Katatapos lang ng ika-apat na kabanata ng istoryang sinulat ng kaibigan nating si Yummy. Oo, ika-apat na kabanata, na nangangahulugan na 'yun na ang huling kabanata. Huling kabanata ng istorya ng dalawang tao, ooppss! hindi lang pala dalawang tao, apat na sila. Maaaring huling kabanata ng istorya para dun sa blag niya, pero isang panibagong simula para sa dalawang pares ng nasabing kwento.
Kung napapansin ninyo ang titulo ng entri kong ito, "Rebelasyon." Ilalantad ko na ang mga tauhan sa nasabing kwento. Maaaring alam na ng karamihan kung sinu-sino ang mga taong 'yun, pero para makasigurado sila, heto na...
Drunk Writer = ???
Mamaya na muna siya, unahin muna natin 'yung isang pares.
Naruto = Ian. IaaaaaNinja. Ang lalaking may dilaw na buhok. Ang lalaking hindi makalabas sa madilim kweba. Pero sa ngayon, mukhang malapit nang makalabas, dahil natagpuan na niya ang babaeng nagbigay-liwanag sa kanyang daraanan. Ang flashlight.
Sino ang flashlight? Tanong ninyo kay Greatwall. O kaya gawan ko din ng kwento dito, para makaganti naman kami. LOL.
Paranoia = Ang dahilan kung bakit ganito ang mga naisusulat ko sa blag na ito. Hahaha. Isang Aning na nagpabaliw kay Drunk Writer ng todo. Hindi nga nalasing sa alak itong si Drunk Writer, pero nalasing sa sobrang pagmamahal na ibinigay ni Paranoia. Siya si Loraine. Kung hindi mo kilala, bisitahin ang link na ito.
Drunk Writer = Oo na! Ako na! Ako yan!
Ito ang rebelasyon ko para sa ika-isandaang entri ko. At abangan ang "Ang Alamat sa Kuweba."
Maligayang ika-isandaang (100th) blogpost sa blog ko!
...
Comments
13 comments to "Rebelasyon : 100th Post"
November 24, 2008 at 7:28 PM
congrats sa iyong 100th post!!!
since umamin ka na rin lang naman na ikaw nga si drunk writer, picture niyo naman ni paranoia ang dapat na sumunod.
dapat sweet ang pic para sulit naman ang pagbisita namin. hehehe... =)
November 24, 2008 at 9:05 PM
^^ ayan picture daw. hahahahah.
mahal kita. :">
November 24, 2008 at 9:52 PM
hahaha mayyy gaddd gumanti nga XD
natulala ako sa post mo wahahahaa!!!
November 24, 2008 at 11:13 PM
@angel:
ahaha... sige.. sa susunod.. meron nang pictures namin...
@LORAINE:
text mo n lng ako.. ahaha
@yummy:
ndi p yan tapos... lagot ka samin.. ahaha...
November 25, 2008 at 4:43 AM
kelan kaya aco? hmm. .
November 25, 2008 at 4:45 AM
aww! di pala pumasok ung unang comment co. .syaks!
natatandaan co na napahusapan natin toh. .hmm. . ung kay ronturon un eh. . haha. . congrats. .
danda ng mga druweng ah. . artist!
November 25, 2008 at 8:33 AM
ayun oh!
nagkaalaman na pala!!
yeeeheee!
maligayang ikasandaang post dito sa iyong blog..at
alam kong maligayang maligaya ang puso mo ngayun..aabot iyan ng 8 years and more weeee!!
November 25, 2008 at 11:04 AM
COMMENT!
@ VHONNE- hahahah oo na di pa tapos kaya maghahanda na kami ni Ian magtago LOL.
DUN SA IBA MAGBASA NGA KAYO HALATANG DI NAGBABABASA E, DI KANYANG DRAWING YAN AKIN YAN LOL. AT YUNG ISA KAY IAN.
WALA LANG FYI.
hahahaha.
naimbyerna ako hahahaha.
November 25, 2008 at 4:20 PM
gawa kana dali!!!!!:))
November 25, 2008 at 4:35 PM
@paperdoll:
honga... naalala ko... sabi ko.. inaabangan ko ung 100th post ko... lol... at heto n ngaun un...
galing ni yummy mag drawing noh?
@eiyelle:
salamat... lagi namin tatandaan ung mga sinabi mo samin...
@yummy:
highblood ka? ahaha...
@chim:
gagawan ko talaga yan... kaso pag-iisipan ko at pag-aaralan muna ung mga detalye... ahaha...
November 25, 2008 at 7:31 PM
uyyy.. centennial na tol!
November 25, 2008 at 10:40 PM
congrats vhonne. nakaisandaan kana! madami pa akong kakaining bigas bago maka-100.
November 25, 2008 at 10:58 PM
@buraot & joshmarie:
honga... centennial na.. hehehe... salamat...
sana hindi pa ito ang last post ko... lol
Post a Comment
Bago malasheng ng tuluyan... mag-iwan muna ng kumento...