Oct 4, 2009

Tuloy Ang Laban ng Buhay!

2 na lasing
Heto na naman. Nagugutom ako. Kinuha ko ang walet ko kahit walang lamang pera. Pero may ey-ti-em kard. Palabas pa lang ako ng bahay, iniisip ko na kung ano ang bibilhin kong makakain. Napadaan ako sa Burger Machine. Bukas pa. May tao. Pero tulog. Dumiretso muna ako sa ATM machine para kumuha ng pambili. Unang destinasyong bangko. Hindi ako nakakuha ng pera. Pangalawang bangko. Hindi pa rin ako pinalad. Pang-apat. Hindi na ako umabot ng pang-apat. Dahil sa pangatlong bangko, hindi pa rin ako nakapagwidro. Kahit pagtsek ng balanse, hindi ako pinayagan ng Ey-Ti-Em na 'yan. Uuwi na lang ako.


Habang naglalakad pauwi, wala ang mga maliliit na tindahang laging nandoon. Hindi na laging nandoon kasi nga wala ngayon. Hindi sila nagtinda ngayon at nung mga nakaraang araw dahil na din sa bagyo. Hindi na malakas ang ulan dito sa lugar namin. Pero basang-basa pa rin ang mga kalsada. Maswerte pa rin kami dahil nasa mataas na lugar kami. Hindi kami masyadong apektado ng mga baha.

Bigla kong naalala ang mga nakita at napanood ko. Baha. 'Yung mga lugar na tinamaan ng malaking pinsala dahil sa baha. Dahil ang pangyayaring 'yun ang dahilan kung bakit nawalang ng ari-arian, kabuhayan, edukasyon, pagkain, tirahan, kagamitan at higit sa lahat, maraming buhay. At kasalukuyang bumuhos na naman ang ulan, habang sinusulat ko ito.

Lahat ng magagandang nakikita ng mata mo, biglang mawawala ng ganung kadali lang ng dahil sa matinding baha. Lahat ng magagandang 'yun, mapapalitan ng putik. Parang sinasabi ng baha sa lahat, "Papatayin ko ang lahat na hindi marunong maglangoy. Uubusin ko ang lahat ng mahihina. Kawawa ang walang magagawa." Pero kahit ganoon, hindi tayo basta-basta sumusuko. Sinasagip ang hindi marunong maglangoy. Tinululungan ang mga mahihina. Pinoprotektahan ang walang nagagawa. At sinusuportahan ang malapit ng sumuko.

Maaaring makuha ng bagyo at baha ang lahat ng ating mga pinakaiingatan. Maging ang buhay ng ilan sa atin. Pero kailanman ay hindi makukuha ng unos na 'yun ang lahat ng magagandang alaala natin. Habang patuloy nating pinagsisikapang bumangon mula sa pagkalunod, mananatili ang ating alaala sa lahat ng nawala.

Huwag din nating isisi sa Diyos ang kasalanan sa tuwing may ganitong pagkakataon. At sa maraming tao din, huwag din isumbat na kasalanan ng tao ang mga nangyayari kaya pinaparusahan ng ganito. Patuloy tayong pinapadalhan ng baha ng ating Lumikha, dahil alam niyang malalampasan natin ito. Kapag wala na Siyang binitawang bagyo para sa atin, ibig sabihin lang noon na walang kwenta ang una niyang ginawang bagyo.

Matatapos ang mundo natin kung gugustuhin Niya. Siya ang magdedesisyon kung tatapusin na niya ang mundo. Hindi tayo ang sisira sa mundo. At lalong hindi masisira ang mundo, nang dahil lang sa baha at bagyo. Tuloy lang ang buhay.

Ramdam Niya tayo. Hindi Niya tayo pababayaan. Lalaban tayo! (Hindi si Sen. Mar Roxas ang tinutukoy ko.... hehehe...)

================================================

Off-topic:

Boboto ako! Hindi pa para sa pagpa-presidente ng bansa. Boboto ako para sa 2009 Bloggers' Choice Award (National)

I vote for taympers
Bloggers' Choice Award
2009 Philippine Blog Awards


Comments

2 comments to "Tuloy Ang Laban ng Buhay!"

taympers said...
October 5, 2009 at 3:46 PM

nawala yong koment ko kahapon. anyway, tama tuloy lang ang buhay, isipin na lang natin to na pagsubok lang ito na kaya nating lagpasan sa kahit anong anggulo, pinoy tayo matapang at pursigido. salamat pala sa boto mo.

Anonymous said...
October 6, 2009 at 8:04 AM

wow nice shot...

indeed, life must go on!!!

habang may buhay may pag-asa... let us not lose hope!

Post a Comment

Bago malasheng ng tuluyan... mag-iwan muna ng kumento...

 

Copyright 2008 All Rights Reserved Revolution Two Church theme by Brian Gardner Converted into Blogger Template by Bloganol dot com Customized by Vhonne DeVille