Tatang Tanggero: Dok, masyado pong sumasakit ang buong katawan ko eh. Pa-tsek-ap ko sana sa inyo.

Doktor: Hmm, buong katawan po ba 'ka niyo? Pwede po bang maging espesipikado kayo, kung alin mismo sa katawan niyo ang sumasakit?
Diniinan ni Tatang ang hintuturo niya sa kanyang tuhod. At namilipit sa sakit. Tapos, sunod naman niyang itinuro ang siko sa doktor at muling napadaing sa sakit. Halos lahat ng parte ng katawan niya na malapatan ng daliri niya ay sumasakit.
Tatang Tanggero: Dok, natatakot ako eh. Baka po meron na akong AIDS? O kaya sa kulam? Baka mamamatay na ako, Dok! Mababaliw na po ako!!
Doktor: Eh baliw ka na nga talaga! Hindi naman buong katawan niyo ang masakit eh. BALI ANG DALIRI NIYO!!!

Comments
0 comments to "Masakit"
Post a Comment
Bago malasheng ng tuluyan... mag-iwan muna ng kumento...