Paano nga ba magpaalam at mag-welcome? Paano mo iwewelkam ang isa habang umaalis naman ang isa? Mahirap bang patuluyin ang isa habang pinalalabas mo 'yung isa? Isa lang ang masasabi ko. ISA.
Isang tula na naman ang aking inihahandog para sa umalis... at para sa dumating...
Isang pamamaalam
Sa'yo aking kaibigan
Sa labingdalawang buwan
Ikaw ang naging sandigan
Sa bawat araw na binibilang
May kaganapang isinisilang
Sa'king mga pagkukulang
Pinupunan mo ang bawat patlang
Sa bawat ikot ng linggo
Buhay ko'y nababago
Kahit minsan ay magulo
Pero ito'y dahil sa'yo
Lumilipas ang bawat buwan
Unti-unti kang nagpaparamdam
Sa mga dumadaang kasiyahan
Nalalapit ang 'yong paglisan
Sa loob ng labingdalawang buwan
Madami akong natutunan
Kung paano haharapin
Mga bukas na darating
At ngayon ngang dumating na
Ang oras para palitan ka
Kailangan mo ng magpaalam
At tanggapin ang kahihinatnan
Salamat sa isang taon
Salamat sa buong taon
Paalam sa nakaraang taon
Pasok, Bagong Taon
The Seven Star Hotels of the World
4 years ago
Comments
2 comments to "Goodbye at Welcome!"
January 3, 2009 at 7:22 PM
oo nga ang cute nga ng blog mo, ikaw ba yung nasa itaas? lol! o ayan ah masaya na ako! happy new year tol! yes, may panibago na naman akong ilalagay sa blogroll ko!!
January 3, 2009 at 8:11 PM
hindi ko nga kamukha ung cartoon na nasa itaas eh... kapapalit ko lng kc ng template na ito... cguro pag nagtagal-tagal.. kamukha ko n ung nasa itaas... lol...
salamat sa pagdaan... ;)
Post a Comment
Bago malasheng ng tuluyan... mag-iwan muna ng kumento...