Una sa lahat, first. Mapapansin ninyo na parang nawawalan ng ganang magsulat ang otor ng blag na ito. Nagkakamali po kayo. Madami akong gustong ikwento, pero sa kadahilanang naging abala nitong mga nagdaan mga araw, hindi ko magawang makapagsulat. Abala sa trabaho, abala sa ibang gawain at abala sa isang babae.
Lumipas ang mga araw. Dumaan ang Araw ng mga Puso. Hindi ko makwento ang mga nangyayari sa akin. Hindi kasi ako madalas magkwento tungkol sa sarili ko. Mas magaling kasi akong magkwento ng ibang mga bagay at ibang mga tao. Isa lang ang ibig sabihin noon. (Tsismoso ako, pakialamero) Pero gusto kong ako naman ang bida ngayon. Hindi lang pala ako, kasama ang leading lady ko. Umpisahan ko sa kung saan kami nagkakilala.
Muli akong nagsulat. Unti-unti kong binabangon ang blag na ito mula sa matinding pagkalugmok sa putikan. Nilangaw. Gumawa ako ng mga kwento mula sa mga nasasaksihan ko sa araw-araw. Dahil doon, may mga natuwa at tumambay na paisa-isang tao dito. Mas mahilig ako magbasa ng iba't ibang entri sa iba't ibang blag. Iba't ibang kwento ng iba't ibang tao. Iba't ibang pananaw ng iba't ibang utak. At iba't ibang kakaibang kwentong naiiba sa iba. Iba't iba.
Dito sa blag na ito ko unang nakilala ang aking leading lady. Hmm... pero sa totoo lang, hindi talaga dito nagsimula. Mula sa blag ng kaibigan nating si Yummy. May isang entri siya na nagbigay sa akin ng interes para mag-iwan ng bakas kumento. At dahil sa kumento kong iyon, nabasa iyon ni leading lady at parang hinila siya papunta sa blag ko. Meron pa akong Yahoo! Pingbox nung mga panahong iyon. Nagmensahe siya sa akin at nagkaroon ng pagkakataon para magkakilala. Nakwento ko na iyon dito. [Buksan mo ito para mabasa mo.]
Pinagtiyagaan niyang basahin ang mga sinulat ko. Naging interesado siya sa mga kwento ko at pati na din sa buhay ko. May pagkakataon din na nayabangan siya sa ilan sa mga nasulat ko. Magaling naman. Epektibo ang kwento ko. Hehehe. Araw-araw kaming nag-uusap. Hindi lang pala araw-araw, kundi oras-oras. Kung nagkataon lang siguro na hindi siya pumapasok sa paaralan at kung hindi siya natutulog, 24/7 kami kung mag-usap. At dahil doon, mas napabilis ang aming pagkakakilala. Para akong nakikipag-usap sa sarili ko nung mga panahong 'yun dahil halos nagkakapareho at nagkakasundo kami sa lahat. Isang linggo ang katumbas ng isang araw na pag-uusap namin. Dahil sa bilis ng pagkakakilala namin, bumilis din ang tibok ng puso ko sa kanya. (Hahaha... walang pakialamanan. Ganyan ako sumegwey ng usapan kapag inlab.) Hindi ko inamin sa kanya ng diretso kung ano 'yung nararamdaman ko dahil may tinik pa sa pagitan naming dalawa.
Hindi ko masabi sa kanya kaya kay Yummy ko na lamang sinabi ang sikreto na hawak ko. Habang tumatagal, nahalata ko na din si leading lady na parang may kakaiba na din siyang nararamdaman sa akin. (Malakas talaga ang pakiramdam ko. May lahing aso?) Gusto ko siyang paaminin kung anuman 'yung nararamdaman niya kaya naisipan kong gumawa ng kwento na pwede siya makareleyt. [Mababasa mo dito ang kwentong iyon.] Nagkaroon na din kami ng pagkakataong makapag-usap tungkol sa ganung bagay pero sa ibang paraan ng pag-uusap. [At mababasa mo dito ang konbersasyon naming dalawa.]
Nalaman ko na si Yummy din pala ang pinagsasabihan niya ng sikreto. Kaya naisipan nitong si Yummy na gumawa ng kwento tungkol sa aming dalawa. Pero dahil sa bilis ng pangyayari, 'yung isusulat niya para sa kasalukuyan, biglang naiiwanan ng nangyayari para sa hinaharap. Gagawin pa lang niya ang unang kabanata, tumatalon na kami sa pangalawa. At dumating din ang oras na nagkaaminan na kami. Naging maayos din ang kinalabasan. Madami ang tumulong at nagbigay ng payo. Nagkaroon na din ako ng pagkakataon na makausap ang ilan sa tauhan ng pamilya nila. At nagkaroon kami ng kakaibang relasyon. Relasyon na hindi pa nagkikita ng personal. Naging mahirap para sa amin ang ganung sitwasyon pero kinaya pa rin namin.
Madaming magagandang nangyayari sa amin pareho kahit na malayo kami sa isa't isa. Dumating ang isang araw na may gaganapin silang programa. Nagbiro ako na pupunta ako. Isang biro na sineryoso naming dalawa at nabuo ang plano para magkita na kami ng mata sa mata. Madami ang gustong sumama. Madami ang gustong makibalita. Nagkaroon pa ng isang problema na inakala naming hindi matutuloy ang pinagplanuhan. Buti na lang at tumakbo ng maayos ang utak ko para magawan ng paraan ang maliit na problemang iyon. Naganap ang paghaharap.
Lumapit ako sa kanya. Walang sali-salita. Nung lumakad na kami para maghanap ng makakainan, nagulat ako sa kanya dahil may lahing ahas pala ang babaeng pinangarap ko. Hindi na ako nakapalag, nilingkis niya agad ang braso ko. Na ikinatuwa ko naman. Habang tumatagal ang oras na magkasama kami, naging kumportable kami sa isa't isa. At unti-unti kong natutuklasan, hindi lang pala siya ang may lahing ahas. Ako rin pala. Hindi ko na namamalayan, kung saan-saan na pala gumagapang ang mga kamay ko. Sa kamay, bewang, balikat, braso at pati sa kanyang... kanyang... kanyang... sa kanyang ulo.
Sa madaling salita, naging maganda ang kinalabasan. At ngayon, masasabi na namin na hindi na kathang-isip ang nangyayari sa amin. Hindi na kami naiinlab sa kanya-kanyang monitor. Napatunayan na naming pareho kaming tao. At ito ang samari ng aming kwento. Hindi pa dito nagtatapos dahil marami pa ang mangyayari.
Mahirap pala magkwento ng ako ang bida. Hindi ko makwento ng detalyado. At kung susubukan kong ganun, aabutin ng isang araw para basahin ang isang entri na ito. Kaya pagpasensyahan nio na muna kung ganito ang kinalabasan ng kwento. Hahaha. Kung gusto ninyo namang malaman ang detalye nung nagkita kami ni leading lady, bisitahin ninyo ang blag niya.
Dito oh --->>> Loraine
The Seven Star Hotels of the World
4 years ago
Comments
18 comments to "KAMI naman ang BIDA"
February 19, 2009 at 2:22 AM
wahahahahaaha.... mahaba pala ang naisulat ko.. hindi ko napansin.. pasensya na.. ahaha...
February 19, 2009 at 3:03 AM
WOW :D
naLunod akO....
pewo infairness kakakilig naman
super sweet naman ng convo qoutes nyo
awww....
cactus at skydiver nakkkz
bilib talagah ako kay VhoNNe sobwa....
^
February 19, 2009 at 3:09 AM
@chuchay:
ahaha... buti naman at binasa mo ung cactus at skydiver namin.. ahaha... salamat sa pagdaan... ;)
February 19, 2009 at 9:11 PM
ay bongga. :) finally. im happy for the both of u. yiiiiiii. kilig! haha.
February 19, 2009 at 10:18 PM
"Mahirap pala magkwento ng ako ang bida. Hindi ko makwento ng detalyado."
hindi pa detalyado yan? wahaha. hindi ko rin napansin na mahaba pala. basta mahaba ang ngiti ko habang nagbabasa. wahaha. palitan mo ang picture. ngetpaks ko naman jan eh. XD
pero mahal kita.
February 19, 2009 at 10:52 PM
@CHIM:
salamat... ahaha... naging part ka din naman ng labistori namin eh.. hehehe.. salamat ulit...
@Loraine:
kung detalyado ang pagkakasulat ko jan... isang linggo nilang babasahin.. ahaha.. masyadong mahaba.. higit pa sa inaakala.. ahahaha...
mahal din kita...
February 19, 2009 at 11:07 PM
NAKAKAKILIG NAMAN!
un lng..hehe^^
February 19, 2009 at 11:08 PM
@desza:
ahahaha... salamat...
February 20, 2009 at 8:04 AM
I though batagero means taga batangas.
Ano pala mag iinom pala. tama ba ako?
February 20, 2009 at 8:07 AM
@cebunanong hilaw:
pareho pong tama... para po mas maliwanagan kayo... mababasa nito po sa About ng blog na ito ang kahulugan ng batanggero...
http://batanggero.blogspot.com/2008/07/ang-batanggero-panimula.html
pwede nio din po buksan ang link na ito para mabasa nio... hehehe...
salamat po...
February 20, 2009 at 11:15 AM
pag bukas co nito nagulat aco sa haba ng babasahin co. . pero sulit naman dahil naaliw aco sa labstory nyo. . akalain mo? isa kayo sa buhay ngebidensya na maaring magkaroon ng ganyang klasing relasyon dito sa blogosphere. . hindi co man nasubaybay nuon ang kwentong yan. . sana ay masundan co na ngayon. . malay mo hindi pala si mameng at domeng ang para sakin? kasi may metring pala dito sa blogosphere para sakin. . lol. . apir!
February 20, 2009 at 3:53 PM
@papel:
ahahaha... salamat naman at binasa mo ng buo... sana... ahaha... kung nagulat ka sa kwento ko... mas nagulat ako sa sinabi mo...
may domeng ka na.. may mameng ka pa.. ngaun... may pumapasok pang metring? ahaha.. ayos yan... apir!
March 5, 2009 at 11:29 PM
March 5, 2009 at 11:33 PM
May lahi palang "ahas" si Loraine? Buhahaha!
March 6, 2009 at 3:10 AM
@valerie:
ahahaha... pareho lang kaming lahing ahas... pero hindi ung ahas na nang-aagaw ha?... ahaha... ikaw ba meron din?
March 6, 2009 at 1:13 PM
VHONNE, VHONNIFACIO...Ako to c ateh kirstie ksama ko c pinsan Terry..kami ay nalulugod sa iyong pagsasamari ng pagmamahalang tunay..nawa'y patnubayan kayo ng may kapal.MAhal namin kayo.Ingat!!!Inom biogesic!!!!
March 7, 2009 at 7:36 AM
@kirstieknoots!!! at terryfic:
ahahaha.. salamat at ikaw ay napadaan sa aking mumunting tahanan... at salamat din sa pagtanggap bilang katuwang ng inyong pinakamamahal na si loraine...
dahil sa itong mga naturan... mukhang kinakailangan ko na talaga uminom ng biogesic... nahilo ako... ahaha... at natuwa ng lubos...
salamat...
June 26, 2009 at 10:58 PM
@Valerie: wahahaha. nakakahiya. hindi naman mashado!!!! XD
Post a Comment
Bago malasheng ng tuluyan... mag-iwan muna ng kumento...