Heto na naman ako, Sumusubok magsulat ng panibago, Pero paano nga pala ako bumuo ng kwento? Sabi nila, kung ano 'yung nararamdaman mo na hindi mo masabi ng may boses, madali lang ilabas kung idadaan mo sa pagsulat, Sa mga sinusulat ko, maraming tinatamaan, Maraming nakakasabay, Nakakasakay, Nakakaunawa, Pero sa mga taong madalas mong makasama, hindi ko alam ang mararamdaman ko kapag sila mismo ang tinamaan, at parang naramdaman na sila mismo ang tinutukoy, 'Yung kulang na lang ay pangalan para sabihing sila na nga mismo ang tinutukoy ko,
Pero hindi, Lahat ng kwento ko dito, labas ang kasalukuyang nagaganap sa paligid ko, 'Yun ang alam ko, Sumusulat ako kung ano ang laman ng utak ko, Kung anong aydiya ang mabuo sa isip ko, May nagtatanong kung ang mga sinusulat ko ay para talaga sa mismong taong gusto kong patamaan, dahil 'yun ang napapansin nila, Sinasabi ko na lang na kung ganun nga ang nangyayari, para palang isang sitkom ang blag kong ito, Kung tatanungin ako kung may tinutukoy akong tao sa bawat kwento ko, sasagutin ko ng OO, Tinutukoy ko sa mga kwento, ang lahat ng tao, Pinapatamaan ko ang lahat ng pwedeng patamaan, Lahat, Hindi sa iisa o iilang tao lamang, Kung hindi ka matamaan ng mga sinasabi ko, dalawa lang ang ibig sabihin noon, Magaling kang umilag, o bulok akong bumato,
Tama na ang mahabang introduksyon, Simulan na ang kwento, Ewan ko kung kwento nga ang itatawag ko dito ngayon, Tribya? Hindi ko din alam, Pangdagdag-kaalaman na lang siguro, Nakikita mo ba ang larawan sa itaas? Hindi 'yung header ng blag ko, mga lasenggero 'yun, Itong larawan na kasama sa entri na ito, Ano ang nakikita mo sa larawan na 'yun?
Oooppss! Teka! Sumagot ka muna bago mo basahin ang kasunod, Sa larawan na nasa itaas, dalawa ang kadalasang nagiging sagot natin, Ganito:
1, "Wala naman eh! Nasaan ga? Puti lang naman ang nakikita ko eh!"
2, "Tuldok! Isang Tuldok! Period, Dot, Maliit na Bilog, Kulangot?"
Sa dalawang sagot na yan, may dalawang eksplanasyon din ang nabuo, Dalawang eksplanasyon na nagpapakita at nagpapatunay kung paano mag-isip ang tao, Tayo, Sa unang sagot, [1, "Wala naman eh! Nasaan ga? Puti lang naman ang nakikita ko eh!"], Kapag may ginawa tayong maliit na bagay na maganda o positibo, dahil nga sa maliit lang ito, hindi ito madalas mapansin, O kaya ay hindi madaling makita, Kadalasan, nakikita na nga, pero binabalewala, Ikaw ba 'yun? Mas napapansin mo 'yung wala kesa meron, Mas nakikita kang walang ginagawa at hindi nila tinitingnan kung ano 'yung ginagawa mo, Ikaw ba 'yun? Tayo,
Dumako tayo sa pangalawa, [2, "Tuldok! Isang Tuldok! Period, Dot, Maliit na Bilog, Kulangot?"] Kung akala mo na mas tama ka dahil itong pangalawa ang napili mong sagot, mali ka, Ibahin natin ang sitwasyon, Kung ang tuldok lamang ang iyong nakita, hindi mo napapansin ang napakalaki at napakalawak na puting espasyo sa paligid ng tuldok na iyon, Kung ang tuldok na iyon ang nagsisilbing isang bagay na ginawa mo, na negatibo o masama, at 'yung malaking espasyo na 'yun ang ginawa mong mabuti, mababalewala na ang lahat ng nagawa mong maganda dahil lang sa isang napakaliit na pagkakamaling nagawa mo, Ikaw ba 'yun? Tayo,
'Yan ang isang halimbawa na may dalawang magkaibang pananaw, Inilagay natin ang tuldok sa positibo at negatibong sitwasyon, pareho lang na hindi maganda ang resulta, Wala sa tanong ang problema, Maaaring sabihin mo na ginugulo ko lang ang utak ninyo, dahil kahit ano ang piliin mo sa dalawa, may nakahanda na akong sagot para maliin ka, Sa pagsagot mo pa lang, mali ka na talaga, Bakit? Dahil ganun ang tao mag-isip, Ganun ang tao, 'Yun tayo,
Kung sa palagay mo naman ay tama ang sagot mo, Kung napansin mo nga ang isang tuldok na kasama ang malaking espasyong nakapaligid sa kanya, Base sa larawang nakita mo, Ikaw 'yun, Sana kami rin, At sana, hindi lang sa larawan, kahit sa tao, tingnan mo kung ano ang nakikita mo na hindi nakikita ng iba,
*******************************************************
Salamat kay Loraine/Aning, naalala ko 'yung sinulat niya na walang tuldok, Kay Sir Buddy [William Badillo] na propesor ko nung nag-aaral pa lang ako sa kolehiyo dahil sa kanya ko natutunan ang ilan sa nabanggit ko, At kay Kheed na tumulong sa akin para makabuo ng panibagong entri na tulad nito, Kung hindi ko siya nakausap, hindi lalabas 'yung ganung aydiya ko,
*******************************************************
Tingnan mo ang puting espasyo sa paligid ng larawan, Malawak, Pwede ka pumwesto kahit saan doon, Huwag mong isiksik ang sarili mo sa tuldok lang, Sa isang tuldok na iyon, ganito ang kalalabasan mo,
1 [ikaw] sa loob ng isang dot = 1d1ot
Ano'ng nabasa mo sa kinalabasan? 'Yun tayo, Sa ngayon, Pwede pa nating mabago, kung hindi muna natin lalagyan ng tuldok ang lahat, Dahil ang tuldok din, ang nagbibigay-hudyat ng katapusan [tuldok].
......
Basahin ang kabuuan nito...
The Seven Star Hotels of the World
3 years ago