1. Ano ba ang mangyayari kapag inabutan ka ng "siyam-siyam"?
2. Gaano kabilis ang mabilis pa sa alas-kuwatro?
3. Ano ba ang ginagamit na panulat kapag sinabihan ka na "ilista mo sa tubig."?
4. Totoo bang matagal mamatay ang masamang damo? Di ba isang bunutan lang 'yun?
5. Hindi ba mapapakain sa kambing ang damo kapag patay na ang kabayo?
6. Bakit kailangan pa mamaluktot kapag maigsi ang kumot? pwede naman patayin aircon o kumuha ng mas mahaba.
7. Gaano ba kasakit ang abutan ng "pagkagat ng dilim"?
8. Nahuhukay ba ang gabi kapag sinabing "lumalalim na ang gabi"?
9. Kung sa Silangan sumisikat ang araw at sa Kanluran lumulubog, ano naman ang masasabi natin sa Hilaga at Timog?
10. Maniniwala ka ba kapag may nagsabi sa'yo na "lasang ipis" kinakain nya? Depende na lang kung nakatikim na talaga siya ng ipis.
11. Naamoy na ba nila ang araw para sabihing "amoy-araw" ka?
12. Nakakita na ba sila ng anghel para sabihing "mukha kang anghel"?
13. Kapag ba sinabing "may tama ang taong 'yun," ibig sabihin ba n'un, may "mali" siya sa pag-iisip?
14. Bakit "blackboard" ang tawag sa board na kulay green?
15. Bakit sinasabi nilang "practice makes perfect" kung kokontrahin din lang naman ng "nobody's perfect"?
16. Kung alak-alakan ang tawag sa likuran ng tuhod, ano naman ang tawag sa harapan ng siko?
17. Bakit ang mga daliri sa kamay ay may pangalan (hinlalaki, hintuturo, hinlalato, palasinsingan at hinliliit), bakit wala tayong tawag sa daliri sa paa?
The Seven Star Hotels of the World
4 years ago
Comments
5 comments to "Nagtatanong Lang Po"
September 26, 2008 at 8:47 AM
added you na sa thefilipinoweb :)
September 26, 2008 at 8:55 AM
Very good job you got here! You make me smile!
September 26, 2008 at 1:40 PM
thanks for visiting... ;)
September 30, 2008 at 9:02 AM
Pwede rin po ba magtanong?
Gusto ko rin po sanang malaman kung paano po matulog ang kuba at kung ang kalabaw naman po ay nakaharap sa silangan saan naman po siya nakatalikod?
Thanks Vhonne! I can't help myself to ask that question after you make me laugh with all of your questions.
More power!
September 30, 2008 at 3:02 PM
nakapikit din lang matulog ang kuba... tulad ng normal na tao...
kung sa silangan nakaharap ang kalabaw... ang likod niya ay nakaturo sa taas...
sana ay nasagot ko ang yung mumumting katanungan... salamat po ng marami...
Post a Comment
Bago malasheng ng tuluyan... mag-iwan muna ng kumento...