Naging abala ako nitong mga nakaraang araw. Hindi ko na namalayan na may ginagawa nga pala akong istorya dito sa aking munting bahay-blag. Medyo nahihirapan ako kung paano ko itutuloy ito, dahil 'yung mga sangkot sa istorya, ayaw akong tulungan. Hehehe. Pero may napapansin akong kakaiba sa kanilang dalawa kaya ito na...
... ang pagpapatuloy...
Sa tingin ninyo, ano ang bibitawan ni Naruto? Hmm... Pinag-iisipan pa rin niya kung alin nga talaga. Kaya ang ginawa niya, umupo muna siya kung saan siya nakapuwesto. Inilapag sandali ang mga gamit na hawak sa kamay niya. Pinulot niya ang flashlight.
Binuksan niya ito at nagkaroon ng liwanag sa paligid niya. Nagkaroon ng matindig kasiyahan si Naruto dahil sa liwanag na 'yun. Na tila ngayon lang ulit nakakita ng liwanag. Ayaw na niyang bitawan ag flashlight na 'yun. Naisip din niya na 'yun ang magiging paraan upang makalabas siya sa madilim na kweba.
Tumayo siya. Humakbang. Dala-dala ang flashlight. Pero natigilan din siya dahil meron siyang naalala. Bumalik siya kung saan siya umupo. Pinagmasdan ang mga bagay na inilapag niya sa lupa. Muli siyang umupo. Hindi pa siya handa na iwan ang mga bagay na mahalaga para sa kanya. Hindi siya makapagdesisyon sa dapat niyang gawin, kaya minabuti na lang muna niyang manatili doon upang makasama ang mga bagay na iyon.
Nagiging makasarili ba si Naruto? O ayaw lang niya na makasakit ng iba?
Maaaring nagiging makasarili siya dahil gusto niyang mapasakanya ang lahat ng iyon, ng walang naiiwan. Pero maaari din namang ayaw lang niyang masaktan ang bagay/tao na maiiwan niya. Kahit na sa palagay niya, na pwedeng maging maligaya 'yung iiwan niya kapag nakakita ng sa tingin niya eh mas karapat-dapat para doon sa maiiwan.
Ayaw lang ba niyang magsisi sa huli? O natatakot lang siyang sisihin ng iba?
Ayaw niyang sa bandang huli, eh pagsisihan niya kung alin/sino ang pipiliin niya. At ayaw din niyang sisihin siya kung sakali na mali ang napili niya. Siguro. Hindi ko din alam.
Ikaw? Kung ikaw ang nasa kalagayan ni Naruto? Ano kaya ang gagawin mo?
Abangan ang mangyayari... hindi 'yung istorya ko dito, kundi 'yung totoong istorya ni Naruto. Maaaring mabuo 'yung Alamat sa Loob ng Kweba sa pamamagitan mismo ng bida sa kwento, at maaari ding sa tulong ng mga tulad ninyo.
...
The Seven Star Hotels of the World
3 years ago
Comments
7 comments to "Ang Alamat sa Loob ng Kweba (Ikatlong Yugto)"
December 16, 2008 at 1:58 PM
aha. nabitin yung pag popost ko ng new entry ko sa blog ng nag pm ka, pero para sakn alam ko na kakahantungan. wahaha.
go flashlight !! pag nkapunta ko sa EB sama mo si Naruto. LOL. Aagawin ko xa. XD
December 16, 2008 at 9:13 PM
Hahaha. Sige pauwiin mo ng Pilipinas ah nasa Spain e. XD
December 17, 2008 at 11:42 AM
walang nangyayari sa kwento.. kasi wala pang hakbang na ginagawa si naruto.. at heto namang si flashlight, mejo magulo rin kausap. syempre siguro iniisip rin ng flashlight yung mga naiwang gamit ni naruto hahaha.
basta... navvibes ko ang good energy na may mangyayaring kanais nais sa kwentong ito. ahaha.
December 18, 2008 at 7:56 PM
anak ng kweba...
nararamdaman ko din may kainis inis na mangyyare dito... haha char! harhar
December 19, 2008 at 4:47 AM
@chim:
ano ba yan... alam na natin ung kahihinatnan... pero ang hirap pa rin gawan ng kasunod...
@flashlight:
yu... este flashlight... tsk... napasubo ako sa kwento nio ah... hirap pala mag metaphor... ahaha...
@LORAINE:
honga eh.. ito kasing si naruto... nanlilito... ahaha... pakiss nga Loraine... lol...
@littlecut:
ano ung kainis-inis na un? pm mo sakin ha? idagdag natin sa kwento... cge na... vhonne12@yahoo.com email or pm.. pwede... ahaha...
February 3, 2009 at 5:36 PM
Hmmm...ano ba nmn yan bitin ngayon ko ngalang nabsa ito bitin pa....
February 3, 2009 at 6:28 PM
@bad_mj97:
gumulo kc ung kwento nung dalawa... naging malabo ang magiging kwento.. kaya nga ganito ang naging ending ko...
"Abangan ang mangyayari... hindi 'yung istorya ko dito, kundi 'yung totoong istorya ni Naruto. Maaaring mabuo 'yung Alamat sa Loob ng Kweba sa pamamagitan mismo ng bida sa kwento, at maaari ding sa tulong ng mga tulad ninyo."
pasensya na po...
Post a Comment
Bago malasheng ng tuluyan... mag-iwan muna ng kumento...