Ito nga pala ay pinamagatang... teka, tagal ko nang naisulat ito, hanggang ngayon wala pa ring titulo? Ewan ko, basta ayaw kong lagyan ng pamagat eh.
Habang sa isang sulok na dilim ang nakabalot
Ako ay nainip kaya tula ang naisip
At sa aking pag-isip muli kong nasilip
Nakaraang malungkot pilit na nililimot.
Umpisa pa lang, mala-EMO na. Anakng... drama ko pala dati. Buti hindi na ako ganyan ngayon.
Ako'y nahalina sa dilag na maganda
Na sa unang pagkikita minahal ko na siya
Upang makasigurado sa tibok ng aking puso
Balak na pagsuyo akin munang inihinto.
Totoo naman. Madali ako nahulog sa bitag ng babaeng 'yun para mahulog sa puso niya. Syete!
Habang naghihintay sa pag-ibig kong pakay
Lalaking mahusay sa kanya'y sumusubaybay
Sa akin ay may naglinaw ito raw ay nanliligaw
Pagkatao'y nakakubli sa pangalan ng bayani.
May mga alyas-alyas pa kung manligaw. Kaya lalo akong nagkaproblema eh. "Superman" pa ginamit na pangalan sa pakikipagteks ayaw naman umamin na siya. Ako pa ang pinapaamin nung babae na ako 'yun, langya, kahit gusto kong sabihing ako, eh sa hindi talaga ako eh!
At hindi nagtagal nanligaw siya ng marangal
Dilag na minahal ko sa kanya'y nagkagusto
Ang masakit pa nito narinig ko mismo
Balak kung kailan pag-ibig nito ay tulutan.
Awts! Naranasan ninyo na ba 'yun? Ang masama pa niyan, sa araw pa ng bertdey ko. Akala ko ayos na nung dumating siya sa parti, sinabi niya kasi na hindi siya pupunta tapos sinorpresa ako. Tapos nung matatapos na ang kasiyahan, maririnig ko sa usapan nila na sasagutin na daw si "Superman." Ayos ka din ah. Tinayming mo pa. Ahaha.
Ako'y umalis na ibig kong mamahinga
Upang makalimutan sakit na nararamdaman
Ngunit nang ako'y pumikit hindi ko napilit
Luha at lungkot na sa akin ay nagdulot.
Oo! 'Yun na nga. Umiyak na ako kung umiyak. Tao din lang ako. Ako'y may damdaming marunong masaktan. Tulad mo rin ako, puso'y nasusugatan. Ayan, napapakanta tuloy ako. Neks!
Tatlong buwang naghintay sila'y naghiwalay
Sa kanilang pag-aaway maraming nadamay
Ako'y naguluhan sa aking naramdaman
Ikatuwa ang nalaman o dapat kasuklaman.
Ehem. Sabi ko na nga ba eh, hindi sila magtatagal. Sulit ang ibinayad ko dun sa mangkukulam para magkahiwalay sila. Hindi si PaperDoll ang nangkulam sa kanila, hindi pa kasi kami magkakilala dati eh.
Muling nasilayan kanyang kalayaan
Sa aki'y nangahulugan na siya ay ligawan
Diyos na makapangyarihan ibig kong malaman
Siya ba ang tunay na aking hinihintay?
Nung panahong 'yun ako natutong magdasal. Akala ko naman pakikinggan Niya ako sa mga dalangin ko, pero ayos lang. Buhay pa naman ako hanggang ngayon, pasalamat na rin.
Ngunit subalit kaibigang malapit
Biglang lumapit at sa aki'y sinambit
Kung kayang tanggapin kanyang sasabihin
Kanilang damdamin balak pag-isahin.
Hahaha. Kung sino pa 'yung taong nagtulak sa akin para sa babaeng 'yun, siya pa pala ang... hindi ko naman pwedeng tawaging traydor o ahas, kaibigan ko kasi eh. Hehehe.
Ipinaliwanag sa akin kapwa nila damdamin
Hirap nilang dalhin pag-ibig na suliranin
Bigla akong natahimik halos hindi makaimik
Sa puso'y sumiksik sakit na nanumbalik.
Langya. Sa parteng ito dumugo ang kamao ko. Eh suntukin ko daw siya sa mukha? Ganun? Ano'ng ginawa ko? Edi sinuntok ko, 'yung haloblaks sa malapit sa'min, kasalukuyan kasing may ginagawa dun sa iskul na yun eh. Ewan, hindi ko siya magawang suntukin, mas malaki kasi siya sa'kin. Baka biglang lumaban, mahirap na.
Umuwing nagdurusa lungkot ang nadarama
Humiga sa kama ipinikit ang mga mata
Sa nadamang sakit lubos ang pagkagalit
Ngunit paano at bakit pasasalamat ang pumalit?
Hmm... Wala akong masasabi dito. Hindi ko alam kung tanga ako o mabait ba talaga ako o wala lang, tinatamad lang akong magreak.
Lumipas ang mga araw sa akin ay naglinaw
Sila ay hayaan sa kanilang pagmamahalan
Pag-ibig kong tapat sa iba nararapat
Siya'y kusang darating kaya di dapat hanapin.
Lagi ko lang naririnig ito sa kabarkada naming babae, "'Wag mong hanapin ang babaeng para sa'yo, darating talaga 'yung para sa'yo." Parang ganun lang kadali, eh parang siya naman eh halos mainip na din sa kahihintay ng kanyang prinstsarming. Hahaha.
Aking inihinto tulang buong puso
Pag-ibig kong kwento sa akin ay ituro
Hanggang ngayo'y pinag-iisipan mangyayaring kaganapan
Akin lang kailangan pagdamay ng kaibigan.
May kasunod pa ito, kaso hindi na ako ang bida. Umalis na ako sa eksena, hanggang dun lang kasi ang binayad sa'kin nung direktor. 'Yung babae naman sa nasabing tulakwento, wala siyang nakatuluyang kasama sa kwento at dun sa "Part 2", nasa maayos na siyang kalagayan sa piling ng kanyang pamilya. At maayos din naman kaming dalawa, para na kaming magkapatid ngayon.
**Nagdadalawang-isip ako na isulat ito, nahikayat lang ng kapatid natin sa inumang si Loraine. At para naman kay Yummy, ito lang ang masasabi ko: "Sorry... Kagebunshin no jutsu!" Maraming sori.
...
Comments
22 comments to "Minsan din akong Kinawawa!"
October 30, 2008 at 2:02 AM
fotek ang drama!!! o sige na nga, mag-moment ka lang, pagbibigyan ka namin... ngayon lang ha!
October 30, 2008 at 2:13 AM
ahaha... pinipilit kong hindi magmukhang drama.. amf... wa epek...
October 30, 2008 at 2:26 AM
Tae! hakala mo siguro ikaw lang ang ganyan nung bata bata pa! hahahaha! dumaan din ako dyan e! panCHICKS yang ganyang talento parekoy.. nung nasa high school pako sa tabi tabi e nagustuhan naman nila kaya ayun.. hehe
langya, pareho lang pala tayo. hahaha
naalala ko tuloy yung mga ginwa ko.. mai-post nga din! nyahahaha
October 30, 2008 at 4:55 AM
nyahaha, pinost monga!!! ang haba ng tula mo... buong puso't kaluluwa, nyahahahaha!!! iba nga naman pag en love, hehe....
mai
http://sharingmylife2u.blogspot.com/
October 30, 2008 at 8:19 AM
e2 na pala yun..hahaha!!!
hindi ka naman mukhang kawawa eh..
daming kadramahan dati no..pero ang maganda ngayun, pinagtatawanan mo nalang..masayang alaala! :)
hmmm..yung mga manliligaw ko dati..(madami ba sila?! hahaha!!) ganyan din siguro mga sintimyento nun..joke!!
October 30, 2008 at 8:19 AM
bonggang bongga kuya!
"Kung inaakala ninyo na lagi akong masaya, tama kayo, lagi nga akong masaya, ngayon. Pero nung panahon ng tinedyer, bihira lang akong tumawa. Bakit?"
lahat ng teenagers hindi masaya.lol.
uhm. kumusta naman yon, parang nagbbible study lang tayo, bawat stanza may paliwanag. ayos ayos! ;)
sige, kitakits kung kitakits. XD
October 30, 2008 at 9:18 AM
@ronturon:
sige... post mo din... ng magkaalaman na... magkaalaman n ng mga tinatagong kahihiyan nung bata pa... ahaha
October 30, 2008 at 9:20 AM
@mai:
yan n ung sinasabi ko... ahaha... wala talaga... seryoso talaga pagkakasulat... kahit anong gawin ko... ganun pa rin ang kinalabasan... ahaha...
October 30, 2008 at 9:24 AM
@eiyelle:
maxado ba madrama? ikaw din naman ah... maxado madrama ang mga sinusulat mo... ahaha...
October 30, 2008 at 9:25 AM
@loraine:
bakit naman bible study? para bang nangangaral lng ng salita ng Diyos? lol...
October 30, 2008 at 3:10 PM
ang cheesy m rn pla e..heheheheh..
October 30, 2008 at 4:13 PM
ahaha.. amf na yan... nabuklat ko kc ung baul ko... nabasa ko yan... ahaha.. natatawa nga ako nung nakita ko... baduy ko talaga dati...
pero ok lang na isulat ko ngaun.. napapanahon... dami kong nabasang blogs na puro kakesohan at kadramahan ang kwento... ahaha
October 30, 2008 at 4:54 PM
Napakagaling! Napakahusay! Whew, pag na-iinlove nga naman...
Itong Batangguero ay talagang Batanguenio!
Hamak daw na tanggero, yun pala’y isang henyo!
‘di naman isang bayani tulad ni Mabini,
Ngunit sa wika’y matatas, talo si Balagtas!
October 30, 2008 at 5:26 PM
@RJ:
sa'yong mga sinabi, ako'y napangiti...
pero hindi linggo ng wika ngaun.. halloween... ahaha.. saka na tayo magbalagtasan...
salamat sa pagdaan...
October 30, 2008 at 5:39 PM
naka naman... ang drama mo pala...
wait lang. haloween ngayun. pang haloween ba itong love story mo dahil nakakakilabot at nakakapanindig balahibo?
LOL, joke lang.
October 30, 2008 at 5:44 PM
@angel;
ahaha... nakakapangilabot ba? alam mo ba kung bakit ngayong halloween ko nilabas yan?
kasi... sa twing may pipintas ng tulang yan... wala pang isang oras... wala na sa mundong ito.. deadz!
ahaha.. joke lng...
October 30, 2008 at 11:55 PM
akala ko sa umpisa, pilit na pilit ang paggawa ng tula. pero in ferness ang haba. so effort tlga to!
mahusay! next time gawan mo naman ng kanta lablyp mo, hehe
October 31, 2008 at 12:23 AM
nakow chyng... gusto ko talaga gumawa ng kanta... ang kaso... hindi ako marunong maglapat ng tugtog...
ginagawa naman nung mga kaibigan ko.. ginawang rap... amf...
mukha bang pilit ang pagkakagawa? waaaa... lol
October 31, 2008 at 2:35 PM
may tinatagong kadramahan..haha
October 31, 2008 at 2:55 PM
ahaha... ikaw na din ang nagsabi... umuulan... kaya naglalabasan ang mga kadramahan... ahaha
November 2, 2008 at 11:39 PM
ngayon ko lang nalaman
na itong aking kaibigan
natural na makata
panay siguro ang pulot-gata
aking kaibigan
nais kong iyong malaman
ang buhay ay puno ng drama
parang si anabel rama
sa ating mga kainuman
dito sa ating tambayan
aking ipinararating
ang aking pagka-praning....
Bwahh..ha..ha..ha..ha..ha...
November 3, 2008 at 1:38 AM
@ahkong:
bakit nman nasama si annabelle rama dito? ndi nmn xa madrama ah... my monster mom un... lol
Post a Comment
Bago malasheng ng tuluyan... mag-iwan muna ng kumento...