Isang kahilingan ang hiningi sa akin ng isang malapit na kamag-anak. Malapit na kamag-anak pero malayo dito. Tita ko na nasa ibang panig ng mundo. Wala akong kamalay-malay na isa din pala siya sa tagasubaybay nitong blag kong ito. Medyo nahiya tuloy ako, dahil sa mga pinagsususulat ko dito.
Nakiusap siya sa akin na igawa ko daw ng isang kwento ang mga buhay at pangyayaring nasaksihan niya sa kung saang lugar siya naroroon. Ipinaliwanag niya sa akin ang sitwasyon ng kaibigan niya. Sitwasyon na medyo magulo at kumplikado. Mahina pa naman akong magsalaysay kung mga bagay na seryoso ang pag-uusapan. Hindi ko alam kung paano uumpisahan ang kwentong ito kaya tinanong ko kung para saan at para kanino ang gagawing istorya. Pero bago ko sagutin kung para kanino nga ang kwentong ito, umpisahan na lang natin.
Ito ay kwento na may kinalaman sa puso. Tama. Puso na naman. Kung mapapansin ninyo, puro tungkol sa kapusuan ang mga naisusulat ko nitong nakaraang mga araw. Marahil ay dala na din ng nalalapit na Araw ng mga Puso. Pero hindi lahat ng labistori para sa ganitong araw ay masaya. May mga kumplikado. Delikado. Eksaherado. Eksklusibong Eksplosibong Eksposey. Pero tulad na din sa pagkakaintindi ko, kung magmamahal ka, dapat nakahanda ka ding masaktan.
Isang lalaki, na may responsibilidad sa isang babae, ang nagtungo sa ibang lugar para magtrabaho. Hindi ko na lang babanggitin kung saang ibang lugar iyon. Dahil hindi ko din alam. Naiwan ang babae. Masasabing merong namamagitan sa kanilang dalawa pero hindi naman sila legal na mag-asawa. Hindi sila kasal. Pero hindi d'yan tatakbo ang ating kwento. Magsisimula ang tunay na kwento nang nasa ibang lugar na ang lalaki.
Nang malayo na sila sa isa't isa, dumating ang mga pagkakataon na naghahanap ang lalaki. Naghahanap ng taong pwede niyang pagbuhusan ng kanyang pagmamahal. Hindi ko sinasabing normal para sa isang tao ang maghanap ng ibang pwedeng pagtuunan ng pansin para lamang mabawasan ang kanyang pangungulila. Pero may pagkakataon din na hindi ito maiiwasan. Maraming ganyang klaseng lalaki pero hindi naman lahat. Kasama ako sa hindi ganun. Pinapaliwanag ko lang.
Habang sa ganung sitwasyon niya, isang babae ang kanyang nakilala. Isang babae na pumupuno na mga hinahanap niyang kulang sa kanya. At hindi nagtagal, parehong nahulog ang kanilang mga underwear puso. Pinana sila ni kupido. Napagpasyahan nilang bumuo ng pangarap. Pangarap ng dalawang nagmamahalan. Sa madaling salita, nagkaroon sila ng relasyon. Maraming sumubok sa relasyon na iyon. Maraming pumigil. Pero dahil sa tibay ng kanilang nararamdaman para sa isa't isa, nagawa nilang lampasan lahat ng pagsubok na iyon. Naging masaya ang kanilang pagsasama.
Tumagal din ang kanilang pagsasama. Pero kasabay ng mga araw na dumadaan, naging abala sila sa kanilang mga kanya-kanyang gawain. Trabaho. At sariling mga aktibidad. Nababawasan ang oras ng kanilang pagsasama. Pagkikita at pag-uusap. Dahil sa nangyari, naramdaman na naman ni lalaki ang una niyang naramdaman bago niya nakilala si babae. Ang paghahanap. Naghahanap na naman siya dahil pakiramdam na naman niya ay may nawawala.
Pumunta siya sa lost and found at may nakita siyang babae. Ibang babae ito at hindi 'yung nabanggit ko na. Katulad ng naunang nangyari, nahulog na naman ang loob nitong lalaking ito para doon sa bagong babae. Chickboy? Dahil sa hakbang na ginawa nya, nagkaroon ng lamat ang relasyon nila nung kasalukuyan niya. Nalaman ng babae ang pinaggagagawa ng lalaki kaya nagpasya itong makipaghiwalay na lang.
Napag-isip-isip nitong lalaki na hindi niya mawala ang babaeng iyon para sa kanya. Natakot siya. Kaya gumawa siya ng paraan para makipag-ayos at makipagbalikan. At hindi naman nagtagal, nagkaayos naman silang dalawa at bumalik sa normal na pagsasama.
Hindi ako makapagbigay ng tamang komento para sa istoryang ito dahil hindi ko naman sila kilala talaga. At hindi ko alam ang pinaka-eksaktong pangyayari. Pero bigyan ninyo ako ng karapatan na magsalita para dito. Dahil ako ang nagsulat nito. Hehehe.
Para sa lalaki. Ang babae ay hindi isang bagay na tulad ng mga normal na gamit. Na kapag dumating ang oras na maging luma na ito, gusto mong humanap ng bago para mapalitan ito. Huwag mong isipin na nagkukulang ang kapareha mo dahil ang nagkukulang ay ikaw mismo. Nagkukulang ka sa tamang pag-iisip. At nagkukulang ka ng tiwala sa kanya. Kung meron ka lang sapat na tiwala, hindi mo mararamdaman ang mga pagkukulang niya, na nasa isip mo lang pala. At dahil sa takaw mo sa babae, darating ang araw, ikaw din ang mawawalan. Hanap ka ng hanap, wala namang nawawala. Hanapin mo muna 'yung sarili mo bago ka maghanap ng ibang babae.
At sa iyo babae. Simple lang ang sasabihin ko. Kapag may ginawa ang isang lalaki at nasaktan ka, maaaring kasalanan ng lalaki. Pero kapag masasaktan ka na naman sa ikalawang pagkakataon, sa iisang lalaki, isa lang ang ibig sabihin noon. Tanga ka. At kung nagawa ng lalaki na lokohin ang iba para sa'yo, hindi malayong mangyari na gawin din niya ito sa'yo.
Ito na nga ang sinasabi ko eh. Nahihirapan akong magsulat ng seryoso. At hindi ako magaling sa ganitong klase ng kwento. Pero tulungan na din natin 'yung tauhan sa kwento sa pamamagitan ng magiging komento ninyo. Ito po ay totoong pangyayari.... daw.
Hindi po ako si Ate Charo. Hindi ako magaling magpayo sa mga ganitong bagay. Pero kung gusto ninyo ilagay ang kwento ninyo dito, babalakin kong maglagay ng porsyon kung saan pwede kayong magpadala ng inyong tunay na istorya. Hahaha.
The Seven Star Hotels of the World
3 years ago
Comments
25 comments to "Sakit sa Puso o Sakit sa Puson?"
February 1, 2009 at 9:22 AM
I like your blog. Check out My Blog and let me know if it works for you. :) Thank you!
February 1, 2009 at 9:28 AM
@mberenis:
ako hindi intindi ingles, akin blag puro tagalog... ako pinoy... pero ako bakit chinese saita? mali mali mali...
sabi mo you like my blog... pero ndi mo naman siguro naiintindihan ang tagalog ko... lolololol
ibalik ko na ba ang word verification dito? anti-spam?
February 1, 2009 at 3:48 PM
dapat sa mga ganyang lalake ay pinuputulan ng penis! ang kakati niyo! at tayong mga babae syempre wag din natin gayahin yung ginawa ng lalake dahil sakali mang mamatay tayo, puputulan tayo ng clitoris sa hell.. if u know wat i mean! at sa mga babae o lalake na naloloko, tama ka, pagiging tanga na yung naloloko ng 2x or more.. advance happy valentines ^^
February 1, 2009 at 10:38 PM
@cyndi:
buti na lang.. ndi ako marunong manloko ng babae... hehehe... sana lang.. kung sino man ung tauhan sa kwento.. mabasa nila ito... para matauhan... pati n din ung mga makakabasa na medyo nakakarelate... ahaha
February 2, 2009 at 2:27 AM
marami na acong narinig na ganitong sitwasyon. . kapatid, kung aco ang tatanungin, gayahin na lang nila aco. . . lol. . joke lang. .
sa totoo lang minsan ay may ganyan din acong pakiramdam kagaya nung sa lalake. . at naramdaman co rin ang naramdaman nung babae. . hahaha, , ewan! wla na din aco masabi. .
hindi totoong mahina ka seryosong usapan, ito na nga at nagawa mo na. . magaling! hehe:P
February 2, 2009 at 9:32 AM
@papel!:
ahaha... dalawa kasi ang maskara ng tao... at pareho mo namang sinusuot un... hehehe... kaya maiintindihan ko na nakakarelate ka sa nasulat ko... ahaha... alam ko na ang pwedeng itawag sau... UNISEX... ahaha... peace..
sana nga ay naipaliwanag ko ng maayos ung naisulat ko... hirap maging seryoso... ahaha... salamat papel...
February 2, 2009 at 5:27 PM
haaaysh... natapos din... hehe! jowk... kidding aside, natuwa ako. harhar!
nwei, masyado namang lalaki yan... echosa..
February 2, 2009 at 6:21 PM
@ate yhen:
requested lang sa akin ang post na yan... hehehe... ndi nga ako makapaniwalang nagawa ko yang istroyang yan eh.. at nagulat n lng ako sa kinalabasan... napahaba pala... ahaha...
off-topic: haba ng reply ko kanina... ndi nag send... nag error bigla ang blog ko... tsk tsk tsk...
February 2, 2009 at 8:18 PM
hay naku ang mga unpeytpul ay di na dapat nabubuhay sa mundo. :)
February 2, 2009 at 10:51 PM
@joshmarie:
galit ka sa mga unfaithful na tao? may relasyon tayong dalawa... tinatago mo sa bf mo... unfaithful ka din.. wahahaha...
JOKE LANG PO... ahahahahaha...
i love you LORAINE...
February 3, 2009 at 1:58 AM
uy mahabah 'un pero sige binasa koh... mejo take a break naman akoh sa skul... sendali...like koh tong linyang toh "kung magmamahal ka, dapat nakahanda ka ding masaktan"... true i so agree... don sa case na sinabi moh.. ano bah sarili kong opinon don?... well...lagay koh 'ung case koh don sa 2nd girl... okei nagawa nyang lokohin 'ung una... pero sana fix nyah muna and apologize to that person... so magsasama kc cuz mahal daw namen ang isa't isa...daw hehe... hmmm... so kaso nilokoh nyah akoh sa iba but he asked for second chance... siguro dahil mahal koh... kahit masakit... ok letz say asawa koh na syah... eh i'll probably give him a second chance... durog durog nah puso koh non... katangahan yes pero lahat naman deserve ang second chance... but nde koh blablame ang other girl pero siguro bubugbugin koh.. hehe.. lolz... biro lang... syempre fault nilang dalawah 'un...pero kapag nangyari uletz... i guess i have to let go... actually first i'm gonna pray about it cuz i believe God will lead me to right path and He will tell me i should still stay on that relationship or not...or probably He would want me to give him another chance and He could change things around and He will touched this guys heart... lahat naman puwedeng magbago nde bah...like i always say walah akong kontrol sa situation... things always happen whether i like it or not... pero naalala koh lang sometimes daw kc sa pag-ibig... una kc andyan kakesohan, kasweetnesan... tapos non... mejo feeling naten walah nah... pero sabi nga nilah u juz gotta keep the fire burnin'... tama bah 'un?... parang apoy yan sa kahoy... namatay na 'ung apoy... akala moh walah nah.. pero paypayin moh uletz... liliyab muli... ayonz... i think importante ang mag-spend time together tlgah... hwag ganong magpapa-caught up sa bzness nang mundo... kc don kayo mejo mawawala... keep the communication...hang-out... ang sweetness.. basta ganonz... eniweiz datz my opinion... post koh pa bah toh?... bahala kah na intindihin ang pinagsasabi koh....
hirit koh lang... josha is loraine????? hmmmmmnnzzz????
GODBLESS! -di
February 3, 2009 at 4:02 AM
@dhianz:
"hirit koh lang... josha is loraine????? hmmmmmnnzzz????"
HINDI PO!.. ahahaha... biro lng un... pakilala ko kayo kay loraine ko... ignore nio n lng ung reply ko kay ate josh... binibiro ko lng po xa... ahaha...
ganda po ng sinabi nyo... lalo na ang part na ito...
"parang apoy yan sa kahoy... namatay na 'ung apoy... akala moh walah nah.. pero paypayin moh uletz... liliyab muli"
pero may pagkakataon na mawawala ang apoy ng kahoy na un dahil sa basa ng tubig... at kahit paypayan mo pa ng paypayan... hindi na ito muling magliliyab...
February 3, 2009 at 8:31 AM
Tama lang na pag nagawang lokohin ng lalaki ang isang babae, magagawa nya rin to sa iba. May root talaga ng pagka unfaithful ang mga lalaki, kahit anong gawin di mawawala yan. Pero naniniwala ako na "hayaan m0ng maglaro ang lalaki at babalik sya sayo pag gabi na" hahaha. di to literal a!
Basta iyon lang, di ako makarelate, nawala na kasi ka bitteran ko! Manhid na ko e.
February 3, 2009 at 8:55 AM
@monique:
ahaha... anong laro ang lalaruin nung lalaki? alam ko na... DOTA!... ahaha.. hayaan mong magDOTA ung lalaki... pag napagod.. babalik sau... lol
February 3, 2009 at 12:20 PM
"At sa iyo babae. Simple lang ang sasabihin ko. Kapag may ginawa ang isang lalaki at nasaktan ka, maaaring kasalanan ng lalaki. Pero kapag masasaktan ka na naman sa ikalawang pagkakataon, sa iisang lalaki, isa lang ang ibig sabihin noon. Tanga ka. At kung nagawa ng lalaki na lokohin ang iba para sa'yo, hindi malayong mangyari na gawin din niya ito sa'yo." -., wow tol astig ung quotes mo pinabilib mo ako..hmmm san mo napulot yun?heheidol kita..
February 3, 2009 at 1:12 PM
waaaaah. hahaha. bagong isyu na naman ba ito? haha.
oo! may relasyon tayong dalawa. di ba? di ba? di ba? magkapatid tayo sa blogosphere di ba? oh di ba relasyon yun, di ba? ako ang ate "juice" mo di ba? di ba? di ba? :P
February 3, 2009 at 1:21 PM
@bad_mj97:
ndi ko basta pinulot yan... nasaksihan lang sa mga tunay na pangyayari... ehehe... pero buti n lng.. ndi sa sitwasyon ko... sa mga kalagayan lng mga kakilala ko... dun ako nakakakuha ng experiences... hehehe... salamat sa pagdaan..
@joshy:
wahahaha.. ang daming di ba... di ba zsa zsa padilla? di ba kuh ledesma? ahaha... OO... ikaw nga ang ate ko... ahaha.. dami ko ng ate dito sa blogosphere... sarap sarap naman... penge baon ate...
February 3, 2009 at 3:18 PM
PAK DOTA! Pers blood, haha.
February 3, 2009 at 3:21 PM
@monique!:
ahahaha.. pers blad ka jan!.. addiiikk... wahahaha.. wicked sick!
February 3, 2009 at 10:10 PM
DOUBLE KILL!
February 3, 2009 at 11:09 PM
@loraine ko:
wahahaha... mga adik sa DOTA!!!... DOMINATING! na ang DOTA dito sa blog ko.. wahaha... Beyond God Like
February 5, 2009 at 2:13 AM
wala akong masabi...alam ko nagsink in saken ang lahat...pero ewan...wala akong magandang maiikokomento sa ngaun...
napagtanto ko lang,bihira talaga sa isang lalake ang hindi humanap ng iba kahit na meron na.
napakasaklap
February 5, 2009 at 2:52 AM
@joyz:
bihira nga lang sa mga tulad namin ung ganun.. kokonti n lng kami na matitino... tsk tsk tsk... baka nga iisa n lng e.. ako na lng.. ahahaha
February 5, 2009 at 3:04 PM
OuCH!!!grabEe namAN para akOnG BINuHAsaN nG maLamiG nA TuBIg sa KInaUUpOUAN kO
bKIt kasi naman Po kabiLang akoO sa Mga tanGA na siNASABi mO :( * UNFORTUNAteLy inLove daw akOo sa GuY na YuN..HAHAyss d yung guy sa istory mo ha,kung d anG guy na pinagmumukha akOnG tanGA dati yuNz *
maLaki NAMAN pinag bago nyA nGAUn....
teka nGA mUna DIZ is NoT abOwt me seNSyA na NAcarriEd AwaY akOo :D
PEWo yun Nga tama NAman ANg siNASABi mO BAtanggerO hehe....
verY tRue
February 5, 2009 at 5:51 PM
@chuchay:
wag kang mag-alala... kung tinamaan ka sa sinabi ko... intentional un... hehe... para yan sa lahat... para magising ang mga diwa natin... tulad ko.. tulad mo.. tulad nila.. at tulad nating lahat...
dapat tayong matuto... may nagsabi nga sakin... ung sinusulat ko dito.. hindi lng dapat binabasa... dapat isinasagawa...
;)
Post a Comment
Bago malasheng ng tuluyan... mag-iwan muna ng kumento...