Chicharon. Anong naiisip mo kapag naririnig mo ang pagkain na 'yan? Kung anuman 'yon, walang koneksyon 'yan sa ikukwento ko ngayon. Bakit ko nabanggit? Wala lang, gusto ko eh. Ako may-ari nito eh, kaya gagawin ko ang gusto ko. Hehehe. Pero sige na nga, 'yan na lang ang gawan natin ng kwento. Pero sa totoo lang, wala akong ideya kung ano ang isusulat ko ngayon. At dahil chicharon ang una kong naisip at naisulat dito, doon ko na lang paiikutin ang kwento. Sana may maisip ako.
Chicharon. Bakit nga ba 'yan ang ang naisip ko bigla? Sa mga kaibigan ko sa mundo ng plurk, 'yun ang gamit kong nikneym doon. May eksplanasyon 'yun, pero dalawang tao lng ang nakakaalam nun. Ako at siya. Kaya hindi ko na lang ikukwento. Ibang chicharon na lang muna ang tatalakayin natin dito.
Kumakain ka ba ng chicharon? Masarap di ba? At maraming klaseng chicharon. Pero ang isa sa pinakagusto ko ay ang chicharong baboy. Kahit masakit na ang ngala-ngala ko sa pagkain nun, hindi ko pa ring tinitigilan hangga't meron pa. Masarap 'yun lalo na kung malutong. Na sa bawat pagkagat mo, nakakagawa ng ingay dahil sa kalutungan nito. Natatakam ka na ba? Ako din eh. Pero matatakam ka pa rin ba kung makunat na ang chicharong hawak mo?
Pero bakit nga ba kumukunat ang chicharon? Kapag minsang nag-iinuman kami ng mga kaibigan ko, laging may panghihinayang kapag 'yung sinusubo mo ay makunat na. Sabi nila dahil sa hangin. Kumukunat daw ito dahil sa hangin. Kapag napabayaan mong nakabukas lang ang pinaglalagyan nito, madaling maapektuhan ang kalutungan nito. Kaya 'yung iba, kakabukas pa lang, kakainin na kaagad. Baka daw kumunat pa. Pero sa totoo lang, matakaw lang talaga sila mamulutan.
Paano naman natin ito ihahalintulad sa isang sitwasyon, sa buhay, sa relasyon? Sa buhay natin, mayroon tayong kanya-kanyang chicharong hawak. Sa simula, nakakatakam at sobrang lutong. Pero kung papabayaan mo lang, masasayang lang. Minsan akala mo naiingatan mo ng tama, pero mapapansin mo sa huli, nagkamali ka pala ng pinaglagyan. Dapat kinain mo na lang.
Kung chicharon ang isang oportunidad na dumating sa buhay mo pero hindi mo agad tinanggap, asahan mo ang panghihinayang na mararamdaman mo sa huli. Maiisip mo na sana pala, kinuha mo na. Akala mo kasi na ikaw ang hahabulin nung oportunidad na 'yun, nagpataas ka pa ng presyo. Sa pagkakataong 'yun, hindi chicharon ang nahanginan. Ulo mo. Nagkahangin ka sa ulo.
Kung chicharon ang pakikipagrelasyon, gawan mo ng paraan para manatili ang kalutungan nito. Dahil kapag dumating ang pagkakunat ng samahan ninyo, iba na ang pakiramdam. Malaking kabawasan. Para ka na ding kumakain ng makunat na chicharon, na nagmimistulang babolgam habang nginunguya mo.
Kung chicharon ang buhay ng isang tao, bigyan mo ng importansya. Ito ang pinakapagsisisihan mo sa huli kapag binalewala mo at hindi pinagpahalagahan. Dahil kapag ito ang pinabayaan mo, hindi lang pagkakunat ang mangyayari sa buhay ng taong 'yun. Magiging matigas pa ang katawan niya. Hindi na chicharon ang kakainin mo, kape at biskwit na.
Pero masama din ang sobrang kain ng chicharong baboy. Nakakahayblad!
Bago matapos ang entri na ito, gusto kong mag-HB sa inyo. Habol-Bati. Kahit nagdaan na ang araw na ito, gusto ko pa ring batiin ng Maligayang Kaarawan ang istar ng Pasko. Si Bro. Ang nagsindi nitong ilaw, walang iba kundi Siya. Maligayang Pasko sa ating lahat. At sa darating na Bagong Taon, may panibagong kakaharapin. May mahirap at madali, masaya at malungkot. Pero kung magiging malapit ka kay Bro, lahat ng problemang kakaharapin mo, magiging chicharon lang para sa'yo. Kakainin mo lang ang lahat ng ito.
The Seven Star Hotels of the World
4 years ago
Comments
8 comments to "Chicharon"
December 27, 2009 at 8:52 PM
ang lalim. diko mareach. apir! =P
December 27, 2009 at 9:18 PM
tae sana mabasa to ni ano.. ng malaman nya lahat ng kahalagahan ng bagay at tao sa buhay nya.. wala lang.. shit! haha sana mabasa nya talaga lols
December 29, 2009 at 5:30 PM
@monique:
ndi naman malalim ah... hahaha... ibabad mo sa suka ung chicharon... para lumutang... para hindi na malalim... hehehe... musta na?
@kheed:
hahahaha... mukhang apektado ka ah? hahaha... go.. ipabasa mo... lol...
December 30, 2009 at 10:07 PM
happy new year! agree ako sa sinabi mo dito, yan nga ang ina- apply ko sa relasyon namin ni SM eh, para hindi maging makunat ang aming relasyon ay nilalagyan namin ng konting asim, hehehe!
December 31, 2009 at 2:42 PM
@cindy:
hehehe... good good... at sana lagi kaung happy ni soulmate mo... hehehe...
December 31, 2009 at 7:25 PM
lutong ah.
January 3, 2010 at 12:03 PM
someone:
hahaha.. malutong ba? sarap nga nyan kung malutong eh... hehehe... ganda ng name mo ah... ^_^
August 27, 2010 at 1:27 PM
ang sarap naman ng pic
Ebooks Collections 2010
40+ Poker Strategy Ebooks Collection
Post a Comment
Bago malasheng ng tuluyan... mag-iwan muna ng kumento...