan mo... at nalampasan mo ung mga pagsubok... hehe... ako naman... hmm... mukhang ok na ulit ako.. haha.. kaya yan... kaya ko ito.. kaya nating lahat.. hahaha...
December 8, 2009 at 3:09 AM
laging tandaan...lahat nang laban sa buhay ay may dahilan...at sa hindi malamang dahilan..nagiging tulay ito para sa makulay at matatag na buhay sa hinarap...
March 2, 2010 at 8:37 AM
@anonymous
salamat po.... bakit puro kau anonymous? hahaha...
Post a Comment
Bago malasheng ng tuluyan... mag-iwan muna ng kumento...