Feb 3, 2009

Unliquotes: Unang Kumpol

28 na lasing
Kakauwi lang ng bahay. Medyo inaantok pero kelangan ko pa magbilang ng konti pang oras. May kailangan pa kasi akong kausapin mamaya. Kung matutulog ako ngayon, maaaring mapahimbing at magising na ako kinahapunan. At kung magpapagising naman ako, mababadtrip lang ako dahil mabibitin sa pagtulog. Kaya ang ginawa ko na lang, binasa ko ulit ang mga lumang blag entris ko dito sa blag ko.

Natawa ako sa mga natuklasan ko. Hindi ko lubos-maisip na ganun pala talaga ako magsulat. Nakakatuwa. (Pinupuri ko masyado ang sarili ko. Ganito pala magbuhat ng sariling bangko. Hehehe) At habang binabasa ko ulit ang mga naisulat ko na, may napansin ako na may pagkakataon palang nakakabuo ako ng mga magagandang quotes. Ewan ko kung nagustuhan o magugustuhan ng iba, pero para sa akin, natuwa ako sa mga quotes na iyon. (Sabi na sa inyo eh, pinupuri ko ang sarili ko.)

Kaya naisipan ko na lang pagsama-samahin ang ilan sa mga quotes na nabasa ko dito.

**Kung mahuhulog ako, at ang pagbabagsakan ko ay may kasamang tinik, iindahin ko ang sakit na tutusok sa’kin basta handa lang niya akong sambutin.

**Kung masasaktan ka lang sa pagbagsak mo dun sa may tinik na ‘yun, bakit hindi ka na lang humanap ng ibang pagbabagsakan na walang tinik?

**Kung ikaw ba? Saan mo mas gugustuhing bumagsak? Sa alam mo ngang may tinik at masasaktan ka pero doon ka naman masaya? O doon sa may mababango at magagandang bulaklak, na hindi ka nga masasaktan sa pagbasak, pero may allergy ka pala sa amoy ng mga ‘yun?

**Mahirap mag-isip, kung wala kang puso, at mahirap magmahal, kung wala kang utak

**Korteng puso ang tenga kung ipagdidikit mo sila, kung 'di ka marunong makinig imposible sa'yo ang umibig

**Nakita ng unggoy ang repleksiyon ng buwan sa dagat. Sinubukan niyang hawakan 'yung repleksiyon na 'yun. Nilapitan niya. Gumawa siya ng paraan para mahawakan ang buwan, ang repleksiyon ng buwan sa tubig. Hindi niya tinitigilan hangga't hindi niya nahahawakan. Hindi niya namamalayan, lumulubog na siya sa dagat. Na nauwi sa pagkalunod.

**Hindi "SIYA" kasama sa lahat ng pangarap ko. Dahil siya ang magiging kasama ko para matupad ang lahat ng pangarap ko.

**Kapag may ginawa ang isang lalaki at nasaktan ka, maaaring kasalanan ng lalaki. Pero kapag masasaktan ka na naman sa ikalawang pagkakataon, sa iisang lalaki, isa lang ang ibig sabihin noon. Tanga ka. At kung nagawa ng lalaki na lokohin ang iba para sa'yo, hindi malayong mangyari na gawin din niya ito sa'yo.

Ilan lang ang mga ito sa natagpuan ko. Masyado palang mahahaba ang ilan sa mga nasulat ko. Pero sana naman, para sa mga nakakabasa ng mga naisusulat ko, sana hindi sila napapagod sa kababasa.

Comments

28 comments to "Unliquotes: Unang Kumpol"

Anna said...
February 3, 2009 at 9:30 AM

Huwaaaw! :) makatang makata. ayus naman yung mahahaba mong post! may laman talaga, di puro kalokohan lang. keep it up!

galing. :) masustansya dito. hehe.

Anonymous said...
February 3, 2009 at 10:43 AM

ayos! astig ang mga kasabihan, lalo na to..

"Korteng puso ang tenga kung ipagdidikit mo sila, kung 'di ka marunong makinig imposible sa'yo ang umibig"

Anonymous said...
February 3, 2009 at 11:17 AM

Bro Astig Pala Mga Quotes mo nakakabilib san ka ba nag aral ng pagkamaata?

Vhonne said...
February 3, 2009 at 1:16 PM

@monique:

salamat naman kung ganun... akala ko kc walang nakakapansin na hindi non-sense ang blog ko... hehehe... pinipilit ko talagang itago ung gusto kong sabihin.. para naman mahirapan umintindi ung magbabasa... ahahaha...

@kheed:

sa totoo lng... ndi ako mismo ang gumawa ng quote na yan... narinig ko n yan dati... nirevised ko lng.. at ginamit sa tula.. tapos.. nagulat ako... nasa Boy and Kris ung quote... akala nung iba galing sakin.. wahaha...

@michael:

salamat at nagustuhan mo... pero ndi naman natin kelangan ng school para lang maging makata... ahaha... pero school ang isa sa dahilan para mas mahubog ung ganung talento... nasa tao n din lng kung paano nya mailalabas...

Anonymous said...
February 3, 2009 at 4:10 PM

quotes pag-ibig nanaman... buhay in-love nga naman. oh well papel, matapos ang tagay ko kaninang madaling araw, eto ang naisip ko:

"hindi naman nauubos ang bukas, kaya bukas nalang ako iibig."

-eto ang quote para sa mga walang mga iniirog ngayong bwan ng mga puso. cheers sa atin! :D

Vhonne said...
February 3, 2009 at 4:15 PM

@hukombitay:

ang quote na iyan... ay para sa mga tamad... wahaha... at heto ang ganti jan...

"kung kaya mong gawin ngaun... wag mo ng ipagpabukas"

ahaha

Anonymous said...
February 3, 2009 at 5:35 PM

"hindi ibig sabihin kayang gawin ngayon ay may kahihinatnan hanggang bukas, mas okay na ang sigurado kaysa magulo."

"hindi lahat ng kayang pasukan madaling lusutan. lagi nlng ba nasa huli ang pagsisisi..."

ahaha

Vhonne said...
February 3, 2009 at 5:37 PM

@hukombitay:

kung ayaw mong masisi sa huli.. magsisi ka na ngaun... hehehe

Anonymous said...
February 3, 2009 at 6:30 PM

ayos! lol

Vhonne said...
February 3, 2009 at 6:31 PM

ahaha... ang kulit...

cyndirellaz said...
February 3, 2009 at 9:33 PM

ang galing ah! agree ako sa lahat as in lahat ng sinabi mo dito! kaya magsulat ka pa ng magsulat ha! para dumami pa ang quotes! galing mo!

JAJA NOBLE said...
February 3, 2009 at 10:46 PM

at my gnyan ka pa tlga ha!makata no. 1!heheheheheeh!!snxa n dko tlga ma-career ang plurk<====ulupong kc ko!..heheheh

Vhonne said...
February 3, 2009 at 10:57 PM

@cyndi:

salamat naman po... hehehe.. balak ko ulit gumawa ng tula... sayang ang oras... habang inspired pa... lol...

@jaja:

hindi na kita pipilitin sa plurk kung ndi mo talaga kaya... ahaha... may ym naman eh... hehehe... mishue...

abe mulong caracas said...
February 4, 2009 at 2:04 AM

eto ang sa akin...

para kang alak, pag mumurahi'y mabaho. pero mabaho ka man, isang suka ka lang!

ano daw? hehehe

Vhonne said...
February 4, 2009 at 4:22 AM

@mulong:

ahaha... medyo magulo ang sinabi mo... muntik na ako mapasuka dahil nakakahilo... lol.. joke lng...

tatapatan ko n lng yan...

"sa bawat inuman, masarap na pulutan ay iwasan... dahil ito'y masasayang... kung isusuka mo din lamang"

Boris said...
February 4, 2009 at 6:33 AM

wow naman haneo mga quotes mo. kakabilib! :)

Vhonne said...
February 4, 2009 at 7:02 AM

@Boris:

salamat po... hehehe... iba talaga pag inspired... lol

Anonymous said...
February 4, 2009 at 11:44 AM

"malasing ka na sa alak, wag lang sa iyong kabiyak."

Boris said...
February 4, 2009 at 10:24 PM

thanks for dropping by :) ako? gusto ko lahat, nay kanya-kanyang emotion kasi hehehe...

Vhonne said...
February 4, 2009 at 11:12 PM

@hukombitay:

"hawakang mabuti ang alak.. wag hayaang mabiyak..." sayang.. hehehe

@Boris:

np.. heehe.. salamat din sa pagdaan...

Anonymous said...
February 5, 2009 at 2:06 AM

natuwa naman ako samga collection mo :)
lalo na to

**Mahirap mag-isip, kung wala kang puso, at mahirap magmahal, kung wala kang utak

Vhonne said...
February 5, 2009 at 2:40 AM

@joyz:

hinugot k yan dun sa tula kong "Pares-pares: Part 1"... hehehe...

Anonymous said...
February 5, 2009 at 1:18 PM

nice compilation! pag-ibig nga naman... hehe! dapat ang mga ganitong quote isinasagawa hndi isinasawalang bahala... ;-)

Anonymous said...
February 5, 2009 at 1:29 PM

precious ang alak, "handle with care" dapat. :)

♥ K.i.i.k.a.Y ♥ said...
February 5, 2009 at 3:10 PM

WWAAAH anG ASTIg Mo TALAGA

big applause *_*

gii really like u...i mean ur bLog pO :D

GE GE

Vhonne said...
February 5, 2009 at 5:44 PM

@yhen:

hehehe... mismo... iba talaga ang nagagawa ng pag-ibig.. ahaha... lumalabas ang mga ganyan ko... lol

@hukombitay:

agree... ang alak ay buhay... iyan ang dugo na inalay sa atin ng ating Panginoon... wala nga lang akong tinapay na maiaalok... kayo na ang bumili...

@chuchay:

hello po... first time mo dito noh? salamat naman at nagustuhan mo dito... :D salamt sa pagdaan.. balik ka ha? hehehe...

♥ K.i.i.k.a.Y ♥ said...
February 7, 2009 at 3:16 AM

OPOPo BAGUHAn Lng Po AKoO...WAG KANG MAgaLaLa

DADAAN akO paLagi d2..nakakatuwa kasi anG bLog moO..:D

Vhonne said...
February 7, 2009 at 6:03 AM

@chuchay:

salamat naman kung ganun... at sana... kahit mukhang walang sense ang blog ko.. may mapulot kayong aral... oo.. may aral jan... nakatago lang... un muna ang pag-aralan nio... kung paano hanapin.. ahaha

Post a Comment

Bago malasheng ng tuluyan... mag-iwan muna ng kumento...

 

Copyright 2008 All Rights Reserved Revolution Two Church theme by Brian Gardner Converted into Blogger Template by Bloganol dot com Customized by Vhonne DeVille