Aga ko nagising. Alas-sais y medya ng gabi ako nagising. Maaga na 'yun sa pangkaraniwang gising ko. Maaga ding pinauwi galing sa iskul si Loraine. Nakapag-usap kami ng matagal-tagal sa chat kahit alas-diyes ang curfew niya. Alas-diyes ang curfew pero alas-onse kami natatapos. Ahaha. Kaya kami napapagalitan ng kanyang mahal na ina.
At nang matapos kaming mag-usap, nanood muna ako ng ilang bidyos tulad ng episodes ng South Park. Nakaramdam na naman ako ng gutom. Tao lang ako, nakakaramdam din ng ganun. Dumiretso ako sa burger stand. BigMak. Maalin lang naman sa 7-11 o BigMak ang pinupuntahan ko kapag dis-oras na ng gabi eh. Habang pumipili ako ng bibilhin ko, napansin ko ang isang lalaki at isang babae na nag-aabang kung ano ang pipiliin ko. 'Yung isang babae, siya pala ang tindera, kaya inaabangan kung anong bibilhin ko.
Isang superlong! Wala daw silang tinapay para doon. Sa sampung beses kong sinubukang bumili ng superlong sandwich doon, kahit isang beses, hindi ako nakatiyempo. Lagi na lang may hindi available. Sige, footlong na lang. Sa pagsabi ko noon, napansin ko na parang may umilaw sa ulo ng isang lalaking nakaabang. Parang nakakita ng kakampi.
"Tol, magkano ang footlong? Tertipayb [35], kapag bay wan teyk wan, siksti [60] pesos, maghati na lang kaya tayo sa bay wan teyk wan, para tig-terti [30] lang tayo?"
Sumang-ayon na din ako, dahil mas tipid nga sa limang piso kung ganun ang gagawin namin. Akala ko pa naman eh kung ano ang binabalak nung lalaking 'yun, nag-aabang lang pala ng makakahati. At pumuwesto na nga siya dun sa harapan ng tindahan. At nagulat sa sunud-sunod ko pang order. Isang pizza square, padagdag ng chilli con carne sa footlong, isang chuckie, saka isang C2 na red. Gusto ko pa sana dagdagan ng siopao, kaso nakatingin na sa akin 'yung lalaki, kaya hindi na lang dinagdagan.
Nagtataka siguro kung paano ko mauubos 'yun eh kapayat ko naman. Sabi nung tindera sa lalaki, "Dagdagan mo din order mo, para hindi ka mainggit." Hindi pa daw siya syur kung mauubos niya ang footlong. Hindi naman ako matakaw di ga? Normal lang naman sa atin ang kumain ng ganun di ga?
Habang naglalakad ako sa kalye, may naispatan akong dalawang lalaking naglalakad din. Isa lang pala ang lalaki. 'Yung isa ay katawang lalaki na ayaw magpakalalaki pero mahilig sa kapwa lalaki. Wala akong pakialam nung una, diretso lang ako. Akala ko ay magkaibigan lang. Biglang kumapit sa bisig ng lalaki ang kunyaring babae. Naglalambing. Bumulong ang lalaki. Hindi ko naman narinig dahil hindi ako tsismoso. Pero halatang tsismoso ako. Pagkatapos bumulong ni lalaki, biglang dumukot ng wallet itong si kunyaring babae. Binuksan at kumuha ng pera, sabay-abot kay lalaki. Kayo na lang ang mag-isip kung bakit, hindi ko alam ang dahilan dahil hindi ko alam kung ano ang ibinulong.
Sa may kanto, limang lalaki ang nakasalubong ko. Lahat lasing. Halos sumasayaw na sa paglalakad 'yung dalawa sa kanila. At lahat, nakangiti. Hinawakan ako sa braso nung isa. "Von! Ano 'yang binili mo? Mag-iinom kang mag-isa?" Sinabi ko na lang na pagkain 'yung dala ko. Pero 'yung isa naman ang humarang sa akin. "Von, may footlong gang maikli?" Pag-iisipin pa ako. Sabi ko na lang na meron siguro. Kapag umihi siya, baka mapansin niyang baka maikli 'yung footlong niya, kasi mahaba 'yung footlong ko.
Sa kabilang kanto, isang bakla at apat na lalaki. Nagkukwentuhan. Naglalambing ang bakla. Nagbabakasakaling mapapayag niya ang alin sa apat na lalaki na may gawing makapagpapaligaya sa kanya. Bakit ko alam? Dalawa sa apat na lalaki ay pinsan ko. Tinago ko na lang ang bitbit ko, delikado, baka kulangin pa ang kakainin ko.
Nakarating ako ng bahay. Buhay pa. Buti naman. Pero 'yung niloload kong bidyo, namatay. Nag-close ang Mozilla Firefox. Kaya ito ang ginawa ko ngayon. Nagsulat na lang sa blag. Hahaha. Instant artikel. Akala ninyo lang na non-sense ang sinulat ko. Pero subukan ninyong ulitin basahin. Malalaman ninyo, tama ang una ninyong inakala. Non-sense nga.
Pero ang kwento kong ito, ay tungkol sa iba't ibang klase na tao na nakakasalamuha natin sa araw-araw. Kahit gabi-gabi. Halos lahat ay may kanya-kanyang diskarte. Pwedeng diskarteng pabor sa kanila at sa kapwa, at meron namang pabor lang para sa sarili nila at abuso para sa iba.
At isa lang ang natutunan ko. Hindi ko pala kayang ubusin ang binili ko ng biglaan. Tatlong slices pa ng pizza ang kakainin ko. Hindi na ako makahinga. Gusto mo?
The Seven Star Hotels of the World
4 years ago
Comments
6 comments to "Kanya-kanyang Diskarte"
March 18, 2009 at 4:36 AM
hahahaha.....TAkaw Mo NAmaN VHANz HEHE...Jowkes..( seLos Lng akO KASI sa dami mOng kinkain ay gusto Ko penge NmN hehe).... :D
uuNgA iba't ibanG 3RP taLagah NaNg TAO gayA kO nGAuN naGbabasa sa PosT mO AT NaGugu2m narin dahil sa mga pagkain binabanggit mO...makakain na nga rin :D .....
March 18, 2009 at 5:08 AM
@kikay:
hehehe... sorry po.. ubos na... kung napaaga lng ang paghingi mo... hehehe.. sayang...
March 18, 2009 at 12:04 PM
mabuti na lang at di mo ko nakasalubong sa kantong dinaanan mo, malamang baka naitsismis mo din ako.. haha burp!
March 18, 2009 at 12:10 PM
@kheed:
ahaha... malamang nga... kahit sinong makita ko sa daan.. may istorya... pati nga ung pusa eh... nakwento ko na din dati dito... ahahaha...
naalala ko n naman ung pusa... SLN...
March 27, 2009 at 4:56 PM
ahahaha...
napapabilib mo na talaga ko sa mga kwento mo...
puro kalokohan na madaming aral....
April 1, 2009 at 12:51 AM
@anonymous:
talaga? salamat naman kung ganun... pero ako din.. napapabilib mo... kasi ndi ko mahulaan kung sino ka.. galing mong magtago sa pangalang anonymous.. ahaha... pero salamat ulit.. dalaw ka lagi...
Post a Comment
Bago malasheng ng tuluyan... mag-iwan muna ng kumento...