Jul 31, 2008

Ganito Magbigay ng Masamang Balita

0 na lasing
KUMIRIRING ang telepono nang madaling araw....

"Hello, Boss Mel? Si Adonis po ito, 'yung katiwala niyo sa bahay-bakasyunan niyo."

"O, Mr. Adonis, ikaw pala. Ano't napatawag ka? May problema ba?"

Um, napatawag lang po ako para abisuhan kayo na namatay ang alaga niyong parrot."

"'Yung parrot kong si Check, patay? 'Yung nanalo sa bird show?"

Opo, Boss Mel, 'yun na nga po."

"Putris ... sayang! Ang laki pa naman ng nagastos ko sa ibong 'yon. Hay, buhay! Teka, ano nga ba ang ikinamatay niya?"

"E, kumain po kasi ng bulok na karne...."

"Bulok na karne? At sino namang salbaheng tao ang nagpakain sa kanya ng bulok na karne?"

"W-Wala po. Nanginain po siya ng karne ng isang patay na kabayo."

"Patay na kabayo? Anong patay na kabayo, Mr. Adonis?"

"E, 'yun pung mga thoroughbred horses niyo, Sir. Namatay po kasi lahat sila sa pagod, kahihila ng kariton ng tubig."

"Nasisiraan ka na ba ng bait? Anong kariton ng tubbbiiiiggggg?"

"'Yun pong pinampatay namin ng sunog."

"Diyos ko po! Anong sunog naman 'yang pinagsasasabi mo?"

"'Yun pong halos tumupok sa bahay niyo.... Tumumba po 'yung isang nakasinding kandila, tapos nagliyab 'yung kurtina at mabilis na kumalat ang apoy...."

"Ano? Puuut.... E, may kuryente naman diyan sa bahay-bakasyunan, a. Para saan 'yung kandila?"

"Para sa burol po."

"Ano? Kaninong burol?

"Sa nanay n'yo po, Sir. Bigla kasi siya dumating dito nu'ng isang gabi, walang kaabi-abiso. Lampas hatinggabi na. Akala ko po magnanakaw. Binaril ko."
......

Basahin ang kabuuan nito...

Delayed!

0 na lasing
Misis: Delayed ako nang one month pero huwag mo munang ipagsabi.Nahihiya ako…

Mister: Okey.

Kinabukasan, dumating ang taga-Meralco...

Taga-Meralco: Misis, delayed po kayo ng one month.

Misis: Ha? Bakit mo alam?

Taga-Meralco: Nasa record po.

Mister: Bakit naka-record diyan na delayed ang misis ko?

Taga-Meralco: Kung gusto ninyong mawala sa record, magbayad kayo!

Mister: Eh kung ayokong magbayad?

Taga-Meralco: Puputulan kayo!

Mister: Eh anong gagamitin ni misis?

Tag-Meralco: Pwede naman siyang gumamit ng kandila.
......

Basahin ang kabuuan nito...

Sobrang Lasing

0 na lasing
Matapos ang wedding reception sa isang hotel kung saan sobrang nalasing ang magkumpareng Erwin at Alvin:

Erwin: ‘pre, di ko na ata kayang umuwi sha amin. Hilong-hilo nako.
Alvin: ako din pre. Lakash na din ng amats ko.
Erwin: ano kaya kung dito na tayo sha hotel magpalipash ng gabi?
Alvin: onga.. tara dun sha front deshk .
Erwin (sa hotel clerk): missh, bigyan mo kami ng tig-ishang kwarto.
Hotel Clerk: sorry po sir, isang kwarto na lang ang available. Pero me dalawang single bed po yon.
Alvin: pwede na yun pre. Tig-ishang kama naman pala tayo eh.
Erwin: shige missh, kunin na namin yung kwarto.

Akay-akay ng apat na bellboy na dinala ang magkumpare sa kwarto. Halos di na makadilat sa kalasingan ang dalawa. Pagkasara ng pinto ay agad na napahiga sila sa isang kama.

Erwin: poocha pre. Naloko ako ah.. me katabi ako dito sha kama ko.
Alvin: shet pre, ako din..me katabi din ako dito.
Erwin:….ah, alam ko na pre. Ganito gawin natin.. itulak natin ang mga katabi natin.
Alvin: dasha gud idea.

Makaraan ang ilang sandali,

Erwin: pre, gud newsh!...naihulog ko ang katabi ko.
Alvin: shet pre, bad newsh!... naihulog ako ng katabi ko.
Erwin: malash mo pala pre… di bale, lika dito, tabi na lang tayo sha kama ko.
Alvin: shige pre. Shalamat ha.
......

Basahin ang kabuuan nito...

Ang Batanggero: Panimula

12 na lasing
Batanggero. Ano nga ba ang Batanggero? Hmm... Maraming pwedeng idikit na kahulugan sa salitang ito. Pero lahat ng kahulugan nito... may meaning... (malamang). At bawat kahulugan... merong kang matututunan... (sana lang).

Isa-isahin nating ang mga naisip kong kahulugan para buuin ko ang salitang ito:

Bata: Sa edad kong ito (beinte dos anyos [22]), maituturing pa ba akong bata? Kung ang edad ang pagbabasehan, talagang hindi na ako bata. Pero kung sa mga pinaggagagawa at mga pinagsasasabi ko, malamang, isa nga akong bata.

Batanguenio: Dahil isa akong Batanguenio at ipinagmamalaki ko ito, syempre dapat nakadikit sa ipapangalan ko dito kung saan ako nagmula. Ako ay isang tubong LipeƱo sa lalawigan ng Batangas. At sa lugar na ito, marami ang magbabarik (manginginom ng alak) na wala ng ginawa kundi ang lumaklak ng lumaklak.

Tanggero: At dahil madami ang magbabarik sa lugar na kinalakhan ko, natuto akong humawak ng baso sa mga inuman sessions ng mga kaibigan, kabarkada, katropa, katrabaho at kung anong "ka-" na pwedeng isama para magkasiyahan. At syempre, tuwing may inuman, nandyan ang tanggero na laging tumatagay sa bawat pag-ikot ng baso ng mga kainuman. Isa din akong tanggero, na sa bawat pagdating ng baso sa harap ako, dali-dali akong tumatanggi.

At sa bawat inuman at kasiyahan, hindi mawawala ang kwentuhan at kung anu-anong pwedeng pag-usapan under the sun (nice rhyme).

Katulad sa inuman, ang blag (blog) na ito ay magdadala sa inyo ng sakit ng ulo, sakit ng tiyan, sakit sa puso at kung anu-anong sakit pa ('wag naman po). Sari-saring kwentuhan, asaran at kulitan na magdadala sa'yo sa walang hanggang kasiyahan (saan 'un?).

Kaya't umpisahan na po natin ang lasingan. Magsaya sa bawat tagay at sumabay sa bawat kampay. Tumawa ng walang humpay at uminom hanggang mamatay (toinkz! joke lang po)
......

Basahin ang kabuuan nito...

 

Copyright 2008 All Rights Reserved Revolution Two Church theme by Brian Gardner Converted into Blogger Template by Bloganol dot com Customized by Vhonne DeVille