Oct 27, 2008

Inumang Iced Tea

23 na lasing
Kahapon, tineks ako ng isa kong kabarkada ko. Importanteng mahalaga lang daw, punta daw kami sa bahay nung isa naming kabarkada. Kahit tamad na tamad akong lumabas ng bahay, napilitan akong pumunta dun. Pagdating ko sa bahay ng kaibigan namin, huwaw!, may mga bote na alak.


May okasyon? Hindi ko pa alam. Andun na 'yung nagteks sa'kin at ang tanong, "Alam mo na?" Malay ko. Basta ang alam ko, pinapunta nila ako dun. Sumagot na lang siya ng "Si Pareng Dyowel." Sa pagkakasabi niyang 'yun, medyo parang naunawaan ko na kung ano ang nangyayari. Sabay tagay sa'kin ng baso ng alak.

Pagkalagok ko, inilapag ko ang baso. Natigilan ako sandali. "Ang pait naman niyan?" Nung nakita ko 'yung bote, hindi pala 'yung paborito kong pulang kabayo. Colt kwarenta y singko! Nakow! Bihira lang ako uminon nun. Unang-una, hindi ko gusto 'yung amoy. Tapos hindi ko din gusto 'yung lasa. Buti na lang iisang bote na lang 'yun, naubos na nila 'yung iba.

Ilang sandali lang, dumating na 'yung kabarkada namin na sadyang dahilan kung bakit kami nagpunta dun. Niyaya na lang kami sa loob ng bahay nila para daw doon ituloy ang usapan at inuman. Nung nasa loob na kami, lumabas naman siya para bumili ng makakain at maiinom. Pagbalik, may dalang tinapay at aysti. Akala ko gagawin nilang tyeyser, 'yun pala ang iinumin namin. Whew!

Bakit nga ba kami pinapunta dun? Ang walanghiya. Ikakasal na pala. Nung isang linggo pa daw napagplanuhan, naipamulong na din. Eh magkakasama kami nung panahong 'yun, hindi man lang sinabi. Tapos sasabihin sa amin na "Tol, kayo na bahala magsabi sa barkada ha? Kulang na kasi ako sa oras eh." Nasabi ko na lang...

"Tange ka pala eh, hindi mo agad sinabi sa amin nung isang linggo, tapos sasabihin mong kulang ka na sa oras? Bahala ka magsabi sa kanila!" Pero biro lang 'yun. Hehehe. Sinabi ko lang 'yun pero siyempre ipangangalandakan ko sa mga kaibigan namin na magpapasakal magpapakasal na siya.

Ang bilis ng panahon, parang kahapon lang ganito kami, tapos ngayon ganito na. Biglaan talaga ang mga pangyayari, kabibili lang kanina ng meryenda, heto't ubos na agad. Hindi man lang tinamaan ng konting pagkahilo sa ininom namin. Kaya nagpasya na lang kaming umuwi. Pare-pareho pang maraming dapat gawin.

...

Comments

23 comments to "Inumang Iced Tea"

Anonymous said...
October 27, 2008 at 7:01 PM

sabi ko na nga ba may magpapaksal eh...

don't they know that getting married is one of the biggest mistakes one can ever make? hahaha! :) joke lang.


good luck sa friend mo!

Vhonne said...
October 27, 2008 at 7:04 PM

un din ang sabi ko.. kaso narining nung babae... kaya sabi ko din joke lng.. ahaha...

Anonymous said...
October 27, 2008 at 10:04 PM

inggit ka lang!!!!! hahahahaha! echos lang. :p

ikaw kelan kayo magpapakasal ni ano.. yiheeee!

Vhonne said...
October 27, 2008 at 10:06 PM

@jojitah:

walang ganyanan... buti n lng hindi mo alam ang pangalan... at kung alam mo... wag mong subukang banggitin name nya.. idedelete ko... ahaha...

ndi ako naiinggit... nasasabi mo lng yan dahil malapit ka na rin magpasakal!

Mel said...
October 28, 2008 at 12:54 AM

nakupaw mauubos na ang mga single sa mundo!

cge kahet nde ko kilala yung tropa mo itutuloy ko na ang inuman para sa inyo haha!

Vhonne said...
October 28, 2008 at 1:04 AM

trip ko pa naman uminom nung dumaan ako sa kanila... tapos isang lagok lng... ndi pa pulang kabayo.. amf...

shot shot... lol

Chyng said...
October 28, 2008 at 1:24 AM

so ano kinalaman ng iced tea?

nweis, hurray kasalan na! malamang dagdag sa 90M tao sa pinas ang magiging anak nila! ;)

Vhonne said...
October 28, 2008 at 1:26 AM

@chyng:

iced tea lng ang pinainom samin... hindi alak.. ahaha... ayoko pa naman ng iced tea...

Bloom said...
October 28, 2008 at 7:25 AM

im inlove with the thought of wedding.. pero marriage, nyahahahaha! AYAW KOOOOOOO! hahahahaahha.. oh well, paki tapik nalang yung friend mo sa shoulders for me! hahahaha..

Anonymous said...
October 28, 2008 at 8:14 AM

kongrats at best wishes sa friend mo,.ikaw ba wala pabang plano lumagay sa magulo? hahaha!

hmmm..kasal?..naeexcite tuloy ako,parang gusto ko nang hilahin ang mga araw nito..weee!

Vhonne said...
October 28, 2008 at 10:49 AM

@bloom:
ilang taon k n ba? bkt ayaw mo pa? sabagay... matanda n ako pero ayaw ko p din... lol...

@eiyelle:
wag mong sabihing may balak k n din? whew... bkt ako ndi naeexcite? lol..

Anonymous said...
October 28, 2008 at 11:59 AM

hahaha!pinaplano na talaga, matagal ko ng tinanggap ang proposal..humingi lang ako ng 2 taon pang palugit..hahaha! buti nga pumayag eh.

hayaan mo kapag nahanap mo na ang leading lady mo (o nahanap mo na yata eh..)maeexcite ka din..yeehee!

Vhonne said...
October 28, 2008 at 12:01 PM

@eiyelle:
sabihin mo na lang ako kung kelan ha... hehehe...

nakita ko na si leading lady... hawak ko na.. biglang nawala ulit... mukhang babalik... pero hindi n ako umaasa... lol... nagdrama bigla...

edelweiza said...
October 28, 2008 at 1:29 PM

wow, kasalan na naman...puro na lang kasalan nababasa ko sa mga blogs ah...ako kaya kelan ikakasal? hehehe.ayoko pa, saka na lang pag redi na ko.hehe. :)

Vhonne said...
October 28, 2008 at 1:36 PM

@edelweiza:
tama... kailangang pinaghahandaan natin ang lahat... para hindi pagsisihan... may boypren k ba? baka mamaya mabasa ko sa blog mo... ikakasal k n din ha... ehehe

paperdoll said...
October 28, 2008 at 2:09 PM

aco gusto co na rin magpakasal. . gusto co lang magsuot ng putingputing gown at mag lakad sa altar. . tapos ok na kahit i devorce aco kinabukasan. . hehe. . iced tea naman at tinapay noh? di man lang kok at pisa. .

Anonymous said...
October 28, 2008 at 2:35 PM

puro na lang kasalan ngaun ah.. di na ba uso ang june at bride at puro december bride na.. hehehe..

JAJA NOBLE said...
October 28, 2008 at 2:52 PM

wowowowowowowowowowow!wedding!nyeta!!!!ako aminadong inggit!nyahahahahahahaahh!asteg kc ung gnun..

Vhonne said...
October 28, 2008 at 5:02 PM

@manika:
honga... kowk man lang ok na... ayoko kc aysti

@sweetlady:
mga sabik na yata ang mga masising-irog ngaun... ayaw ng patagalin... gusto kasalan na agad... kaya wala ng petsa-petsa pa

@jaja:
nakow... wag kang maiinggit... hindi mo alam mga pinapasok nila... ahaha...

hindi nmn ako pwede magpakasal sa simbahan eh... nasusunog ang balat ko sa loob... whew...

Anonymous said...
October 28, 2008 at 6:03 PM

baka naman bukas o makalawa, ikaw ang magpainom, hehe. baka gusto lang kayo i-sorpresa ng kaibigan nyo, kaso mahirap nga yung ganung naghahabol ka ng oras, di talaga naaabutan yun, mabilis tumakbo.

Vhonne said...
October 28, 2008 at 6:07 PM

@dimaks:
honga eh... bilis-bilis talaga ng oras... nung isang araw nga... balak ko isangla ung oras... dahil time is gold daw... pero sa sobrang bilis.. nawala n lng bigla... amf...

Anonymous said...
November 2, 2008 at 10:16 PM

uy, congrats sa prenster mo lalagay na rin siya sa akala niya tahimik.....magulo pala...LOLs

Vhonne said...
November 3, 2008 at 1:40 AM

ikaw b? naranasan mo n bng lumagay sa tahimik? basta ako.. tahimik na ako sa lagay kong ito... walang hassle.. lol..

Post a Comment

Bago malasheng ng tuluyan... mag-iwan muna ng kumento...

 

Copyright 2008 All Rights Reserved Revolution Two Church theme by Brian Gardner Converted into Blogger Template by Bloganol dot com Customized by Vhonne DeVille