Sep 9, 2008

Sino ang Nangangaliwa?

0 na lasing
Habang mahimbing na natutulog si Tatang Tanggero dahil sa matinding kalasingan sa kalagitnaan na gabi, bigla na lang siyang nagulat sa sigaw ng katabi niyang babae...

Babae: Dalian mo! Umalis ka na! Andiyan na ang asawa ko!

(Kahit medyo nahihilo pa si Tatang Tanggero ay dali-dali siyang tumalon ng bintana habang nakahubad at bitbit-bitbit ang kanyang damit at sapatos. Nang medyo nakakalayo na siya, ay bigla siyang natigilan at napaisip...)

Tatang Tanggero: Teka nga! Bakit ako tumatakbo?... EH AKO ANG ASAWA NIYA!!!

Comments

0 comments to "Sino ang Nangangaliwa?"

Post a Comment

Bago malasheng ng tuluyan... mag-iwan muna ng kumento...

 

Copyright 2008 All Rights Reserved Revolution Two Church theme by Brian Gardner Converted into Blogger Template by Bloganol dot com Customized by Vhonne DeVille