Nov 8, 2008

Dear Diary

18 na lasing
Kagabi. Hmm... hindi pala. Kaninang madaling araw. May nakausap akong isang babae. Isang babae na ispesyal. Oo! Ispesyal siya. Isang special child. Pero kahit ganun siya, ganun na talaga siya, kaya huwag na nating baguhin. Basta nakilala ko siyang ganun siya, kaya masaya ako na ganun pa rin siya. Ganun kami nagkakilala pero kahit na gusto ko na humigit pa sa ganun, mas ok pa naman kami sa ganun. Sa ganito. Ganun! Ganun na nga. Word for the day.


'Yun na nga. Nung nag-usap kami, may naalala akong isang kwento. Isang kwento ng dalawang tao. Dalawang tao na iisa ang nararamdaman. Iisa ang nararamdaman pero parehong mali ang iniisip. Mali ang iniisip kaya nauuwi sa wala para sa kanilang dalawa. Nauuwi sa wala para sa kanilang dalawa, pero... napupulutan ng aral ng ibang taong makakabasa nito. Kung interesado ka, basahin mo ang kwento at kung hindi ka interesado... Hmm... basahin mo pa rin, pilitin mong magkaroon ng interes.

Girl's Diary:
Nakasalubong ko sa hallway ang hinahangaan kong lalaki. Nabangga niya ang siko ko. Tiningnan ko siya, pero hindi siya tumingin sa akin. Nangangarap lang ako at umaasa na titingnan din niya ako. Pero bakit at paano nga ba naman magugustuhan ng isang magaling na basketball player ng campus ang isang babaeng tinatawag nilang nerd.

Boy's Diary:
Nakasalubong ko ang nag-iisang babaeng gusto ko sa hallway. Aksidenteng nagkabanggaan ang mga siko namin. Hindi ako tumingin sa likod dahil alam kong hindi din naman siya lilingon. Paano nga naman magagawang magustuhan o masulyapan man lang ng isang sikat na babae dahil sa katalinuhan sa buong campus ang isang manlalaro ng basketbol na ang hawak lang ay bola.

Dahil lang sa pag-iisip nila na baka hindi sila magustuhan o baka maging masama lang ang kalalabasan sa hakbang na gagawin nila, kaya hindi nila masabi o maipakita man lang ang nararamdaman nila. Natatakot silang masaktan sa maaaring isagot ng isang tao, pero mas masakit siguro kung malalaman mong nagkamali ka ng iniisip. Mas masakit dahil hindi mo sinubukan man lang na ipaalam sa kanya.

Kaya ano pang hinihintay mo? Puntahan mo na siya at kausapin mo. Kung iniisip mo na walang siyang pera, mali ang iniisip mo. Mauutangan mo siya, subukan mo lang kausapin. Hindi lang ang nararamdaman niya ang itinatago niya, pati pera. Kaya gudlak sa'yo!

...

Comments

18 comments to "Dear Diary"

Anonymous said...
November 8, 2008 at 1:58 PM

ok na sana eh. sinabotahe mo lang ang ending. haha, magdagdag ba naman ng tungkol sa pera at utang. anyway, as always, natuwa nanaman ako sa nabasa ko.

Dear Hiraya said...
November 8, 2008 at 1:59 PM

siguro nga oo, nakakatakot ipahayag ang damdamin lalo pat hindi mo alam kung ano ang mangyayari.. pero, siguro dahil negatib ako, hindi rin talaga maaalis sa tao na mag-isip na hindi sila magkakagustuhan ng lihim niyang minamahal..

http://fjordz-hiraya.blogspot.com

Vhonne said...
November 8, 2008 at 2:22 PM

@matahari:

dala lng ng matinding pangangailangan.. nagbabaka-sakaling may umantig ang puso.. at magpautang sakin... ahaha... 10k lng nmn.. pambili ng LCD ng PC at video card...

@fjordan:

ganyan lang talaga tayo.. ahaha...

paperdoll said...
November 8, 2008 at 2:27 PM

pota naman! halimaw ka din. . kinikilig na tumbong coe. . lol

teka. . makalabas muna. . subukan cong mangutang sa kapitbahay naming hingi ng hingi ng kaning lamig. .

Vhonne said...
November 8, 2008 at 3:05 PM

@manika:

akala mo kau lng ang sweet ha... ahaha.. ako din naman... ahaha...

Rio said...
November 8, 2008 at 3:07 PM

ang cute naman ng kwento..sana hindi pa maging huli ang lahat para sa kanila..hehe

nakidaan po ha..

Anonymous said...
November 8, 2008 at 3:08 PM

mas maganda kung sabihin ang nararamdaman... :)

JAJA NOBLE said...
November 8, 2008 at 4:02 PM

awwww..tama..kya ssbhn ko n k zanjoe!!!!!!nyahahahahaha!!!

Vhonne said...
November 8, 2008 at 4:23 PM

@rio:
huli na ang lahat para sa kanila... ung samin ang sana.. hindi pa huli... ahaha...

@joshmarie:
tama!... yan nga ang dahilan kung bakit ko pinost yan... para magkaaminan na... ahaha...

@jaja:
sabihin mo na nga kay zanjoe... baka bumalik kay mariel... ahaha

Mai said...
November 9, 2008 at 1:17 AM

waah!!!... ehehe nangarap tuloy ako na ganun sana nararamdaman ng natitipuhan kong lalaki, nyahahah... wag naman mangutang, hehe...

Mai

Vhonne said...
November 9, 2008 at 3:35 AM

@Mai:

edi kausapin mo ung lalaki... para malaman mo kung ano nararamdaman nya... ahaha.. wag kang gagaya sa iba...

wag kang gagaya sa amin.. ahaha

Anonymous said...
November 9, 2008 at 1:52 PM

nax pangbagets ahhhh... nakakakilig..lolz

hindi nga, minsan kase mahirap mag-isip ng positibo sa lahat ng oras... masmaganda na yung nasa gitna ka lang.. hindi nman sa negatibo pero just be realistic.. hahaha.. anu ba yung mga pingsasabi ko..diko alam.. pasensya na kung mali

Vhonne said...
November 9, 2008 at 2:08 PM

@kosa:

wag kang mag-alala... walang mali dito... ahaha... kanya-kanya lng yan... at depende sa sitwasyon...

basta ako... masaya ako... bwahahaha

Anonymous said...
November 9, 2008 at 6:03 PM

ang saya ko talaga ng pinost mo ito. meron kasi akong matagal ng gustong ilabas, pero hindi ko lang magawa kasi nahihiya ako. pero, sabi mo nga, dapat hindi ako matakot.

Kaya VHONNE, PAUTANG NAMAN O!

Anonymous said...
November 9, 2008 at 7:08 PM

kanino ga iung unliquotes? umultaw na laang dun sa blog ko. taz parehas kau kwento. kaw gay multo na nagmumulto sa akin?

Vhonne said...
November 9, 2008 at 7:54 PM

@angel:
nakow... naunahan ka na... dumating knina dito sa bahay kabarkada ko... umutang na... ahaha...

@sweetlady:
no comment... ahaha

Anonymous said...
May 9, 2013 at 3:15 PM

Valuable information. Lucky me I found your web site by chance,
and I'm surprised why this twist of fate did not happened in advance! I bookmarked it.

Feel free to surf to my blog post - click here

Anonymous said...
June 2, 2013 at 9:06 PM

Bussey laser treatment rosacea

my blog rosacea laser treatment Hyden

Post a Comment

Bago malasheng ng tuluyan... mag-iwan muna ng kumento...

 

Copyright 2008 All Rights Reserved Revolution Two Church theme by Brian Gardner Converted into Blogger Template by Bloganol dot com Customized by Vhonne DeVille