Trapik! 'Yan ang isa sa reklamo ng mga tao dito tuwing sasapit ang ganitong araw. Araw kung kailan inaalala ang mga mahal sa buhay na namatay. Trip nilang dalawin ang mga ito dahil natatakot silang sila ang dalawin ng mga yumao. Ang haba nga naman ng pila ng mga sasakyan sa kalye patungo sa kung saan mang sementeryo.
Kaya 'yung iba na lang, mas gugustuhin na lang na maglakad kesa magbiyahe. Mas napapabilis nga naman ang pagpunta nila kung lalakarin na lang. Pero pagdating naman sa bukana pa lang ng sementeryo, puno naman ng mga tao. Siksikan, may mga palabas at may mga papasok.
Lalong sumisikip ang daan dahil sa mga maliliit na tindahang itinatayo sa tabi ng daraanan. Hindi lahat ng tao sa sementeryo ay nandun para dumalaw. Karamihan sa mga nandun ay para rumaket, saydlayn, gimik at kung anu-anong trip pa na pwedeng pagkakitaan. Kaya ang tip natin, wag masyado magdala ng mamahaling gamit o kaya maraming pera. May mga mandurukot na biglang hahawak sa bag mo o sa walet mo, pero mas matakot ka kung may hahawak sa paa mo. May hahawak na kamay sa paa mula sa lupa.
Kung ang binili mo namang bulaklak at kandila eh 'yung may kamahalan at kagandahan, wag mo agad iiwan sa puntod na pinag-alayan. Dahil sa isang iglap, mawawala ng parang bula ang mga 'yun. Ewan kung ano'ng trip nung ibang bata, pati ung mga natunaw na kandila eh kinukuha pa rin, tapos ginagawang bilog. Kaya kesa magandang bulaklak ang iwan mo, subukan mong mag-iwan ng bahay ng bubuyog para makasigurado kang walang kukuha. At kesa kandila ang ilagay mo, kumuha ka na lang ng dinamita at 'yun ang itirik mo, lagyan mo na din ng desayn 'yung dinamita para maganda. 'Wag mo lang sindihan dun, hayaan mo na sila ang magsindi kapag nakuha nila. Sigurado ako, madadala na 'yung kumuha ng hindi kanya.
'Wag na din kayong magdadala ng mga selepono sa sementeryo. Sa dami ng tao, pwede nila madukot 'yun sayo ng hindi mo namamalayan. At hindi mo din naman magagamit 'yun dun. Hindi ka makakatawag o makakateks man lang. "Deadspot" kasi dun. Walang signal.
Madaming posibleng mangyari kung pupunta ka sa sementeryo, kelangan lang natin ng matinding pag-iingat. Pero sa kaso ko naman, medyo hindi ko ginagawa ang ilang tips na nasabi ko diyan. Hindi kasi ako nakikisabay at nakikisiksik sa kanila sa araw na iyon. Makalipas na lang ng ilang araw, saka ako pupunta. Hindi naman dapat na sa araw lang ng patay tayo bumisita sa mga mahal natin sa buhay eh. Subukan mong dumalaw ng walang okasyon o mahalagang araw, wala ka pang aalahanin masyado.
...
The Seven Star Hotels of the World
4 years ago
Comments
17 comments to "Halloween: Tips or Trips"
October 31, 2008 at 8:11 PM
nakadalaw ka na kagad?
matanong ko lang, uso rin ba sa inyo ung pagluluto ng suman tuwing undas?
samen kasi hindi. panay hingi ng katrabaho ko. hahaha..
di ako makaka attend ng EB.. :(
October 31, 2008 at 8:14 PM
suman? yata.. basta ung mga malalagkit...
bkt hindi ka makakasama? sabagay... parang ako din eh... walang kasiguraduhan... kung makaksilip ako...
October 31, 2008 at 11:54 PM
when i was there, parati kong naririnig ang UNDAS UNDAS na yan and honestly, indi ko naintindihan hahaha!
napagalitan ako nang malen hehehe
November 1, 2008 at 7:04 AM
dapat wag makisabay sa flow ng tao. ginagawa din kasing big event slash reunion ng iba ang nov1 kaya tlgang uber matao! ;)
November 1, 2008 at 10:04 AM
mahal na reyna... kung mapapansin nio po... walang word na UNDAS sa nasulat ko sa blog entry ko na yan... kasi.. ndi ko alam kung anong araw b un dinaraos... o kung ano talaga meaning nun.. ahaha...
November 1, 2008 at 10:05 AM
@chyng:
kapag ganitong panahon.. nagkikita din ang lahat ng pamilya... pero sa bahay n lng ng lola ko... kesa sa sementeryo... lol... ayoko kc ng madaming tao...
November 1, 2008 at 3:42 PM
Napangiti naman ako sa mga tips mo rito. Matuwa naman kaya ang mga yumao, at hindi kaya sila ang dadalaw sa atin (tulad ng sinabi mo) kapag bahay ng bubuyog at dinamita ang iwan sa puntod? Hahahah! Gusto ko ang takbo ng isipan mo sa post na ito.
Natawa rin ako nang nabasa kong hindi dapat magdala ng selepon dahil 'deadspot' din naman doon! Tama!
Kahit wala akong dadalawing puntod dito sa bansang kinasasadlakan ko ngayon, parang nasa Pilipinas na rin ako dahil sa mga eksenang binaggit mo, plus yung photo na nakalagay rito. Talagang kumuha ka ng picture pam-blog? Galing!
November 1, 2008 at 5:07 PM
@RJ;
hindi nmn cguro sila magagalit kung gagawin ntin un... para lang naman hindi manakaw ung gamit... lol...
biglaang post nga lang yan... hinabol ko para sa araw na ito... hahaha... gumawa lng ako ng tips... para may dahilan ako kung bakit hindi ako makakadalaw sa mga yumaong kamag-anak ko...
**nga pala... sa gugel ko lng napulot ung photo... ahaha... credits na lang kung sino may ari nun... lol
November 1, 2008 at 8:01 PM
happy halloween vhonne
November 1, 2008 at 10:04 PM
happy halloween din josh... walang takutan... mapapahaba kc ang kwentuhan pag takutan ang usapan... ahaha
November 2, 2008 at 1:33 AM
happy halloween sa lahat, natatakot ako, nakakatakot kasi ung movie na pinanuod ko, sobrang creepy... awwooooo...
November 2, 2008 at 2:52 AM
dito malinis ang daan kapag nov 1, hindi kasi uso sa kanila ang sumugod e, hehe.
November 2, 2008 at 9:41 AM
anong movie yun Mai? gusto ko ung mga horror movies eh...
@ate kengkay:
ang daming tradisyun nmn ng pinoy ang hindi uso jan sa inyo eh... pero sana po... kahit ganun... alam nio pa rin kung paano kayo makikiuso dito sa pinas... hehe
@offtopic: ung word verification ang nakasulat "undes"... muntik ng maging "undas" lol
November 3, 2008 at 1:04 PM
thanks for the advice.. kaya lang di ako nagpunta sa sementeryo kasi malayuan byahe pa eh.. cheers;p-glesy the great
November 3, 2008 at 1:50 PM
pareho lng tayo.. ndi din ako nakapunta eh... ehehe
September 23, 2010 at 2:57 PM
Gagawin kong reference ang litrato mo ng mga patay.
Pero huwag kang mag-alala maraming bibisita sa blog mo...Pero huwag kang mag-alala buhay naman sila.
September 23, 2010 at 2:59 PM
Okay ang blog mo, binukmark ko na din.
Post a Comment
Bago malasheng ng tuluyan... mag-iwan muna ng kumento...