Dec 11, 2008

Pares-pares

15 na lasing
Nakakabato. Walang magawa. Mag-isa sa kwarto. Walang lowd, hindi makateks si leading lady. Namimis na. Naghanap ng magagawa. Inisa-isa ang mga libro para magbasa na lamang. Hinahanap ko 'yung unang librong isinulat ni Bob Ong. 'Yung ABNKKBSNPLAko. Hindi kasi nakakasawang basahin ulit 'yun. ABNWWL 'yung libro ko. Hindi ko makita. Naisipan ko na lang maglaro.


Hmm... Ano ba ang magandang laruin habang nag-iisa? 'Yung kahit nakahiga ka magagawa mo, tapos malayo ang nararating ng imahinasyon mo. Tapos napapangiti ka pagkatapos mong mailabas 'yung gusto mong palabasin. Huwag 'yung iniisip ninyo. Bastos 'yun. Alam ko na. Maglaro na lang ako ng Pares-pares!

Paano ba laruin ang Pares-pares? Mag-isip ng mga parte ng katawan na may kapareha o kadoble.

Mga ginamit ko para malaro ang Pares-pares:
  • Lapis, bolpen o kahit anumang uri ng panulat
  • Kahit anong klaseng papel basta wala pang sulat
  • Parte ng katawan na hahanapan ng kapareha
  • Matinong pag-iisip para gumawa ng hindi matinong maisip
At heto ang nabuo ko. Isang mahabang tula na hindi ko alam kung may patutunguhan.

Pares-pares

Dalawang bola, na nakakakita
Ibinigay sa atin at tinawag na mata

Malaki ang tulong ng ating ilong
Sa butas na dalawa, tayo'y nakakahinga

Dalawa rin ang tenga, sa magkabilang gilid
Upang marinig ang nasa paligid

Kamay ay dalawa, kanan at kaliwa
Dumadali ang gawain, kung parehong gagamitin

Nag-uunahang paa, bilang ay dalawa
Humakbang at tumakbo ka, 'di ka matutumba

Madaming dalawa, sa ikaw na nag-iisa
May kapares ang isa, doble ang dalawa

Bawat isa sa kanila, may kaparehang kasama
Upng mapaganda, ang bawat gawain nila

Ngunit nangangamba, ang puso'y nag-iisa
Baka maging problema ang kawalan ng kapareha

Sinasabi ng iba, ang puso ay iisa
Dahil ang kapares niya, nasa katawan ng iba

Para sa akin ay hindi, at sila ay mali
Dahil hindi magiging madali, kung sa ibang katawan ipipili

Ang utak ay nariyan, ang puso ay kailangan
Upang maramdaman, ang kanyang nalalaman

At ang pusong tumitibok, ang utak ay sinusubok
Upang ang bawat nararamdaman, magkaroon ng kasagutan

Kung ang puso'y nag-iisa, utak ang kailangan niya
Kaya ngayon ay tapos na, dalawa na sila

Mahirap mag-isip, kung wala kang puso
At mahirap magmahal, kung wala kang utak

...

Comments

15 comments to "Pares-pares"

Anonymous said...
December 11, 2008 at 10:52 PM

ibang klase ka mabore, nagiging creative!

Vhonne said...
December 11, 2008 at 11:38 PM

@ate kengkay:

ndi naman maxado.. ginaganahan lang kapag may mga taong tulad nio... na naaappreciate ang ginagawa ko.. khit pangit... sinasabi niong maganda... ahaha...

salamat po...

Kosa said...
December 12, 2008 at 3:59 AM

iba nga ang tono ng tulang ito ah.... akala ko ba... ahhh single single ang drama..lols

magaling magaling magaling..

Abou said...
December 12, 2008 at 3:26 PM

pwede itong idagdag sa kurikulum sa elemntarya he he

Vhonne said...
December 12, 2008 at 6:01 PM

@Abou:

ahaha... maiintindihan naman kaya yan ng mga nasa elementary? hehehe

Anonymous said...
December 14, 2008 at 9:59 AM

"Dahil hindi magiging madali, kung sa ibang katawan ipipili"

ahuh ahuh, napaisip ako.

so far, eto pinaka gusto kong poem mo. parts of the body tapos utak at puso. ipagpatuloy mo yan vhonne ko..

may internet na ko bwahaha.
i miss you too. yii.

Mai said...
December 14, 2008 at 1:30 PM

ayos trip mo ah.. hehe.. bro I'm back! har har.. tgal ko nawala.. :)

Vhonne said...
December 14, 2008 at 3:17 PM

@mahal kong LORAINE:

ano naman ang iniisip mo sa part na un? hmm... madaming pwedeng kahulugan yan eh... ung ibang meaning na ginamit ko jan... bakit mo hahanapin sa ibang katawan kung pwede mo namang makita ung kapareha sa katawan mo... at kung sa ibang katawan mo kukuhanin ung kapartner nung puso... paano naman ung katawan na inagawan mo ng puso? hehehe..

i love you loraine...

@Mai:

welcome back.. ano bang pinagkaabalahan mo? ay nawala kang bigla? hehehe

JCGO16 said...
December 14, 2008 at 11:50 PM

very nice, ganda ng blog

Vhonne said...
December 14, 2008 at 11:53 PM

@jcgo16:

salamat po sa pagdaan.. balik kayo... ;)

Anonymous said...
December 15, 2008 at 9:46 PM

hello sayo... MERRY XMAS AND HAPPY NEW YEAR!!! mwah! salamat sa pagiging bahagi ng blog ko! magpapahinga muna ako.

-joshy

Vhonne said...
December 16, 2008 at 2:47 AM

merry xmas ang happy new year din.. sayo at sa lahat...

Anonymous said...
December 27, 2008 at 12:06 AM

verry profound naman ito. nice work. may aral na mapupulot. na realize ko na dalawa pala ang mata at butas ng ilong ko. hehehehe

Merry new Year and happy Christmas. :)

Vhonne said...
December 27, 2008 at 2:43 AM

@ate mahalia:

mabuti naman po at natutunan nio na un... ahaha... ndi naman malalim ung sinulat ko ah? hindi lang napapansin maxado... lol

Merry Xmas din po.... at Happy New Year...

JCGO16 said...
January 2, 2009 at 4:35 PM

haha, ang kulit
parang ipis

Post a Comment

Bago malasheng ng tuluyan... mag-iwan muna ng kumento...

 

Copyright 2008 All Rights Reserved Revolution Two Church theme by Brian Gardner Converted into Blogger Template by Bloganol dot com Customized by Vhonne DeVille