Jan 10, 2009

Bobong Rizal

6 na lasing
Oooppss! Teka lang! Huwag ninyo akong aawayin dahil sa nabasa ninyong titulo ng blag entri kong ito. Hindi ko sinasabihan ng "bobo" ang ating Pambansang Bayani. Ipapaliwanag ko kung bakit 'yan ang pamagat ng isusulat kong ito.


Naglalaro ako ng pi-es-pi kanina. Need for Speed Undercover. Pitong oras kong nilaro ng walang tigil at pahinga. Halos mamaga na ang mga daliri ko sa kapipindot nun. Tapos umuwi na ako dito sa bahay at naisipang gumawa ng entri para sa araw na ito. Anong koneksiyon nang paglalaro ko sa isusulat ko? Wala. Gusto ko lang ikwento. Blag ko ito, isusulat ko ang gusto ko. Hehehe. Peace.

Noong mga nakaraang ilang buwan, dahil sa mga klase ng isinusulat ko dito, may ilang nagsasabi na nakukuha ko daw ang istilo sa pagsusulat ng ating hinahangaang Bob Ong. Siguro naman ay walang Pinoy na hindi nakakakilala sa kanya. Ay? Wala nga pala talagang nakakakilala sa tunay na Bob Ong. Ang ibig kong sabihin, halos lahat ng Pinoy, kilala si Bob Ong bilang isang mahusay na manunulat ng libro. Mga libro na naglalarawan sa buhay ng mga Pilipino, kaya naman marami ang nagkakaroon ng interes basahin ang mga naisulat niya. Dahil nakikita natin ang mga sarili natin sa libro niya.

Kung sinasabi nila na naimpluwensiyahan ako ng mga libro ni Bob Ong kung kaya nagkakatulad ng bahagya ang aming mga sinusulat, pwedeng oo at maaari din namang hindi ang isasagot ko. Oo, posibleng naimpluwensiyahan ako ng libro niya kaya ako nagsusulat ngayon at hindi dahil simula't sapul na nagsusulat ako ng kwento ay ganito na ang istilo ko. Ang mga libro lang niya ang nagtulak sakin upang ilathala ang mga nasa isip ko sa dito sa blag na nababasa ninyo ngayon.

Nitong isang linggo lang, may nagsabi naman na para daw akong si Dr. Jose Rizal. Akala ko, gusto niya akong ipabaril sa Luneta kaya niya nasabi 'yun. Hindi pala. Sa mga ilang naisulat ko dito, may mga pahayag daw akong nakakatulad ng mga pananaw ng ating bayani. Sabagay, isa si Rizal sa iniidolo kong tao sa larangan ng pagsulat. Buti na lang at nai-transleyt ang mga naisulat niya sa Tagalog, dahil kung hindi, wala akong maiintindihan sa mga Espanyol na wika sa mga librong naisulat niya.

Kung 'yun ang naging tingin nila sa naging takbo ng utak ko, salamat at mayroon palang naniniwala sa mga walang kwentang ginagawa ko. At kung sa tingin ninyo naman ay makapal ang mukha ko para sabihing kalebel ko silang dalawa, pwede din. Matagal nang makapal ang mukha ko. Kaya nga pinagsama ko ang pangalan ng dalawang taong 'yun bilang ako... pansamantala. Hehehe.

At ngayong tapos na ang panibagong entri kong ito, itutuloy ko na ang naudlot kong paglalaro. Hindi ako makaalis sa pitumpu't tatlong porsyento ng laro. Salamat sa pagbabasa.

Bobong Rizal

Comments

6 comments to "Bobong Rizal"

Kosa said...
January 10, 2009 at 10:48 AM

wow.. goodluck sa nakakaaddict na PsP.. lols
hahaha.. kahit na sinu sa kanila. pwede ka nilan ikumpara..pero para sa aking, di mo na kailangang maging si Rizal o ni Roberto para ka hangaan at makagaa din ng pangalan..lols

sabi nga ni witney Hyuston,
never live in anyones shadow!!!

hahaha..peace..

pero sa totoo, kaido-idolo nman talaga si Jose Rizal at si Roberto Ong.. lalo na yung kanyang ABNKKBNPLAko!? lols ang lupit daw nun... (diko pa nababasa eh!)

cyndirellaz said...
January 10, 2009 at 10:54 AM

lasing ka talaga ano? wahahah! loko ka! actually favorite ko kasi ang filipino subject namin noong highschool at sa lahat ng studyante, pansin ko ako lang ang nakikinig sa aming teacher na inaasar ng aking lokong kaklase na kabesang tales.. kilala mo un? wahahah!!

Vhonne said...
January 10, 2009 at 3:40 PM

@kosa:
hindi mo pa nababasa ung ABNKKBSNPLAko? subukan mo... dun nagsimula ang karir nya... ahaha.. first book nya un... ganda...

@cyndirellaz:
kabesang tales? hmm... ang natatandaan ko... ung tatay ni kabesang tales ung umampon kay Basilio... sila ung may-ari ng lupa na tinataasan ng prayle ang tax... kaya ndi makabayad.. ahaha.. un nga ba?

Anonymous said...
January 12, 2009 at 12:16 PM

bob ong ba... hehe... astig nga mga libro niya... at oo mejo magkahawig na nga kayo ng panunulat... nwei, cge magsulat ka lang... and create your own niche! ;-)

Claw Machines said...
January 12, 2009 at 5:08 PM

Brother,

meron ka ngang galing sa pagsulat pero hindi Jose Rizal kundi si Franciso Balagtas. Anyway gusto kong ipakilala sa yo ang ex ni Rizal. Pero hindi mo pwedeng gawing ex ha.

Eto na ang blog nya
http://www.violetdolor.com/

Tapos baka pwede tayong mag exchange link ng blog ko http://cebuimage.blogspot.com. Sige na Rizal

Vhonne said...
January 12, 2009 at 5:33 PM

@ate yhen:

magsusulat ako.. basta may mga magbabasa na tulad nio... hehehe

@mentor:

may nagsabi na din nyan sakin... Balagtas.. ndi ko na lng binanggit... kasi.. si Balagtas nga po mismo ang unang naging idolo ko sa larangan ng pagsusulat (tula)...

sure po.. palitan ng kawing (exchange link) po tayo... hehehe

Post a Comment

Bago malasheng ng tuluyan... mag-iwan muna ng kumento...

 

Copyright 2008 All Rights Reserved Revolution Two Church theme by Brian Gardner Converted into Blogger Template by Bloganol dot com Customized by Vhonne DeVille