Alas-nuwebe ng umaga. Sa ganitong oras, dapat mahimbing na o nagsisimula na akong matulog. Pagod sa mga kalokohan at walang kwentang gawain. Naisipan ko munang dalawin ang ating si Batanggero. Nasilip ko ang kahuli-hulihang entri na naisulat ko dito. Ika-24 ng Enero. 'Yan ang petsa kung kailan ko isinulat ang huling blagpows ko.
Eh ano ngayon? Ngayon? Ngayon ay ika-28 na ng Enero. Apat na araw na palang nilalangaw ang tagayan-blag na ito. Matapos mag-inuman dito, hindi man lang niligpit ang mga kalat kaya nilangaw ng ganito. At matapos ang inuman na iyon, bagsak na lang sa kama dahil sa kalasingan. Kaya ang resulta. Ganito. Walang maisulat at walang masabi.
Pero bakit nga ba wala akong maisulat nitong mga nagdaang araw? Sa totoo lang, naging abala ako sa mga ilang bagay. Sa totoo lang, kinailangan kong tapusin ang mga dapat kong tapusin. Sa totoo lang, madaming bagay at pagkakataon ang sumubok sa akin. At sa totoo lang, hindi totoo 'yung mga nauna kong sinabi. Dahil ang pinakatotoo, tinamad lang ako.
Pero napag-isip-isip ko. May isip pala ako. Hindi pala ako dapat tamaan ng pagkatamad. Naalala ko na simula ng ginawa ko ang ganitong klase ng libangan, pinilit kong maging masipag. Naging masipag ako sa pagsulat at pag-isip ng mga sari-saring kwento. Ginawa ko 'yon para mahikayat ang mga taong makakabasa ng blag ko, na marunong pala akong sumulat. Marunong akong sumulat gamit ang keyboard.
At dahil nga sa pagiging masipag kong iyon, nagkamit ako ng ilang karangalan. Karangalang hindi matatanggap sa entablado. Karangalang hindi mabibili sa kung saan. Karangalang hindi madaling makuha. At karangalang magpapabago ng buhay. Kung ano ang karangalang iyon, iyon ay galing sa inyo. Kayo ang nagbigay sa akin nun kaya naman kayo din ay nakamit ko. Dahil sa mga naisulat ko, may mga taong naniwala sa kakayahan ko. Nagkaroon ako ng mga kaibigan. May nakapansin dahil madalas akong magpapansin. Nainlab dahil inlab ako, kay Loraine. May natawa dahil pinipilit kong magpatawa. At may pagkakataon na malungkot ang sinusulat ko, pero hindi naman sila nalungkot. Natawa pa rin. Meron ding ilang mga humahanga sa akin. Guni-guni ko lang pala.
Kaya ng maisip ko ang mga bagay na 'yan, alam kong hindi talaga ako dapat maging tamad. Hangga't may naniniwala sa akin, isa lang ang ibig sabihin nun. May naloloko pa ako. Pero kung pipiliin kong maging tamad, isa lang ang niloloko ko. Ang sarili ko. Lolokohin ko lang ang sarili ko kung sa kabila ng pagsusulat ko dito, hindi ko naman magawang alagaan kung ano ang meron ako dito. Kaya kailangan ko ng gumalaw para hindi mawala kung ano ang meron ako ngayon.
At ngayon. Bakit ganito ang sinulat ko? Hindi ito entri para magpasalamat sa lahat. Hindi ito blogpost para magmayabang. Hindi ko ito inilatha para may magawa. At hindi ko ito isinulat para ipakita sa lahat na may bago akong ginawa. (Dami pa sinabi... may mai-post lang...)
Sinulat ko ito, dahil MASIPAG ako. Pansin mo? Gusto ko lang sabihing masipag ako, ang haba pa ng sinulat ko. Ganyan ako kasipag magsulat. Year of the Ox. Ngayon ang taon ko. Bawal maging tamad.
The Seven Star Hotels of the World
4 years ago
Comments
13 comments to "Bawal Maging Tamad!"
January 28, 2009 at 11:28 AM
Diba nag enchanted ka? Nahilo ka siguro sa mga rides! Yung utak mo nalaglag. Haha.
January 28, 2009 at 1:07 PM
wahaha.... honga no monique? kita mo na... pati ung pagpunta namin sa enchanted.. ndi ko naalala... wahaha.. grabe na pala ako... dami ko na nakakalimutan...
January 28, 2009 at 3:02 PM
kahit ako nga sobrang natatamad na din pero go pa din ng go. sabi nga nila ngayong yr of the ox daw sweswertehin ka naman kung magsisipag ka.. so hinihila ko na lang ang sarili ko para swertehin din ako ^^
January 28, 2009 at 4:28 PM
nyahaha. . ganyan na ganyan ang nararamdaman co madalas lalo na nung mga araw na wala aco. . kaso mas malakas ang tawad ng katamaran sa akin. . hehehe. .
bawal ba tamad ngayong taon? so malas aco? deym!
masarap naman makipaglokohan sa sarili paminsanminsan. . wag mo lang gagawing bisyo. . hehe
January 28, 2009 at 4:32 PM
@cyndi:
hanggang nandito ka... hanggat binabasa mo mga blog posts ko... kakapitan ka din ng swerte... ahaha...
@paperdoll:
HOY! Papel! Isa ka sa dahilan kung bakit ako nagpopost!... ahaha... nakakahiya sayo... minsan ka lang dumalaw dito... wala ka pang mabasang bago... ;)
January 29, 2009 at 3:06 AM
oo nga minsan ang verification word nagtatago... pero sendali... magtatago ren lang muna akoh... hilo nah akoh... waaahh... lolz.. have a nice day... GODBLESS! -di
January 29, 2009 at 3:15 AM
kaya nga inalis ko na ung word verification ko dito eh... ahaha... wala sanang spam na dumating... lol
January 29, 2009 at 8:51 AM
taas kamay ko sa iyo...
sobra pare ang sipag mo!
gawa akong sisig, ano? inuman na?
January 29, 2009 at 10:44 AM
sige sige sige... inuman na... red horse lng ako ha? iwas muna sa brandy at sa gin... ahaha.. pang beer n lng ako... lols
January 29, 2009 at 12:12 PM
hindi pwde ang tamad sa lawschool kaibigan, pero uubra ang mga alcoholic.
dahil sa pagkalunod sa sobrang pag-aaral dahil midterms, hindi ko nagawang tanggihan ang isang matinding imbitasyon at umiral ang pagkahayok ko sa alak nun martes ng gabi. nagsimula kami sa layunin na tikman ang bagong "San Miguel Premium" (mahal P48 tpos lasang cali). nauwi tuloy sa sunod-sunod na dating ng beer buckets at napauwi ako ng 4am. pero dahil midterms kailangan gumising ng maaga, 10am nasa library na ko. dahil sa hangover, dumiretso ako sa sofa (sosyal ang arellano gusto talaga relax kami sa library, pwde matulog, kunsintidor, ayos!) at nagising ako ng 12nn kailangan ng sumabak sa libro wala na yun tayuan. naku 4.30pm na exam na, wasak na ba ako sa tax,?! lahat ng kaklase ko nasa no.3 na, lumipas na ang 10 minuto bago ko nagsimulang sumagot sa question no.1. 7:15pm natapos ko ang exam, lutang na utak ko may exam pa kinabukasan, pero hindi libro ang hanap ko, alak muna.
alak nga naman... :)
January 29, 2009 at 8:47 PM
natawa ko jan sapic ah!heheheh!ako kc alm ko kung bat bc-bchan ka jan!kc in..in..l..llll..loooooooooooooovvvvvvvvveeeeeee!!!
hahahahhaah!
January 29, 2009 at 10:52 PM
@hukombitay:
magkakasundo po tayo... basta sa larangan ng alak... ako... bilang batanggero... isang tanggero sa bawat baso... ay hindi marunong tumanggi sa inaalok na bote... hehehe... alak pa...
@jajaaaaaaa:
maganda talaga ung pic... tagal ko na nakita yan.. buti nahanap ko ulit... masipag ako maghanap eh... lol...
isa din un sa naging dahilan.. busy.. busy.. busy sa pagmamahal... ahaha.... mishue bella flores ng blogosphere...
January 30, 2009 at 1:38 PM
siyempre, masamang tumanggi sa grasya.
kaya tagay pa, shot ko na po.
:D
Post a Comment
Bago malasheng ng tuluyan... mag-iwan muna ng kumento...