Maaga akong umuwi galing sa opisina. Mag-isa akong naglalakad. Habang binabaybay ang daraanan ay nanginginig sa sobrang lamig ng hangin. Nakasuot na ako ng jaket pero sobrang lamig pa rin talaga. Sa 'di kalayuan, may mga kalalakihang nag-aayos ng banderitas, dahil nalalapit na ang piyesta.
Nang makalampas ako sa kanila, wala ka nang makikitang tao sa paligid. Medyo may kadiliman na sinasabayan pa ng malakas na pag-ihip ng hangin. May nakita akong aso na tumakbo. Tumindig ang lahat ng balahibo ko. Hindi dahil sa takot, kundi dahil sa lamig.
Habang naglalakad, may napansin akong tumutugtog. Tumingin ako sa Lipa City Youth and Cultural Center. Wala doon. Tiningnan ko naman 'yung sa may bumbero. Wala namang tao. Malakas ang tugtog. Decode ng Paramore ang kanta. Nung tumalikod ako, napansin ko ang opisina ng BoyScout. Sumilip ako sa salamin na pinto, pero walang tao. At napansin ko ang repleksiyon ko sa salamin na 'yun. May suot pala akong earphone. Sa selepono ko pala 'yung tumutunog.
Dumiretso ako ng lakad pauwi nang mapansin ko ang isang gusali. Isang paaralan. Isang paaralan kung saan kami nagtapos ng hayskul. Napangiti akong tumingin dun. Ang laki na ng ipinagbago. Pinalaki, pinaganda at pinalinis 'yun. Habang nakatingin ako sa eskwelahan na 'yun. Unti-unting nag-flashback ('yung parang sa pelikula na naalala 'yung nakaraan) sa akin ang mga pangyayari nung nag-aaral pa lang kami dun. Doon kami natutong mainlab at mabasted. Doon din kami nagkaroon ng tunay na kaibigan at mortal na kaaway. Doon ako unang pinapasok sa Principal's Office dahil nakipag-away. Doon nabuo ang barkadahan namin. Doon kami natutong uminom ng Ginebra San Miguel (may bayad ang pa-advertise). Doon kami bumuo ng mga pangarap. Doon lang ni Nonoy Zuñiga.
Kung sinasabi ng karamihan na pinakamasaya ang buhay hayskul, para sa akin... tama. Minsan nga nasasabi ko sa mga kasamahan ko, "Parang gusto ko ulit pumasok sa hayskul." Masarap balikan ang mga nakaraan lalo na kung punung-puno ito ng mga magagandang alaala. Pero ako, meron pa akong isang dahilan kung bakit gusto kong balikan ang nagdaang hayskul layp ko. Kung nakikita ninyo ang larawan sa itaas, oo, klaspiktyur namin 'yan. Nung nakita ko ang larawan na iyan, sinubukan kong isa-isahin ang mga taong nandun. Punung-puno nga ako ng magagandang alaala, hindi ko naman maalala ang mga pangalan nila.
Panawagan: Kung isa ka sa nasa larawan, ipagbigay-alam sa akin ang iyong buong pangalan. Ituro mo na din kung sino ka doon, dahil ako, ako 'yung ika-anim na nakatayo sa itaas mula sa kaliwa. Nag-feeling matangkad ako noon kaya doon ako pumuwesto. Wala din akong dalang polong uniporme kaya nanghiram na lang ako sa kabilang seksiyon. Kaya ayun, kung mapapansin ninyo, sobrang laki nung suot ko. Hehehe. Hanggang sa muli.
The Seven Star Hotels of the World
4 years ago
Comments
9 comments to "Hayskul Bukol"
January 13, 2009 at 3:40 PM
testing comment... wala ng verification word...
January 13, 2009 at 3:59 PM
ang layo ng pics.. panu kita makikita? ehehe!! hay miss ko na din ang aking hayskul layp.. masaya kasi siya, umiikot lang sa school ang mundo ko nun eh.. at talagang napaka memorable niya.. ^^ hmm.. reminisce! reminisce!
January 13, 2009 at 4:03 PM
nakakatuwa ngang balikan ung mga kalokohan... ahaha... lalo na nung nahuli kaming nag vandal sa mga pader ng school... ahaha... balak pa kami pagpinturahin ng buong school.. bilang parusa... ASA sila.. ahaha
January 13, 2009 at 5:29 PM
aba talaga naman... sinagi ka rin pala nang iyong nakaraan...
pero tama ka... masarap balik balikan ang nakaraan... masasaya o malulungkot man na araw ang mga ito...
masaya talaga ang hyskul layp... jan kc yung mga panahong may JS prom... at yun ang isa sa mga masasayang araw ko sa hyskul. kalimutan na ang lahat wag lang yun... hehe!
pero nagtataka ako mas kclose ko pa rin mga elem frens ko... nwei gnun cguro tlg... depende sa bonding yan.
January 13, 2009 at 7:01 PM
ahaha... isa din un sa hindi ko malilimutan... ang JS prom... nai-post ko na dati dito sa blog ko.. ahaha
January 13, 2009 at 10:18 PM
ahaha.. sabi ko dati.. nung bago ako gumraduate. sabi ko hindi ko mamimiss ang highschool. pero sa huli ayun namimiss ko na rin..
nakakatuwang isipin na yung mga dating sobrang pinroblema at iniyakan mo nung bata ka pa, pag inaalala mo ngayon.. matatawa ka na lang..
galing. i survived highschool XD
January 13, 2009 at 10:39 PM
vhonne medio mhrap k nga yta mhanap jan..ang liit e..hmm..mnghu2la nlng ako..nyahahahahahah...musta n?..
January 13, 2009 at 10:41 PM
vhonne..isa pa..mdio ang ganda ng pagkakabuo ng barkadahan nyo ha?..hehehe..principal's ofis!hehehe
January 13, 2009 at 10:43 PM
@LORAINE:
wag masyadong magsaya... kelangan mo pa tapusin ang college... di ga? hehehe... alam mo n un...
@Jaja Noble:
ako nga ung nasa itaas na nakatayo.. pang-anim mula sa kaliwa...
maganda talaga ang barkadahan namin.. hehehe
Post a Comment
Bago malasheng ng tuluyan... mag-iwan muna ng kumento...