Mar 24, 2009

Naghihintay sa Wala

12 na lasing
Isa ka ba sa naghihintay ng tamang lalaki/babae sa buhay mo? Isa ka ba sa naniniwala na ang taong karapat-dapat sa iyo ay kusang darating at hindi dapat hanapin? Isa ka ba sa nagsasabing hindi mo dapat hintayin ang tinatawag mong soulmate dahil lalapit at lalapit ito sa iyo? Isa ka ba sa binabayaran ng 200 pesos para mag-rally sa EDSA? Pwes! Makibaka! Huwag matakot!


Noon, isa ako sa mga nag-iisip at nakikinig sa mga ganyang sabi-sabi ng iba. Pero hindi kasama 'yung pagrarali kapalit ng pera. Lagi akong sinasabihan ng kaibigan ko na darating at darating din ang tamang babae para sa akin. Huwag lang daw ako mainip. Huwag kong hintayin. At lalong huwag kong hanapin.

Pero kung pareho kayo ng iniisip ng nakatadhanang kapareha mo? Pareho kayong naghihintay sa isa't isa. Pareho kayong naghihintay sa wala. Pareho kayong umaasa na darating sa buhay ninyo ang isa't isa. Pareho kayong tatandang dalaga at binata. Pareho na lang kayong magrali sa EDSA.

Matagal akong naghintay. Matagal akong umasa. Nagbabaka-sakaling may kumatok ng pintuan at pagbukas ko, biglang sasabihing siya ang soulmate ko. Pero hindi ganun ang nangyari. Walang kumatok sa pinto. (Awts! May biglang kumatok sa'kin ngayon dito, hiningian ako ng 500 ng tatay ko. Seryoso! Tsk!) Huwag na kayong maghintay ng kakatok! Hahaha. Balik sa sinasabi ko, dahil sa paghihintay ko sa sinasabi nilang darating sa buhay ko, lalo kong nararamdaman na walang darating.

Hindi mo kailangang maghintay ng tamang tao para sa sarili mo. Bagkus, maging tamang tao ka para dumating sa buhay ng isang tao. Hindi mo na kailangang maghintay, ikaw na mismo ang lumapit. Walang mangyayari kung nakatunganga ka. Mas mabuti na 'yung alam mong kumilos ka kahit hindi ka sigurado, kaysa naghihintay ka nga ng matagal, hindi ka din naman sigurado.

Si leading lady ko ngayon. Kilala ninyo na 'yun. Siguro siya 'yung tamang babae para sa akin, at siguro ako ang hinihintay niya para sa kanya. Buti na lang, pinasok ko ang tahimik niyang mundo. Nakigulo ako at hindi naghintay na siya mismo ang lumapit sa akin. Kung nagkataon, pareho lang kaming maghihintayan... sa wala.

Ayos! Ang ikli ng entri ko. Para lang may maisulat. Hehehe.

Comments

12 comments to "Naghihintay sa Wala"

♥ K.i.i.k.a.Y ♥ said...
March 24, 2009 at 8:39 AM

awww..well seyd batanggero...cheers for that :D

Dhianz said...
March 24, 2009 at 9:43 AM

"Hindi mo kailangang maghintay ng tamang tao para sa sarili mo. Bagkus, maging tamang tao ka para dumating sa buhay ng isang tao" --- aww luv d' quote vhonne...

ngaun lang muli akoh nakarating ditoh sa haus moh... hayz nakakarelate sa post moh... pero akoh naman naniniwala na pagtatagpuin kme na kung sino man 'un ni God in His right time... pero true u don't have to wait for it... u gotta enjoy ur moment muna... enjoy d' life of bein' single... cuz once in a relationship or once married eh marami nang things na nde moh magagawa... you don't have to look for it... mararamdaman moh na lang kapag andyan na sya... basta ganonz... i juz trust God =)

at least sau natagpuan moh nah... i'm happy for u and her.... i wish you two all d' best.. basta lagay nyo lang si God sa center nang relationship para kahit anong bagyo ang pagdaanan nyo eh malalagpasan nyo at kahit sino mang pilitin paghiwalayin kayo itz Him who's always gonna put you two back together....

so yeah... ingatz lagi.. GODBLESS! -di

Anonymous said...
March 24, 2009 at 3:12 PM

tama ka sa mga sinabi mo... "Dont wait the right person to come into your life, instead, be the right person to come into someones life." hahaha parang ini english ko lang ah.. haha...

abe mulong caracas said...
March 25, 2009 at 3:19 AM

matagal ko na ring hinihintay yung may darating sa amin para sabihing siya ang soulmate ko...kahit nga email o text baka patusin ko hehehe

pero seriously, 2 weeks ago, nag anak sa binyag at matapos kong kantahin ang when she cries sa videoke, a ninang commented "galing naman" at yun na ang mukhang simula...

ngayon nasa texting period pa rin kami pero we saw each other last sunday!

siya nga pala, bago matapos ang inuman sa binyagan may naghamon ng away sa akin...ex bf pala ni ninang

Vhonne said...
March 25, 2009 at 10:50 AM

@kikay:
thanks... hehehe...

@dhi:
salamat sa mga payo... tatandaan namin yan... :-*

@yhen:
mismo... tagalugin ko.. inglesin mo... ahaha... salamat...

@abe:
huwaw... may kumakatok na sa pinto ng puso mo... pero mukhang may kakatok din sa bungo ng ulo mo kapag nakipagsuntukan ka dun sa ex... ahaha... gudluck...

Unknown said...
March 26, 2009 at 1:44 PM

haha. hay naku. sa dapat bang ako na rin ang mauna? babae ako eh. whew. :)

Anonymous said...
March 26, 2009 at 9:41 PM

ang ganda ng pagkakasabi mo pren....
masyadong matalinhaga....
tama nga naman na pag naghintay ka...naghihintay ka sa wala dahil hindi ito darating. walang iniwan sa kwento ni juan tamad na hinihintay niyang bumagsak ang bunga.

ang totoong pagibig hindi hinihintay kusang umuusbong sa taong para sa iyo.

Vhonne said...
March 27, 2009 at 7:23 AM

@marga:

ndi naman dahilan ang kasarian ng tao para malaman kung sino ang dapat mauna... kapag naglalakad... bakit babae ang pinapauna? para maging gentleman... babae ang pinag-uumpisa ng lalaki sa ibang gawain... pero bakit sa ganyang sitwasyon.. gusto nio lalaki naman mauna? dapat... wala tayong hintayin kung sino ang dapat mag-umpisa, mauna, magsimula... dahil talagang mauuwi un lahat sa wala... hehehe...

@ahkong:

salamat kaibigang ahkong... tama nga din ung pagkakadikit mo nung kay juan tamad... naghihintay sa bayabas... ahaha...

at kahit gaano kadiretso ang mga pananagalog mo... sa twing babasahin ko ang sinusulat mo... nagtotonong intsik ako... ahaha.. epekto talaga ng pangalan mo...

hukombitay said...
March 31, 2009 at 12:41 AM

Hindi mo kailangang maghintay ng tamang tao para sa sarili mo. Bagkus, maging tamang tao ka para dumating sa buhay ng isang tao.

- i've used this line a couple of times narin... glad to share the same belief & thought as you.

Vhonne said...
April 1, 2009 at 12:41 AM

@hukombitay:

ano pa bang aasahan sa mga taong tulad natin? parang iisa na din ang bituka natin eh... ahaha... tagay?

Anonymous said...
April 16, 2009 at 2:10 PM

hi..
ok ang kuwento mo,
pero para sa akin,
bahay at kayamana namamana sa magulang,
ngunit ang mabait na asawa bigay ng DIOS..
nabasa ko yan sa isang talata ng BIblia
kaya ako..para magkaroon ng mabait na asawa
inaantay ko ung bigay ng DIOS...
para sa akin lang ung ewan ko sa iba

Vhonne said...
April 16, 2009 at 2:16 PM

@anonymous:

honga po... tama nga din po un... pero madami din ang nagsasabi...

"nasa Diyos ang awa.. nasa tao ang gawa..."

parang ganun din un... maaaring ibibigay nga ng Diyos ung para sa atin... pero kung wala tayong gagawin... wala talagang mangyayari...

totoo po ung sinasabi nio... pero nasa tao pa rin ang paraan kung paano nya susundin un... para ndi xa maghintay sa wala... :D

salamat po sa pagdaan... ;)

Post a Comment

Bago malasheng ng tuluyan... mag-iwan muna ng kumento...

 

Copyright 2008 All Rights Reserved Revolution Two Church theme by Brian Gardner Converted into Blogger Template by Bloganol dot com Customized by Vhonne DeVille